"Are you free this afternoon?" tanong agad niya bago inalis ang pagkakasandal niya sa akin pero nakaakbay pa rin.
Inaayos niya yung buhok niya kaya di ko siya maiwasang titigan, ang gwapo niya lalo dahil naka uniform kami ngayon since it's monday.
"Hoy! Hindi siya free, mag lelecture pa yan!" apila agad ni Asteria.
Bago pa ako makasabat, dumating na naman ang jowa niyang laging okay sa timing.
Note my sarcasm, please.
"Babe!" sigaw ni Nick.
"Babe, ayan ka na pala!" bati naman ni Ria at humalik sa pisngi ng jowa niya.
"Mom invited you again, nabitin daw siya sa chismisan niyo. Are you okay with that?" tanong ni Nick at hinapit sa baywang si Asteria kaya parang uod na binudburan ng asin ang gaga.
"Hoy, hindi ka din free!" reklamo ko kaagad nang maalala ang topic namin bago dumating si Nick.
"Chos lang yun, Chase, free na free yan mamaya kahit wag mo na iuwi!" sigaw niya kaya binatukan ko siya.
"I'll take you somewhere." ani Chase at inaya na akong pumunta sa cafeteria.
Kumain lang kami ng lunch at dumiretso na sa mga klase namin, nang matapos ang araw ay pagod na pagod ako dahil maraming ginawa nung hapon na iyon. Nag check lang kami ng vital signs, nag try kumuha ng dugo sa isang tao and a lot more.
Para akong zombie na naglalakad nang may humablot sa braso ko, pagkita ko ay si Chase pala iyon.
"Tara na?" tanong niya kaya tumango ako bago lumingon sa paligid para hanapin si Ria.
"Ria already left, you were too preoccupied that you didn't even notice it." he said.
Nag lakad lang kami palapit sa sasakyan niya at pumasok sa loob, wala manlang akong ka idea idea kung saan niya ako dadalhin.
Itong lalaking to, napaka hilig mang kidnap.
"How's Aziel and Venice?" tanong ko habang nagkakabit nang seatbelt.
"Absent." sagot niya habang iniistart ang sasakyan.
By the way, his car is a Jeep Grand Cherokee.
So manly.
"Masyadong malala ang hangover! I literally scolded them, mabuti na nga lang at wala sila mom and dad kundi mas malala ang aabutin nilang dalawa! I wanted to drink last night but I thought, sino maguuwi sa inyo pag pare pareho tayong lasing?" tanong niya kaya natawa ako.
"We'll crawl on our way home." I answered.
Nakaramdam ako ng antok kaya naman ipinikit ko saglit yung mga mata ko bago idilat ulit.
"Are you sleepy?" tanong niya kaya tumango ako.
May kinuha siya sa backseat habang traffic, inabutan naman niya ako ng blanket at car pillow bago ako isinandal sa bintana.
"I'll wake you up once we get there, tinted naman sasakyan ko kaya okay lang kahit mag laway ka jan." hinampas ko naman siya dahil sa sinabi niya at natulog na nga.
Hindi ko alam kung ilang oras yung tulog ko pero naramdaman ko na lang na parang may tumatapik tapik sa pisngi ko. Dinilat ko naman yung mga mata ko at nakita si Chase na titig na titig sa akin.
"Andito na tayo?" tanong ko habang kinukusot kusot ang mata ko dahil inaantok pa.
Nag suklay muna ako at nag retouch ng konti bago niya ako inayang lumabas, nagulat naman ako nang makitang nasa museum kami.
BINABASA MO ANG
Dancing with your Shadow
RomanceCartier Series #1 In the bustling city of Manila, a privileged medical student, Chase longs to keep his family together. However, his world is turned upside down when he met Raven, a free spirited nursing student whose presence challenges his perspe...