Chapter 24- Farewell Kiss

23 5 0
                                    

Maraming kumukuha sa aking hospitals pero tinatanggihan ko dahil sa London ko balak mag trabaho.

"Hey, mamaya na yung party!" bungad ni Ria pagkapasok niya sa kwarto ko.

"Pool party daw iyon sabi nila mom, mag see through dress ka na muna saka two piece sa pan loob." aniya kaya tumango ako.

Kinuha ko ang white see through dress ko at ang bagong bili kong red two piece, nag suot na rin muna ako ng maong shorts at nag apply ng red daring lipstick. Kinuha ko ang shoulder bag ko at hinintay sa sala si Ice dahil susunduin niya ako.

venice.cartier: ate, sorry! kuya insisted to go to the party and we can't stop him. sorry!

Napa buntong hininga ako at hinayaan na lang iyon, nauna nang umalis si Ria kasama si Nick para dumiretso sa venue. Hindi kasi sa mansion ang venue at nag rent na lang sila Mom ng buong resort para sa amin ni Asteria.

"BEBE, LET'S GO! LANGOY NA LANGOY NA KO!" sigaw ni Ice kaya napatalon pa ako sa gulat.

"Ang ingay mo naman, e!" saway ko.

Inakbayan niya ako pagkatapos kong ma ilock ang condo at naglakad na kami papunta sa parking para makaalis na. Nag kwentuhan lang kami habang papunta doon at nang makita ang venue ay agad akong kinabahan.

"Alam kong nanjan siya dahil nag message din sa akin si Aziel." bulong niya at nakaakbay na naman sa akin pero hindi ko na siya pinansin.

Pumasok na kami sa loob at nakita ang mga tao doon, pumunta ako sa cottage namin ni Ria, Nick at Ice para hubarin ang see through at shorts ko. Lumabas ako ng cottage at agad kinuha ang beer sa kamay ni Ria kaya natawa siya sa akin.

Tumalon ako sa pool kaya nag sigawan ang mga tao at patuloy ang pag cheer sa akin.

"SUAREEEEZZZZ!" may sumigaw ng apelyido ko kaya napalingon ako at nakita ang Cartier siblings doon.

Tumakbo palapit sa akin si Venice at Aziel at sabay akong niyakap, not minding that I'm wet. Nakita kong papalapit si Chase, with no emotions.

"Congrats." bati niya sa akin kaya nginitian ko na lang siya.

"Bebe!!!" sigaw na naman ni Ice at inabutan ako ng black label.

"Hey, kuya Ice!" bati ng dalawa kaya tumango si Ice.

"Alagaan mo, ate Raven namin ha? Dapat pag bumalik kayo ng Pilipinas buo pa rin siya!" pananakot ni Valerie at tinuro pa si Ice.

"Walang labis at walang kulang." dagdag ni Aziel.

"Syempre, para namang hahatiin at hihiwain ko sa maliliit tong bebe ko! Hindi, ah!" sagot niya.

We continued to party kaya naman halos mahilo hilo na ako dahil sa mga binibigay nilang alak sa akin. Napasigaw ako nang biglang may humila sa pulso ko at dinala ako sa madilim na parte ng resort.

"Ano ba?!" sigaw ko.

"Ang bilis mo naman akong pinagpalit." madilim ang mukha ni Chase nang sabihin niya iyon.

"Parang ikaw, hindi mo ko pinagpalit, ah?" sarcastic na sagot ko.

"And Ice and I are not even together!" dagdag ko.

Bigla na lang niya akong hinalikan at doon na rumagasa ang sandamakmak na memorya namin noon. Nung mga panahon na masaya pa kami sa isa't isa, noong masaya pa siya at mahal pa niya ako. Doon ko lang din namalayan na miss na miss ko siya, mga yakap at halik niya, lambing niya, lahat..

Humiwalay ako sa kaniya at sinampal siya.

"How dare you kiss me after saying you're not happy and you don't love me anymore?!" sigaw ko habang tumutulo ang mga luha.

Dancing with your ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon