KARLIE'S POV
Sa coffee and pastry club namin naisipan unang pumunta. Wala naman kaming gagawin dahil mamayang gabi pa ang duty namin as a night guard. Umorder kami ng frappuccino at naupo sa may sulok ng shop. Maganda ang pagkakadesign ng shop. Hindi akalaing mga studyante lang ang gumawa nito dahil kung titingnan mo palang ay parang mga professional ang nagtayo. Pag may pera nga naman, walang imposible na makapagtayo sila ng ganito kaganda at kalinis na shop.
Suminsim ako sa frappuccino ko. It's taste good. Hindi masyadong matamis at Hindi masyadong matabang. I wonder kung sino ang gumawa nito.
"Kayo na ba ni Leader?"
Muntik ko nang nabuga ang iniimom ko sa sinabi ni Jenell.
Nang tingnan ko sila ay tutok na tutok ang mata nila sakin.Mula noong nangyari sa harap ng room namin ay palagi na nilang tinatanong yan. Di ko na mabilang kung pang-ilan na, 5 times? 10 times? Di ko na mabilang. Iniiba ko ang usapan pag nagsimula na silang pagusapan yon. Paano ba kasi before kami lumabas ng Royal Room noong meeting ay sinabi na niya sa'kin dapat walang makaalam na nagpapanggap lang kami kahit maging mga kaibigan ko or even his friends. Mas makakabuti daw yon. Eh among makakabuti don? Kamalasan nga ang bumalik sa'kin.
Hindi ko sila sinagot bagkos nanahimik nalang.
"Insan ano na? Siguro naman ngayon sasabihin mo na ang totoo? Duh! Ilang araw ka na kaya naming tinatanong, palagi mo namang iniiba ang usapan" Ani ni Jenell.
Napabuntong hininga muna ako bago sila hinarap.
"Kami na nga" walang ganang sagot ko.
Walang mababakas sa mukha nila pero ng maintindihan ang sinabi ko ay pariho silang nanlaki ang mata.
"OH MY--Aray!" Daing niya ng sipain ko sa ilalim ng lamesa ang paa niya.
Ipapahamak pa ako ng king*na!
Ganon din ang ginawa ko kay Irish ng magtangka itong sisigaw.
Pariho silang hawak ang paa nila sa ilalim habang nakangusong nakatingin sa'kin."Shut your mouth, alam niyo naman kung gaano karami ang fan girls niya diba? Gusto niyo bang kaladkarin?!" Inis na ani ko sa kanila.
"Nabigla lang" depensa nila.
"So kayo na nga? Legit?" Hindi makapaniwalang tanong ni Irish.
"Oo nga" paninigurado ko.
"Pa'no nangyari yon? Eh parang aso't pusa nga kayo kung magsama" sabi ni Jenell.
Ginawan ko nalang ng storya ang love story 'thing' namin. Bahala na siya kung ano ang sasabihin niya siya naman ang nagpasok sa'kin sa gulong to! I just said sa palagi naming pag-aaway ay nahulog na pala kami sa isa't-isa. Eww! I hate this! Pano ko ba kasi pinasok ang gulong to! Humanda talaga sa'kin ang lalaking yon! Pag nagkita kami bibigwasan ko talaga yon!
Hindi parin makapaniwala ang dalawa sa sinabi ko. Lunch na ng matapos maisipan naming lumabas ng shop. Hindi na ako nag lunch dahil nabusog na ako sa binili naming cake and cupcakes sa shop kaya naglibot-libot nalang kami. Isa isa naming pinuntahan ang mga booth. Nakita namin sila Greg sa maka assign nilang booth pero di na namin sila nilapitan dahil sandamakmak ang costumers nila. Naglakad-lakad nalang kami hanggang sa may mapansin akong may nakasunod sa'min. Nang tingnan ko ang dalawa ay busy parin ang nga mata nila sa kakatingin sa nga booth sa paligid kaya siguro hindi nila napapansin. Nilibot ko ang paningin pero wala namang nakatingin sa'min. Pero bakit may naka pulis na costume na nasa likoran namin? Sila yung nagbabantay sa prison booth? Bakit sila nagpagala-gala dito?
Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy na kami sa paglalakad but someone covered my eyes. Sisikohin ko na sana but someone grab my pulse. May tumakip sa mata ko then may nakahawak din sa kamay ko. Nanlaban ako pero pinusasan nila ang kamay ko. Augrh! What is happening?! Bakit Hindi ako tulungan nila Irish!
"Hey! Let me go!" Palag ko pero parang wala lang silang narinig.
Sa lakas palang ng mga to alam ko nang lalaki sila. Dinala nila ako sa kung saan habang nakatabon parin ang palad niya sa mata ko. Pag ako talaga nakawala humanda tong mga to!...
May narinig akong sigawan at tilian sa paligid.
"Let me go! Ano ba!" Sigaw ko.
Binitawan niya namang ang mata ko at tumigil kami sa paglalakad. Pinikit pikit ko pa ang mata ko dahil nanlalabo pa ang paningin ko. Pero ng unti unti kong naaninag ang paligid ay napatigil ako sa kinatatayuan.
There was a guy naka posas din gaya ko at walang ekspresyon na sumunod nalang sa mga nakabantay sa Prison booth. Hanggang sa maipasok na siya ay hindi man lang siya pumalag. Hindi nakikita ang loob ng prison booth kaya maraming babae and naghihitay sa labas.
"Miss pasensya na napagustusan lang" kamot batok na sabi ng lalaking tumakip sa mata ko. I remember him. Siya yung nasa likoran namin kanina na naka uniform na pulis. Kaya pala parang may nakamasid sa amin..
Inirapan ko siya at hinila ang braso ko sa isa pang lalaki pero naka posas parin ako.
"Sinong nautos sa inyo?" Tanong ko sa dalawa.
"Pasensya na pero di namin pweding sabihin eh" sabi ng humawak sa braso ko.
Tatakas sana ako pero mabilis nilang nahawakan ang braso ko at hinila ako papasok sa Prison Booth kung saan ko siya nakitang pinasok.
"Teka lang!" Sigaw ko ng muntikan na akong matisod.
"Ipasok na yan" sabi ng babae ng may hawak na logbook na nasa labas ng booth, siya siguro ang nagbabatay dito.
Sa isang kwarto ay isang paris ang makukulong dito.
Nang tuluyan na kaming nasa harap ng Booth ay kinalagan nila ang kamay ko. Hinilot ko pa dahil namumula ito dahil sa pagpalag ko.
Pagkakalag nila sa'kin ay agad nila akong tinulak sa loob ng booth. Muktikan pa akong ma subsob sa sahig sa lakas ng pagkakatulak nila.Letse! Sinipa ko ang pintuan na kakasara lang.
"Augrh! King*na!" Sigaw ko dahil sa frustration.
Balak yata akong patayin ng mga taong yon! Kung makatulak kala mo may makakatakas pa ako! Pipiktusan ko talaga kung sining nagpalista sa'kin dito!
"So your my partner?"
I frozed when I hear his strange voice. Male's voice. Smooth, deep, almost husky.
END OF CHAPTER THIRTY
BINABASA MO ANG
The Nerd is a Gangster Queen
AksiThings about her had changed, and she had altered her life to create something new. However, 'there are some things she doesn't want to remember, but she does.' People think she's disgusting, she's not beautiful, and they despise her appearance, but...