Chapter 11- Suarez

30 8 0
                                    

Weeks have passed at sa mga araw na nagdaan ay maayos naman ang panliligaw ni Chase sa akin. Sinusundo at hinahatid niya ako sa condo, palagi pa siyang may pa flowers.

Sabay din kaming nag aaral pag papalapit na ang finals at naka gawian na namin mag brainstorming lagi, kay Ria naman ay doon pa rin siya nakatira sa kanila at maayos rin kami. Walang nagbago, strong as ever.

Today is Saturday and I'm getting ready because I am going to pick up my parents from the airport. Kasama ko si Asteria dahil si Chase ay kasama si Venice at Aziel, ichecheck daw nila ang isang branch nila sa Cebu.

I'm wearing a flowy dress and my shoulder bag, lumabas na ako ng kwarto at inaya na si Ria na nasa sofa. Nang makarating sa sasakyan ay agad ko na iyon inistart.

Mabilis lang rin kaming nakarating sa airport at nagpark na kaagad ako, nagtitinginan naman sa amin ang mga tao. Hindi ko alam kung bakit.

"Hindi ba si Raven Suarez at Asteria Montes iyon?"

"Grabe, parang hindi sila mayayaman kung umasta! Napaka humble."

"Some people say that Raven Suarez and Chase Cartier are dating?"

"Chase' feed on instagram is full of pictures of Raven, ang sabi nila ay best friends lang daw!"

Nakarinig pa kami ng ibang mga bulungan pero nanahimik nalang kami, nag antay na lang kami sa arrival area nang biglang may kumanta na rinig na rinig sa buong airport kaya napahinto ang mga tao.

People say we shouldn't be together
Too young to know about forever
But I say they don't know what they're talk-talk-talkin' about
'Cause this love is only getting stronger
So I don't wanna wait any longer
I just wanna tell the world that you're mine, girl

Bigla din akong napa hinto nang marealize ko kung kaninong boses iyon, napa linga linga pa ako para hanapin siya pero wala.

Oh, they don't know about the things we do
They don't know about the I love you's
But I bet you if they only knew
They would just be jealous of us

Habang tumutugtog pa rin iyon at nagpapatuloy pa rin sa pagkanta, naalala ko ang instagram post ni Chase at lyrics niyan ang caption na kung saan nabalita pa kami.

Patuloy ko pa ring hinahanap ang kumakanta pero hindi ko talaga mahanap, magaling siyang mag tago, huh?

They don't know about the up all nights
They don't know I've waited all my life
Just to find a love that feels this right
Baby, they don't know about us

Nang matapos ang kanta ay may biglang nagsalita kaya napalinga linga na rin ang mga tao, halatang hinahanap kung sino man ang may kagagawan nito. Bago pa man ako mag hanap ulit ay mag nag takip sa mga mata ko kaya nag pumiglas ako pero hindi pa rin niya ako binitawan.

Huminto kami at doon lang niya inalis ang kamay niya sa mga mata ko, napansin ko rin na nasa gitna ako ng airport at may nakapa libot sa aking rose petals na naka heart shaped. Nagulat ako nang may biglang nag salita.

"I'm sorry for telling you that we're in Cebu right now, I just wanna surprise you and I think it's effective." saad ni Chase at lumapit sa akin.

Nahampas ko siya dahil sa ginawa niya pero tinawanan lang niya ako, may binigay sa kaniya si Ziel na paper bag at box. Inabot niya naman sa akin iyon habang may mga ngiti sa labi.

Tinignan ko ang laman ng paper bag at nakitang portrait ko iyon habang nakatingin sa langit. Ang ganda ng pagkakaguhit.

"Nagpaturo pa ako kay Venice para maiportrait kita and the hard works had been paid off." aniya.

Dancing with your ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon