Chapter 5- Girls Night

38 9 0
                                    

Nang makaakyat sa condo ay naabutan ko si Ria na nanonood ng Netflix sa sala.

"You're home!" sigaw niya at nilapitan ako.

"Saan ka galing?" tanong pa niya pagkaupo ko.

"Kila Chase, pinakilala niya ko sa parents niya!" kinikilig na saad ko.

"Best friends na yon, ah! Grabe." puna niya.

Nag kwento lang siya ng ginawa nila ni Nick kasama ang parents nito, mukha namang masayang masaya siya kaya pinabayaan ko na siya sa mga ginagawa niya sa buhay.

Dahil busog na ako nag handa nalang ako para matulog, naisipan kong bulabugin si Asteria sa kwarto niya kaya nag punta ako doon. Wala nang katok katok, dumiretso na ako papasok at nakita siyang naka dapa sa kama habang kausap si Nick through video call.

"Hi, Nick!" bati ko at kumaway, kumaway din naman siya pabalik bago ituon ang atensyon kay Ria.

"Hoy bruha, aalis ako bukas ng gabi." paalam ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin.

"Saan ka pupunta? Gabi pa talaga, may dilig ka siguro!" sigaw agad niya kaya tinakpan ko ang bibig niya.

"Wala akong dilig, porket ikaw nadiligan ka kagabi! Ni hindi ko nga alam nakailang dilig kayo, e!" pang aaway ko naman.

Namula ang buong mukha ng bruha kaya tawa ako ng tawa, napansin kong namumula din ang mukha ni Nick na nakatingin kay Ria.

"Hoy Nick! Wag mong didiligan ang hindi mo halaman!" sigaw ko sa kaniya at tumigil na.

"S-saan ka nga pupunta?" tanong ni Ria.

"I'm going with Venice, Chase' sister. She invited me." I said and hugged her pillow.

"Ingat ka, ha! Dapat pag hinatid ka dito, buo ka pa rin at hindi kulang kulang!" aniya.

"Ikaw lang naman kulang kulang porket pinanganak ka ng February." sabi ko sa kaniya at lumabas na para pumunta sa kwarto ko.

Narinig ko naman na nagriring ang phone ko kaya tinignan ko iyon, nakita ko naman na nagaaya ng video call si Chase kaya sinagot ko.

"Hello! Naistorbo ba kita?" tanong niya agad.

"No! Kakapasok ko lang ng kwarto, galing ako kay Asteria." sagot ko.

"KUYA HUNTER!!!" may narinig akong sumigaw sa kaniya kaya medyo nailayo ko ang phone ko dahil masakit sa tainga.

"Valerie, you don't need to shout! Ano ba problema?" saway niya kay Venice.

"Kuya Aziel is drunk, I can't carry him upstairs. His neck is full of kiss marks and he even smells like Victoria Secret!" reklamo agad ni Venice kaya hindi ko maiwasang matawa.

"Wala bang maids sa baba? I'm talking to Raven! Slap him, I'm sure he'll wake up." lokong suggestion ni Chase.

"I slapped him five times already and he's still asleep, his cheeks are burning red." kwento ni Venice bago inagaw ang phone kay Chase kaya siya na ang kaharap ko.

"Ate, kuya Chase needs to carry kuya lasinggero. Can I end the call and he will call you later?" nakangiting saad ni Venice.

"Sure! I'll just do my skincare. Chase, do your responsibilities first." tatawa tawang wika ko.

"Damn it." narinig ko ang mura ni Chase bago sumara ang pinto kaya nakita ko rin na humagalpak sa tawa si Venice.

"Valerie Venice Cartier, help me here!!" narinig kong sigaw.

"Oops, kuya's turning into a beast already. Bye ate, see you tomorrow night!" she said and winked at me before ending the call.

I placed my phone on my nightstand and went to my bathroom to do my skincare, nang matapos ay humiga na ako sa kama ko. Narinig ko na naman ang ring ng phone ko kaya sinagot ko iyon.

Dancing with your ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon