Dumating ang araw na pinaka ayaw naming mga estudyante, ang finals.
"Chase, sorry di ako pwede sa dinner ngayon. Finals are coming, kailangan ko mag aral and I know kailangan mo rin." I said and smiled at him.
"I understand, I also need to study. Alam kong hindi ka na masyadong nakakakain dahil sa pag aaral mo sa finals, you need to take care of yourself while studying." aniya kaya tumango na ako.
Hinatid na niya ako sa sasakyan ko at humarurot na ako paalis, pagkarating sa condo ay nag bihis na agad ako ng pambahay at nagluto ng hapunan. Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa desk ko at inilabas ang laptop, mga libro, highlighters at mga kailangan ko upang mag aral.
I studied and studied, I looked at the clock and saw that it was 1am already. Ipinikit ko muna ang mga mata ko at inirelax ang sarili ko, pumunta ako sa kusina para kumuha ng makakain pero wala na pala akong stocks ng junk foods kaya kailangan ko na mag grocery.
Nag luto ako ng mac and cheese at kumuha ng malamig na tubig sa ref, tinignan ko ang Ipad ko at nakitang may chat si Chase.
chaseme: still awake?
xyrielS: yeah, studying. I'm so exhausted!
chaseme: rest now, bawal sa baby ko ang nagpupuyat!
xyrielS: stop it! >///<
Hindi na siya nagreply kaya naisipan ko na din matulog,nahiga na ako sa kama at agad din kinain ng dilim.
Nagising ako dahil sa alarm ko at nag handa na din sa pag pasok, dumaan na lang ako sa starbucks para sa umagahan ko. Naglalakad ako sa hallway habang hawak ang kape ko nang mahagip ng paningin ko si Chase na may katawanan na babae.
Engineering student.
Nakita niya ako kaya nilapitan din niya ako agad, nakangiti pa siya sa akin ngunit hindi ko siya mangitian pabalik.
Sino ba tong babaeng to?!
"Good morning, bae!" he greeted kaya tumango ako.
"Venus, this is Raven. Nililigawan ko, my soon to be baby!" he exclaimed in pure happiness.
"And Raven, this is my cousin from the engineering department. Venus Bliss Lopez." pakilala niya kaya halos mamula ako sa hiya.
Pagseselosan ko, pinsan pala?!
"H-hello!" I tried to be jolly as I offered my hand to her.
"Nursing student pala ang nakapana sa puso ng aking pinsan?!" gulat na saad niya kaya natawa ako.
"Bumalik ka na nga sa university mo, med school to oh!" pagtataboy ni Chase kaya nagpaalam na ang pinsan niya at kumaway sa akin.
"May bibigay ako sayo." aniya at may kinuha sa bag niya.
A small paper bag. Inabot naman niya sa akin iyon at kinuha ko naman.
"Mamaya mo buksan pag ikaw na lang mag isa, okay? Pag uwi mo." saad niya kaya tumango ako.
Nakaakbay siya sa akin habang papunta kami sa classroom, nakasalubong pa namin si Ria na inaasar kami. Nang makaupo ay dumukdok ako sa desk pero may kumalabit sa akin.
"Hoy, puyat na puyat?" wika ni Asteria.
"Hanggang ala una din ako nag aral kagabi, nakaka frustrate. Lalo na yung bwisit na Physiology na yan." I said and drank my coffee.
"Nakakamiss ka kasama mag review, wala nang nagtuturo sa akin!" naka pout na reklamo ni Ria sa tabi ko kaya natawa ako.
Nagsimula na ang exams namin, ang masasabi ko lang ay..
BINABASA MO ANG
Dancing with your Shadow
RomanceCartier Series #1 In the bustling city of Manila, a privileged medical student, Chase longs to keep his family together. However, his world is turned upside down when he met Raven, a free spirited nursing student whose presence challenges his perspe...