Chapter 38 - Confession

2.2K 104 0
                                    


Karlie's POV

"Can we talk?"

Napalingon ako kay Jared. Kasalukuyan kaming naglalakad-lakad muna dahil maaga pa naman. Maaga akong nagising at naisipan kong lumabas muna, hanggang sa nakasalubong ko si Jared na kagaya ko ay naglakad-lakad lang din kaya sumabay na siya sa'kin.

"Sure" sagot ko agad.

Iginiya niya ako sa upuan sa gilid ng plaza. Tumabi siya sa'kin pero nasa malayo lang ang kanyang paningin. Napakaseryuso ng mukha niya ngayon kaya medyo napapaisip ako kung ano ang pag-uusapan namin.

"What are we talking about?" Panimula ko.

"Do you love him?" Biglang saad niya at tinitigan ako sa mata.

"What do you mean?" Maang-maangan ko at nag-iwas ng tingin.

Narinig ko siyang bumuntong hininga at kagaya ko ay tumingin sa dulo ng plaza.

"Kalat na kalat na sa buong campus ang tungkol sa inyo ni Zykier, mukhang wala na talaga akong pag-asa"

Naguguluhan ko siyang tiningnan, nasa unahan parin ang paningin niya.

"Nakakatawa lang na ang babaeng mahal ko noon at ang babaeng mahal niya  ay iisa. Hindi pa na-satisfied ang tadhana at naulit pa. Alam mo bang gusto na kita noon pa?" Dugtong pa niya na nagpatigil sa'kin na dahilan na hindi ko siya nasagot.

Napansin niya yata na hindi ako nakasagot. Nginitian niya nalang  ako.

"You don't need to answer, I know you didn't know" natawa pa siya sa sinabi.

"Hindi ko akalaing makukuha ka narin  niya. Kilala siya biglang heartless leader pero sayo lang siya nagbago.... Alam kong nasa kanya kana pero hindi ako susukong kunin ka sa kanya" tinitigan niya ako sa mata ganon din ako.

Hindi ko akalaing may pagtingin siya sa'kin. Noon ay hindi ko binibigyan ng pansin ang pagsulyap niya sa'kin. Minsan nakikita ko siyang nakatitig lang sa'kin na parang may gustong sabihin pero 'di niya magawa. Minsan masama ang tingin niya sa'min lalo pa pag kasama ko si Zykier. Hindi ko binibigyan ng kahulugan ang pagiging mabait niya sakin, pagiging-caring niya, pagiging sweet niya.  Ayukong isipin na may pagtingin siya sakin dahil ayuko siyang masaktan. Hindi ako ang babaeng kayang suklian ang pagmamahal niya.


Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, imbes na kiligin ako dahil ang isang tinitingala ng marami ay nagtapat sakin, pero kabaliktaran ang nararamdaman ko ngayon, Naaawa ako sa kanya.




Bakit ako pa? Bakit ako pa Jared?




"Jared" tanging lumabas na salita sa bibig ko.


"I will never give up on you" disedido na talaga siyang kunin ako K
kay Zykier.



"Bakit ako?" Mahinang tanong ko.

The Nerd is a Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon