Nagpatuloy lang ang buhay naming lahat at ang pag pasok ko sa trabaho, nitong mga nakaraang araw ay talagang sumasama na ang pakiramdam ko at lumalala ang paglilihi ko.
"Hija, how's my apo?! Kumusta ka?" sugod ni Tita Pam.
Nung isang araw pa sila dito at kasama pa nila si Venice at Aziel na nakaantabay sa akin.
"Upo muna po kayo, tita." sabi ni Ice at inalapag ang pagkain sa center table.
"Kinakaya po, pinag leave na rin muna ako sa trabaho. 4 months na din po kasi, next month ay ultrasound ko na." sagot ko at umayos ng upo.
Nahahalata na ang umbok sa tiyan ko dahil apat na buwan na akong buntis, lumipat ako ng kwarto sa ibaba para hindi na ako mahirapan na umakyat akyat pa.
"Inaalagaan ka ba naman ni Ice?" tanong nila.
"Syempre, gagawin ko po lahat para sa inaanak ko!" sagot ni Ice kaya natawa kami.
"We'll take care of you while we're here, hindi ka ba nilalamig rito? Winter na, dapat ay magiingat ka." sabi ni tito.
"May heater naman po rito at hindi na ako lumalabas dahil si Ice na ang bumibili ng mga kailangan ko." sabi ko sa kanila.
Nag kwentuhan sila at inihatid ni Ice si tito at tita sa mga kwarto nila sa taas, habang si Venice at Aziel ay inalalayan ako sa garden para sa sariwang hangin. Hindi pa naman nagiisnow ngayon kaya pwede pa.
"Ate, kung girl yung pamangkin ko, anong name?" tanong ni Venice.
Doon ko lang napagtanto na wala pa akong naiisip na pangalan.
"Te, paano kung kambal?" birong tanong ni Aziel kaya natawa ako.
"Malabo iyon." sagot ko na lang at nag isip ng pangalan.
"I want the first name to start with letter R and the second name is C." sabi ko sakanila
"How about Raya?" suggest ni Aziel.
"That's too plain!" sabat ni Venice.
"Raizel for her first name." sabi ko sa kanila and I saw how Venice' eyes twinkled.
"Charlotte for her second!" suggest niya kaya tumango ako.
Raizel Charlotte Suarez.
"Paano pag lalaki?" tanong ko.
"Dapat sa lalaki, C naman nag uumpisa." sabat ni Aziel kaya tumango tango ako.
"Cayden!" sigaw ni Aziel.
"I like it!" sang ayon ko naman kaya nginitian niya ako.
"Cayden Rhys." pag kompleto ni Venice, hindi nagpapatalo.
"If it's a girl then it will be, Raizel Charlotte Suarez. If it's a boy, Cayden Rhys Suarez." saad ko kaya tumango sila.
"How's your kuya?" tanong ko.
"Ayun, kung kami busy sa school, siya naman nilulunod sarili niya sa trabaho. Halos hindi na nga umuwi." sagot ni Venice.
"Bali balitang may girlfriend siya, model daw." sabat ni Aziel kaya napatingin ako sa kaniya.
"So, kung totoo yon. Pag lumabas na si baby, mahirap sabihin sa kaniya kasi magugulo lang ang buhay niya." wika ko.
"Rumor lang naman." dagdag ni Ziel.
Hindi na muling binuksan ng magkapatid ang topic na iyon at nag kwento na lang ng mga nakakahiya nilang nararanasan sa school.
"Our prof humiliated me, hindi daw tama ang case na idiniscuss ko pero sure naman ako doon! At dahil nag mamagaling siya, she searched it up on google and immediately her face turned red because I was right!" pag mamalaki ni Aziel kaya natawa ako dahil may hand signals pa siya.
BINABASA MO ANG
Dancing with your Shadow
Storie d'amoreCartier Series #1 In the bustling city of Manila, a privileged medical student, Chase longs to keep his family together. However, his world is turned upside down when he met Raven, a free spirited nursing student whose presence challenges his perspe...