Mabilis akong naglalakad dahil baka malate na ako sa first day ko rito sa med school, medyo kinakabahan pa ako dahil alam kong nag bukas na ang bagong chapter sa buhay ko mag mula nang pumasa ako sa entrance exam na ikinatuwa ni mom at dad.
Nakarating naman ako sa classroom ko. Tahimik akong pumasok sa loob at ang mga tao ay patuloy lang na naguusap, dumiretso ako sa likod at umupo sa upuan na katabi lang ng bintana, inilabas ko ang libro ko at nag basa na lang habang hinihintay ang professor namin.
Ngunit kasabay ng pagtapos ko sa binabasa ko ay ang pag pasok ng isang babaeng nasa mid 20's, tumayo kaming lahat at nag greet sa kaniya.
"I will be your professor for your major subjects, don't think that I'm a terror professor because I'm not! Treat me as an equal. Let's start? Introduce yourselves." nakangiting aniya kaya nagsimula na.
Sumunod na ang katabi kong babae na best friend ko since high school, tumayo na siya at nagsalita.
"Asteria Celestina Montes." pagpapakilala niya at ngumiti bago umupo uli.
Tumayo na ako at inayos ang uniform ko bago magpakilala.
"Raven Xyriel Suarez." sabi ko at umupo na.
"Wait, Suarez? Are you the only daughter of Mr. and Mrs. Suarez, owner of S&A clothing?" tanong is ng professor ko kaya tumango ako.
Nagpatuloy naman ang pagpapakilala, magsisimula na sana kami sa lectures pero may isang lalake ang bumungad sa harap ng classroom.
He's drop dead gorgeous, his hair is in a clean cut, well ironed uniform, looks like he smells good too! Damn, what am I even thinking?
Ipinilig ko ang ulo ko at nag iwas ng tingin sa lalakeng pumasok.
"I'm sorry, I'm late." napatingin ulit ako sa kaniya pagkarinig ko ng malalim niyang boses.
Shit, pwedeng pakikuha na ako? Kahit katulong lang sa bahay niyo basta makita at marinig kita araw araw!
"It's okay, kindly introduce yourself." sagot ng prof namin.
"Chase Hunter Cartier." sagot nito na nakapagpanganga sa ibang kaklase namin pati ang prof!
Cartier? Yung isa sa pinakamayaman sa buong bansa?!
Ang hirap mo naman abutin! Paano kita luluhuran niyan?
"Y-you may take your seat." nauutal na ani ng prof namin kaya umupo na siya.
Nagpekeng ubo si Miss May para kuhanin ang atensyon naming lahat, para siguro makapagsimula na sa lecture namin dahil kompleto na yata.
"This is a mixed class, some are nursing students and some are future doctors. So, let's start?" tanong niya at sumagot naman kami.
"We will talk about anatomy and physiology." panimula ni Miss May kaya inilabas ko na ang kakailanganin ko.
"Human anatomy is the scientific study of the body's structures. Some of these structures are very small and can only be observed and analyzed with the assistance of a microscope. Other larger structures can readily be seen, manipulated, measured, and weighed." dagdag pa nito.
"Who can tell me where the word 'anatomy' came from?" tanong niya at nag lakad lakad sa classroom hanggang sa mapadako ang tingin nito sa akin.
"It came from a Greek root that means to cut apart." sagot ko at umupo na, nakita ko naman siyang napatango at nagpatuloy.
"What happens when a body is dissected? Mr.Cartier!" tawag nito kay Chase.
Magkasabay kaming tinawag, baka meant to be na kami?
BINABASA MO ANG
Dancing with your Shadow
RomanceCartier Series #1 In the bustling city of Manila, a privileged medical student, Chase longs to keep his family together. However, his world is turned upside down when he met Raven, a free spirited nursing student whose presence challenges his perspe...