Weekend came by so fast and here I am, almost crying because of these stupid subjects!
"Babe, instead of crying, why don't you study your lessons?" tanong ni Chase habang nagbabasa ng libro.
"Hmp!" irap ko sa kaniya at pinagpatuloy ang pag rereview ko.
Nandito kami ngayon sa coffee shop malapit sa campus namin, dalawang oras ang vacant ng mga estudyante dahil may meeting ang profs pero dahil alam ko na kung sino ang prof ko pagtapos ng vacant ay napilitan akong magreview dahil may quiz.
Napansin yata ni Chase na naka simangot pa rin ako kaya natatawa niyang ibinaba ang libro na binabasa niya, ang lakas talaga ng loob nitong lalaking to porket tapos na ang quizzes niya ay pinagtatawanan na ko!
"Stop laughing or else." pagbabanta ko habang masama pa din ang tingin sa kaniya.
"Okay, okay. Hindi na po!" aniya bago inilapit ang upuan niya saakin.
"Tulungan na kita, bawat maling sagot mo pipitikin ko noo mo." kondisyon niya kaya tumango na lang ako.
At dahil ako si Raven Xyriel Suarez, namula na ang noo ko kakapitik niya.
"Akala ko ba nag aral ka?" seryosong tanong niya kaya napanguso ako at iniwas ang tingin sa kaniya.
Tinignan niya ang notes ko at alam kong magtatanong na naman siya, ihanda mo na ang sarili mo, Raven. Pipitikin ka na naman niyan!
"General Science, one of your majors. The movement of food through the intestines is known as?" tanong niya.
"Uh.. Peristalsis?" unsure na sagot ko at pumikit dahil alam kong pipitikin niya ako pero isang minuto na ang nag daan ay wala akong naramdaman kaya dumilat ako.
"Correct, but babe, you have to be sure about your answers, okay?" aniya at itinuon na ang atensyon uli sa notes ko.
"Follow up question, what is peristalsis?" tanong na naman niya!
"The large, hollow organs of your GI tract contain a layer of muscle that enables their walls to move. The movement pushes food and liquid through your GI tract and mixes the contents within each organ." he said I should be sure so I tried to remember what I reviewed last night.
"Okay, tama!" saad niya at nginitian ako.
"Biochemistry, one of your favorite subjects." aniya at nginisihan ako.
Favorite ka jan, e, isa yan sa pinaka ayaw ko!
"Nonenzymatic glycosylation or glycation creates glycoproteins by?" tanong niya at doon ko naramdaman ang kalabog ng dibdib ko.
"I know that!" wika ko at itinuro pa siya.
"Anong sagot?" tanong niya ulit at mariin akong tinitigan.
"Nonenzymatic glycosylation or glycation creates glycoproteins by the chemical addition of sugars to polypeptides. Since this type of glycosylation is nonenzymatic, the time and the concentration of sugar control glycosylation. Because people with higher circulating levels of glucose have higher levels of nonenzymatic glycosylation, measurement of the glycosylated hemoglobin A1c is a diagnostic test used to monitor blood sugar levels in persons with diabetes." sagot ko.
"Mukhang pinagtuonan mo ng pansin ang biochemistry, ah? Your answer is correct." wika niya kaya siya naman ang nginisihan ko.
"Well.." pagmamayabang ko kaya tinawanan niya ako.
Isang oras pa kaming nanatili sa coffee shop bago bumalik sa campus, nag lakad na ako papunta sa klase ko at nang mag simula ang quiz ay natuwa ako dahil lahat ng tinanong ni Chase sa akin kanina ay iyon ang lumabas sa quiz.
![](https://img.wattpad.com/cover/251699794-288-k816319.jpg)
BINABASA MO ANG
Dancing with your Shadow
RomanceCartier Series #1 In the bustling city of Manila, a privileged medical student, Chase longs to keep his family together. However, his world is turned upside down when he met Raven, a free spirited nursing student whose presence challenges his perspe...