Chapter 46 - Basketball League

2K 96 0
                                    

Kaelie's POV

Nasa magkabilang gilid si Zykier at Jared ng referee. Nang pumito na ang referee ay Sabay ng paghagis niya ng bola sa ere. Mataas na tumalon si Zykier at Jared. Naunang tumama 'yong kamay ni Zykier sa bola kaya nasalo 'yon ni  Nath.

Nasa SHALIWA 'yong bola.

Hawak ni Nath ang bola habang naghahanap ng malulusutan sa pagbabantay ni Daniel. Pinasa niya yung bola kay Greg. Hindi masyadong nakakagalaw si Greg dahil maganda 'yong pagkakabantay ni Kyle. Pinasa niya yung bola kay Nick. Si Harold ang nagbabantay sa kanya. Akala namin isho-shot ni Nick yung bola pero hindi pala. Imbes na ishoot ay pinasa niya yun kay Zykier. Si Jared naman ang nakabantay sa kanya. Nagulat kami ng ipasa niya yung bola kay Chase at tumakbo siya papunta sa ring. Ang mas ikinagulat namin ay agad ding ipinasa ni Chase ang bola kay Zykier at nag slum dank siya.

Namangha kaming lahat. Puno ng sigawan ang buong gym. Two points narin para sa SHALIWA.

Nasa DAFIWA ang bola. Hawak ni Kyle yung bola habang si Greg ay mahigpit ang pagkakabantay sa kanya. Ipinasa niya ang bola kay Daniel. Hindi siya makahanap ng tyempo dahil sa higpit ng pagkakabantay ni Nathan. Kaya ipinasa niya ang bola kay Jared. Namangha naman kami ng ihagis ni Jared ang bola mula sa malayo. Sumunod ang mata namin sa bola habang papalapit sa ring. Lahat ay napasigaw ng na shoot ang bola.

Three points para sa DAFIWA.

--------------------

Pagdating ng fourth quarter ay patas ang score ng bawat team. Dama din ang tensiyon sa buong gym. Bawat isa ay kinakabahang naghihintay kung sino ang mananalo. Last 20 seconds nalang ang natitirang oras.

Muli ay hinagis ng referee ang bola sa ere. Unang nakuha ni Jared ang bola.

Pinasa niya iyon Kay Daniel. Ang higpit naman ng bantay ni Nath.
Hindi siya makagalaw kaya ipinasa niya kay Hyun ang bola.
Last 10 seconds na.
Nasa malayo  si Hyun pero hinagis na niya ang bola sa ring dahil wala ng oras. Pero nagulat kami ng parihong tumalon si Jared at Zykier para saluhin ang bola.

9

8

7

6

5

4

Lahat kami ay gulat na napatayo.
Parang nag slow motion ang paligid. Bumagal ang oras. Bumagal ang pagtalon ni Jared at Zykier.

Sa huli ay si Zykier ang nakakuha ng bola at nai shoot niya itong sa ring. Pero ang ikinagulat ko ay nagkabangga silang dalawa. Halata sa mukha nila na nasaktan sila.

Sa pagbagsak nila sa court ay pariho silang hindi makatayo. Ang lakas ng pagkakasalpok nila.

Gumulo ang buong gym. Agad namang lumapit sila Greg kay Zykier at sila Hyun Kay Jared.

Hindi ko alam pero habang iniinda nila ang sakit ay nanatiling nasa akin ang kanilang paningin. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko habang ang iba ay natataranta na sa pagtulong sa kanila. Para akong naiipit sa kanilang dalawa. Nasa magkabilang side sila pero hindi ko alam kung sino ang una Kong lalapitan.

Para akong pinapapili sa kanilang dalawa.

Pero buo na ang loob ko. Siguro nama hindi masamang maging masaya muna ako ngayon. Magiging selfish muna ako.

Sa huli ay pinili ko kung nasaan ang aking puso. Dinaluhan ko siya.

Zykier...


The Nerd is a Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon