Chapter 2- Untold

54 10 4
                                    

Pagkatapos mabasa ang chat ni Chase na iyon kagabi ay nakatulog na ako agad, nagising nalang ako dahil sa mga katok ni Ria sa pinto ko.

Tamad naman akong bumangon para dumiretso sa banyo at nang makapaghanda na, pero bago iyon ay sinigawan ko muna si Ria.

"Eto na, gagayak na!" sigaw ko.

"Hindi daw uniform ngayon, orientation day ngayon sa university. Pwedeng civilian." sigaw niya pabalik.

Mabuti naman, minsan ay hindi rin ako kumportable sa uniform namin dahil natatakot ako baka madumihan ko. Puti pa naman. Naligo na ako at lumabas ng banyo habang may tuwalya na nakalagay sa ulo, dumiretso ako sa cabinet ko para maghanap ng isusuot.

Napili ko ang isang red na tank top at ipinares na lamang iyon sa denim na jumpsuit, sinuot ko na ang sneakers kong puti at humarap na sa salamin. Nag suklay na ako at nag blower, nag lagay muna ako ng headband para hindi nakakalat sa mukha ko ang buhok ko.

Nag lagay lang ako ng light makeup at kinulot ang blonde kong buhok, kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto.

"Ayan ka na pala, kain na tayo." aya ni Asteria na nakasuot naman ng ripped jeans at black na tank top pati ang three inches strappy sandals niya.

Umupo na ako sa harap niya at nagsandok ng pagkain.

"May nakita akong gwapo kahapon pero hindi ko naituro sayo! Sayang!" kwento niya kaya natawa naman ako.

Ito talaga, ang hilig mag hanap ng gwapo.

Pagkatapos kumain ay dumiretso na kami sa university, naabutan namin ang mga estudyante doon na masayang naglalakad at nagiikot sa university. Magkahawak kamay kami ni Asteria na naglalakad nang mapadako ang tingin ko kay Chase na tahimik na nakaupo sa bench.

Napansin ko namang nakatingin siya sa akin at kinindatan ako, ramdam kong namula ang pisngi ko dahil doon.

"Bakit ang pula ng pisngi mo? Nasobrahan ka ba sa blush on?" tanong ni Ria na nasa tabi ko.

"Si Chase kasi, kinindatan ako!" sagot ko.

"Kinikilig ka naman? Uy, papalapit siya!" kinurot naman niya ako ng mahina at nagtago siya sa likod ko bago ako tumingin sa harap.

"Kayo yung ka blockmate ko, right?" nakangiting tanong niya kaya tumango ako.

Umangat naman ang sulok ng labi niya na naging ngisi bago ako pinasadahan ng tingin.

"You're the who's stalking me last night!" asar niya sa akin kaya nagulat ako.

"Hindi kita iniistalk!" sabi ko sa kaniya pero dumila lang siya sa akin.

Ang cute, parang aso lang.

"Tigilan mo nga yan!" saway ko.

"Ay, girl! Si jowa ko nanjan na! Sa kaniya muna ako sasama, ha?" paalam ni Ria at dumiretso sa jowa niya na si Nick.

Siguro yung nakita niyang gwapo kahapon, jowa lang niya. Wala na naman akong kasama.

"Need company?" tanong ni Chase na nasa harap ko pa pala.

Hindi naman ako agad nakasagot dahil parang pagtitripan lang niya ako. Hinila niya yung kamay ko palapit sa kaniya na ikinagulat ko. Hinawakan naman niya ako sa baywang na talaga ikinatigil ko.

Tinitigan ko ang braso niya na nasa baywang ko, at sumunod ay siya naman ang tinitigan ko.

"Feeling close ka? Lakas mo makaakto na para tayong mag jowa, ah!" sigaw ko sa kaniya at akmang tatanggalin na ang braso niya na nakapulupot sa akin pero mas hinigpitan niya iyon.

Dancing with your ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon