Chapter 36 - Hurt/Thrice

2.3K 123 1
                                    

Karlie's POV

Pagpasok ko palang ay masamang tingin na agad ni Stella ang bumungad sa akin. Nakadikwatro at mag ka-cross ang braso siyang nakaupo sa pwesto niya habang ang sama ng tingin sa'kin. Ilang linggo ding hindi ko siya nakita dahil pumunta daw siya sa America dahil sa business ng Family niya. Ngayon pa siya nakauwi. At sigurado akong tapos narin ang tahimik kung araw dahil nandito na ang Queen bitch ay este Bee.

Napansin ko rin si Mia na nakatulala habang nakaupo lang sa pwesto niya. Mukang malalim ang iniisip.

Nilampasan ko nalang siya at dumiritso na sa pwesto ko ganon din sila Jenell.

"Aga-aga umabot na ang kilay sa mars" bulong ni Irish.

Mahina naman kaming natawa ni Jenell. Pumasok na ang mga ugok at nagsipuntahan sa pwesto nila. Hinintay lang namin ang unang lecture. Di naman kami nagkamali dahil pumasok narin si Ms. Flora. Nag discuss lang siya habang kami ay nag take note lang. Madaling natapos ang umagang klase namin.

We are heading to the cafeteria to have lunch. Nakaramdam na rin ako ng gutom. Habang naglalakad kami ay maraming studyante ang napapatingin sa'min ang iba ay nagbubulungan pa. Hindi namin kasama sila Greg dahil may lakad daw sila. Di na ako nagtanong pa.

"Is she a transferee?"

"Ang ganda niya"

"She's familiar"

"She's look like the nerd, is that karlie?

"Chicks pre"

"Ligawan ko na yan, Ganda pre"

"Basted ka na bro, sa mukha pa lang niya wala ka nang pag-asa"

Pinilig ko nalang ang ulo sa sa nga bulungan nila. Hindi rin ako komportable sa bago kong uniform. Noon ay maluwag sa'kin ang uniform ko pero pinapalitan nila Jenell dahil nagmumukha raw akong lusyang, medyo fit na sa'kin ngayon at hindi naman masyadong maikli ang skirt may socks din naman hanggang tuhod. Wala nadin akong nagawa nang ipasuot nila sa'kin to dahil napagkaalaman kong tinapon nila ang uniform ko. Sinayangan pa ako dahil hindi biro ang presyo nito.

Ako na ang pumila sa counter para bumili ng pagkain namin. Ikaw na kasi ang bahala kung ipapahatid mo ba sa table niyo ang order niyo o ikaw na mismo ang kukuha sa counter. Ramdam ko ang tingin nila sa'kin pero pinagsawalang bahala ko nalang.
Hanggang sa pagbalik ko ay radam ko paring nakasunod ang tingin nila pero sa puntong to at may mali. Alam kong may mali. Nilibot ko ang tingin sa paligid at nahagip ng mata ko ang nakaitim na lalaki na nasa dulong bahagi ng cafeteria. Di ko makita ang mukha niya dahil sa sombrero na nakatabon doon. Idagdag mo pa ang medyo may kahabaan na buhok niya. Nahuli ko siyang tumingin sa'kin. Nang mapansim niyang nakatingin ako sa kanya at madali siyang lumabas ng cafeteria. Sinundan ko lang siya ng tingin. Nabalik lang ako sa ulirat ng tawagin na ako ni Jenell at Irish.

Papaalis na sana kami ng pumasok sila Stella sa cafeteria. Kasama din niya si Mia at dalawa pa niyang aliporis. Bakit nga ba sumasama si Mia sa kanila gayong alam naman niya ang mga ugali nito.

The Nerd is a Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon