Chapter 21- Cold as Stone

25 5 0
                                    

Those nightmares kept on hunting me, hindi sila tumigil hanggang sa nag paulit ulit na.

Ilang araw na ang lumipas at nanatili akong tahimik kapag kasama ko sila, nag mamaneho ako ngayon papunta sa sementeryo dahil may kailangan akong bisitahin.

Nang makarating doon ay hindi ko pa alam kung aatras ako o didiretso, namalayan ko na lang na naglalakad na ako papunta sa puntod ng kakambal ko.

Rychelle Xyn Suarez.

"Hi, twinnie. Sorry kung ngayon lang ako naka dalaw. Ngayon ko lang kasi nalaman yung totoo, saka hindi pa bumabalik yung alaala ko." panimula ko at inilapag ang bulaklak at nag tulos ng kandila.

Umupo ako sa harap ng puntod niya at nag simulang mag labas ng hinaing ko.

"I don't know how long I can ignore all of them, masakit malaman yung katotohanan na nag lihim sila sa akin at masakit tanggapin yung totoo." sabi ko.

May tumulong luha mula sa mga mata ko habang naka titig pa din sa puntod niya.

"Kung hindi dahil sa akin, hindi sana mangyayari to at sana nandito ka pa." saad ko habang pinupunasan ang luha.

Makalipas ang isang oras, biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon. Nakita ko ang text messages nila Ria, Aziel, Venice, at Chase. May mga calls pa.

Sinagot ko ang tawag at hindi agad nag salita habang inaantay ang nasa kabilang linya.

"Raven? Raven! Nasaan ka ba?!" hysterical na tanong ni Ria.

"She answered?! Thanks God!"

"Tanong mo kung na saan! Mamamatay ako sa pagaalala dahil sa batang yan!"

I heard screams but I didn't bother to answer, nanatili akong tahimik hanggang sa nagsalitang muli si Asteria.

"Rave, nasaan ka ba kasi? Tell me, I'll pick you up." aniya.

"Don't bother, I can handle myself." I said in a cold tone and immediately ended the call.

Nagpaalam na ako kay Rychelle at umalis na, nag drive ako papunta sa isang convenient store at bumili ng mga pagkain at inumin, kasama ang beers. Nag maneho ako for 2 hours hanggang sa makarating sa tahimik na lugar.

Isa ito sa mga pinupuntahan ko sa tuwing magulo ang isip ko, kinuha ko ang blanket ko sa likod ng sasakyan at nag latag doon. Nag simula akong uminom at tumitig sa kawalan. Nang mapansin kong medyo dumidilim na ay tumayo ako at nag punta sa dulo.

"I wish I never had amnesia!" sigaw ko.

"I wish I saved my sister!"

"I wish some people understood me!"

"I wish I can love the way I look and I wish I was happy!"

After screaming the things that I always wanted to say, I broke down and cried as much as I can. Remembering what my adviser told me when I was in high school.

"Don't forget that you're human. It's okay to have melt downs. Just don't unpack and live there. Cry it out and then refocus on where you are headed. It's okay to cry when there's too much on your mind, the clouds rain too when things get heavy. You are a strong woman, Raven."

Those are the things that kept me from going ever since that day happened. I clearly remembered the day I was diagnosed with PTSD. I was like in a black hole, pakiramdam ko ako lang mag isa ang nandoon at walang kasama para malagpasan lahat.

Ngayon, hindi ko alam paano ako naka bangon. Hindi ko alam paano ipagpapatuloy kung ganito lang din naman at bumabalik ang lahat sa akin matapos malaman ang katotohanan.

Dancing with your ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon