Chapter 40 -Jealous

2.3K 105 0
                                    

Jenell's  POV

Kinabukasan, pagkadating ko sa tapat ng room ay agad na naginit ang ulo ko ng makita si Greg na may kausap na babaeng nagpapacute at dinidikit ang katawan niya kay Greg.Ang pagkakalam ko ay leader siya ng Cheering squad. Nakita ko kung paano ngumiti ng matamis si Greg sa babae ng yun na lalong nagpainit ng ulo ko.

At talagang sa harapan pa ng room namin sila naglalandian?!

"Paktay tayo jan" panunukso ni Irish habang nagpapailing-iling.

Patay talaga siya sakin!

Kasama ko sila ngayon ni Karlie papasok. Pati si Insan ay natatawa sa reaksyon kong hindi maguhit.

Lumapit na ako sa kanila habang nasa likod ko sila Insan. Napa-ayos ng tayo si Greg ng makita akong papalapit sa kanya habang dismayado naman ang babaeng kausap niya. Desmayado siya dahil naputol ang paglalandi niya sa boyfriend ko. Sarap sabunutan!

"J-Jenell" gulat na bati ni Greg. Tumango lang ako dahilan para mag- pout siya. Wag na akong madaan-daan sa pag-pout niya baka mahalikan--ay este masupalpal ko siya.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Something" Ang babae ang sumagot. Ano nga pangalan nito?/Ani? Ann? Ahh Anna.

"I'm not talking to you" baling ko sa kanya. Inirapan naman niya ako.

"Nag-usap lang kami about sa basketball league na darating" sagot ni Greg.

"Ano namang connection niya sa laro niyo?" Pagtataray ko.

"They are our cheering team" sagot niya.

Inikutan ko siya ng mata at binalingan si Anna.

"You may go" pagtaboy ko dito.

Sinamaan pa niya ako ng tingin at inirapan bago padabog na umalis.

"Bakit mo naman pinaalis?" Malambing na saad ni Greg. Agad na nangunot ang kilay ko at tumaas ang dugo ko papunta sa ulo ko.

"Gusto mo naman? Ok go magsama kayo!" Inis na bulyaw ko at pumasok na sa loob.

"Paktay ka" narinig ko pang sabi ni Irish Kay Greg.

Padabog akong umupo sa pwesto ko.

"May LQ ba kayo ng sweetie mo?" Pang-eechos ni Nick sa likod ko.

"Paki mo! Sabihin mo jan sa kaibigan mo magsama sila ng cheering girl niya!" Sigaw ko sa kanya. Napaatras naman siyang tumatawa.

Isa pa to! Tawanan ba naman ako?! Bakit good mood na yata to?!

Kunti pa ang tao dito kaya wala akong paki-alam kong ano ang sabihin nila.

Nakita kong pumasok si Karlie at Greg. Cool lang na naglakad si Karlie habang parang kinakabahan naman at hindi mapakali si Greg.

The Nerd is a Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon