KARLIE'S POVSi Eon ay ang kanang kamay ko. Tapat na siya sa organization namin simula palang na maging Gangster Queen ako. His Grandmother is also the right hand of my Grandmother when she is the GANGSTER QUEEN. Kaya ng maging GANGSTER QUEEN ako ay siya na ang napag-atasang maging kanang kamay ko. Siya ang lagi kong naaasahan, sa kanya ko pinagkakatiwala ang mga nasasakupan ko pag wala ako. Lalo na ngayon na hindi muna ako nagpapakita. Naiintindihan naman niya kung bakit. May mansyon kami at doon nakatira lahat ng mga nasasakupan ko. Doon din kami tumira noon ni Jenell. Fully secured ang mansion kaya hindi basta basta nakakapasok ang hindi myembro doon. Bukod sa ligtas ay tago rin ito kaya walang sino man ang nakakaalam maliban sa mga ka grupo ko.
Si Eon ang naghahanap ng mga bagong myembro pero hindi madaling makapasok dahil may pagdadaanan ka muna na maari mong ikamatay bago ka nakapasok. Marami naman ang nakapasa. Mapababae man o lalaki ay tanggap sa organization basta makapasa sa pagsubok na ibibigay.
["Napatawag ka?"] Tanong ko.
Ngayon pa lang kami nakapag-usap simula ng nakapasok kami rito.
["Wala man lang kamusta? I miss you?"] Maktol niya. Sigurado akong mahaba na naman ang nguso non.
May pagka childish si Eon lalo na pag sila ni Jenell ang magkasama dahil magkasundong-magkasundo sila. Pero pagdating sa organization ay napaka seryuso niya. Kaya hindi siya basta basta nalalapitan pagseryuso siya.
["Kamusta?"] Natatawa kong saad.
["Napilitan ka lang eh"] sermon niya.
["Sorry na, so ano nga ang balita?"] Pag-iiba ko.
["Apology accepted, maayos parin ang organisasyon, ako ba naman ang mamahala eh"] pagyayabang niya.
["So pag ako ang namamahala hindi maayos?!"] Inis kong sabi.
["Di ako nagsabi niyan, pero ito seryuso na, napapansin ko lang na hindi nagpaparamdam ang kabilang grupo mag mula nong hindi ka na nagpakita."
["Baka hindi muna sila kumikilos dahil alam nilang nagtatago ako pero alam na nila na nag-aaral ako dito sa Heria university "]
["Gagawin nila lahat mahanap ka lang"]
Napabuntong hininga ako at pinag-isipan kung ano ang gagawin.
["Siguro oras na para muli akong magpakita"] wala sa sarili kong sabi.
BINABASA MO ANG
The Nerd is a Gangster Queen
AzioneThings about her had changed, and she had altered her life to create something new. However, 'there are some things she doesn't want to remember, but she does.' People think she's disgusting, she's not beautiful, and they despise her appearance, but...