Chapter 19- Secrets of the Past

24 6 0
                                    

Ilang araw na ang nag daan, nag patuloy lang ang duty ko sa ospital at ang pagaaral ko. My Mom is getting stronger at eto ako ngayon, papasok sa kwarto.

Ngumiti siya sa akin pag kakita niya, napansin kong walang nagbabantay kaya umupo ako sa tabi niya.

"Wala kang bantay, Mom?" tanong ko.

"Wala, buti dumating ka na. Kumusta school?" tanong din niya.

"Kaya pa naman." sagot ko na lang.

Tumayo ako at dumiretso sa CR para mag hilamos, pag kalabas ko ay nakita ko si Dad, mukang may pinag uusapan sila.

"Sooner or later, she will definitely know the truth." ang rinig ko kaya gulat na napa tingin sa akin si Mom.

"What truth?" tanong ko.

"Raven, sweetheart. Nanjan ka pala! Wala lang iyon." kaila ni Dad kaya tumango ako kahit bumabagabag iyon sa isip ko buong mag damag.

They're hiding something from me and I need to know what it is.

Sumunod na araw ay kinompronta ko si Chase.

"Babe, may sinasabi ba sayo sila Dad?" tanong ko.

"Huh? Wala naman." aniya kaya tumango na lang ako.

Naging busy pa din ako sa mga gawain at sa pag babantay kay Mom, hanggang sa naging malakas na ulit siya at ngayon papalabas na kami sa ospital. Mabuti na lang at sumakto sa wala akong pasok kaya maaasikaso ko siya.

"Kumusta kayo ni Chase?" tanong niya habang naka sakay kami sa sasakyan.

"Ayos naman, Mom." sagot ko na lang at inilibang ang sarili sa pag titig sa bintana.

"What if we're hiding something from you and if you find out what it is, are you going to get mad at us?" tanong bigla ni Dad na nagmamaneho kaya napatigin ako.

"It depends on the situation kung gaano ba kalaki ang tinatago niyo sa akin." sabi ko sa kanila.

"What if Chase and Asteria knows about this? The Cartiers, too." dagdag pa nila.

"Kung may tinatago kayo, sabihin niyo na. I'm not a damn fortune teller." sagot ko.

"Language." saway nila pero hindi na ako sumagot.

"It's for your own good, ayaw ka namin mapahamak gaya ng dati." pagpapatuloy pa ni Mom habang naka tingin sa akin.

"May sarili na akong isip, I can handle whatever it is! Anak niyo ko pero nagagawa niyong pag lihiman ako ng ganito?" sabi ko sa kanila.

"You're not in the right condition yet!" sigaw ni Dad habang nakatuon sa kalsada ang mga mata.

"And when will it be?!" pabalik kong sagot.

Sakto at nakarating na kami sa bahay kaya padabog akong bumaba ng sasakyan at dire diretsong pumunta sa kuwarto ko, not minding Chase and the others.

Narinig kong may kumatok sa pinto pero hindi ko pinag buksan iyon, pumasok ang kung sino mang kumatok at umupo sa kama ko.

"Whatever their secret is, it's best if you don't know it yet. Ayaw lang nilang masaktan ka, love." Chase said.

Humiga siya sa kama ko at niyakap ako, yakap yakap pa rin niya ako hanggang sa naka tulog ako.

"Hey, Riel! Let's play!" aya sa akin ng isang batang lalaki.

"I don't want na, I'm too tired." tanggi ko at umupo sa damuhan kung saan may naka latag na sapin at uminom ng juice.

Dancing with your ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon