Chapter 28- Home

24 6 0
                                    

I can't believe it, I am finally home!

Kumakain kami ngayon at napunta sa topic na dito ako magtatrabaho.

"Saang hospital?" tanong ni Venice.

"St.Lukes!" sagot ko.

"That's where kuya is working." sabi niya kaya medyo napatigil ako.

It's been years of not seeing each other.

"Wala na siyang girlfriend, nag hiwalay rin agad sila ni Aly after she cheated on him again. That was two years ago." pagtutuloy niya sa kwento niya habang nandito kami sa kwarto ko at nagaayos.

"Dito kami titira ni Rai sa mansion dahil kung sa condo ay walang magbabantay sa kaniya doon at baka ma bored lang siya dahil walang kalaro." sabi ko.

"Mall tayo mamaya? I have to spoil my pamangkin! My beautiful niece." aniya.

"Sobrang spoiled na niyan sa London dahil nandoon ang tito Ice niya! Nako, pati ba naman pag uwi ko ng Pilipinas may mang iispoil pa sa kaniya?" apila ko kaya natawa siya.

Tumunog ang phone niya kaya agaran niya iyong sinagot.

"Yes, they're here! Punta na kayo!" narinig kong sabi niya habang nagaayos pa ako.

The hospital sent my uniform so I can where them on my first day.

"Sila Mom nasa baba." pagbibigay impormasyon niya at bago pa ako makasagot ay bumukas na ang pinto ng kwarto ko.

"Apo!!" sigaw nila at sinugod si Rai na halatang nagulat.

"Lola and Lolo!" sigaw pabalik ni Rai.

Matinis ang boses nito kaya naman napalayo sila Tita Pam, natawa naman ako nang magtakip pa ng tainga si Venice dahil katabi lang niya si Rai.

"No need to shout back, anak. Go, hug your grandparents!" utos ko kaya nilapitan niya ang mga ito at niyakap sa binti.

Binuhat naman nila ang bata at pinugpog ng mga halik sa mukha kaya tawa ito ng tawa. Umupo ako sa kama at isinandal ang ulo ko sa balikat ni Venice.

"Mom, sama kayo? Mall." aya nito sa mga magulang.

"We can't, we just dropped by but we have a meeting in 15 minutes! We have to go, bye apo!" nagmamadaling saad nito at inabot si Rai kay Aziel.

"Pamangkin, you want to go shopping?" aya ni Venice at dire diretso naman ang tango nung isa.

"Kikay yan." saad ko nalang at hinanda na ang susuotin niya.

I chose a baby pink sleeveless dress and her doll shoes, inayusan siya ni Venice at binraid pa ang buhok. I also wore a baby pink halter top and high waisted jeans with my shoulder bag.

"Ay pak! Parang hindi nanganak 3 years ago, oh!" biro ni Venice kaya natawa ako.

Si Az ay may kinailangan puntahan kaya naman nagmamadali itong umalis. Si Venice na ang nag maneho papunta sa mall at nasa gitna namin si Rai.

Nang makitang maraming tao ay binuhat ko ang anak ko para hindi siya madapurak, dumiretso kami sa Gucci dahil may nakita daw si Valerie na damit para kay Raizel.

Kung ano ano ang binili niya para sa anak ko at ginawa niya itong manika, ito namang isa ay tuwang tuwa dahil marami na naman daw siyang damit.

Hindi ko na napigilan at sinaway na siya dahil ang dami dami na ng binibili niya samantalang ang dami ko din baon na damit para kay Rai!

Kumain na kami at nag enjoy na lang sa mall, habang pauwi ay nakita kong tulog na tulog na ang anak ko dahil sa pagod. Ikot ba naman ng ikot kanina, sinong hindi mapapagod?

Dancing with your ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon