KARLIE'S POVNagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa loob mismo.
"Ikaw na gumising!" Boses iyon ni Nath.
"Anong ako? Ikaw nalang!"
"Ikaw nalang Greg."
"Ayoko baka masapak ako niyan pag ginising ko."
Nagtatalo sila sa pag gising. Sino ba ang gigisingin nila? Bakit nandito sila sa kwarto ko? Anong ginaga--
Napabalikwas ako ng mapagtantong bakit nandito sila.
"Anong ginagawa niyo rito?!" Sigaw ko.
"Karlie! Mabuti naman gising kana!" Agad na lumapit sila sa'kin.
Nilibot ko ang paningin ko at napagtanto ko na hindi ko to kwarto. Kulay black at pink ang theme ng kwartong to. Kay Xyra ata itong kwarto dahil sa picture frame niyang nakasabit sa wall.
Nasapo ko ang noo ko ng maalala ko ang nangyari kahapon. Hindi man lang ako ginising ng mga mokong!
"Uuwi na ako" Saad ko na ikinagulat nila.
"Antayin na muna natin si leader, bumili pa naman yun ng almusal" saad ni Nick.
"Minsan lang yan bumili, tamad yan si leader." sabi naman ni Nath.
Tumango nalang ako. Tama nga ang sinabi nila na si Zykier talaga ang bimili ng almusal. Tinutukso pa siya ng kapatid niya dahil first time siyang bumili. Si Chase ang nagluluto sa kanila pero pag tinatamad daw siya ay bumibili lang sila sa cafeteria o di kaya'y pupunta sa mall. May mall dito sa school remember?
Nag-away pa kami ni Jenell at Irish dahil pinipigilan niya akong pumasok para makapag-pahinga pero giit ko'y maayos na ako. Wala siyang nagawa dahil mapilit ako, sa huli ay ako parin ang nasunod.
Nang makapasok na kami ay maraming nakatingin sa'min. Lahat ng studyante ay masama ang tingin sa amin. Pinagsa walang bahala ko nalang at pumasok na sa unang klase. Si Sir Jacob ang first subject namin sa self defense. Ang school nato ay nagtuturo sila ng self defense, archery, gun shooting at sword fighting. Mas lalo akong ginanahan sa pag-aaral dito dahil sigurado akong hindi ako mabo-bored. Bata pa kami ay tinuruan na kami ni Jenell sa pakikipaglaban ni Lolo at Lola. Malakas pa sila kaya sila ang naging trainor namin. Lingid sa kaalaman ng parents namin ni Jenell na nag-aaral kaming makipaglaban. Tinuturuan nila kami ng Martial arts, Archery, Gun shooting, combats, at katana. May kaibigan pa kami ni Jenell nasi Jake, kasama din namin siya ni Jenell sa pag-aaral makipaglaban. Kaya lang ay nasa America siya dahil tinutulungan niya ang daddy niya sa business nila.
Sir Jacob ang first subject namin sa self defense.
"Now we will going to the training camp." aninsiyo ni sir at nauna nang lumabas.
Ano ba yan! First subject palang magsasakitan na..
Pumasok si sir sa ring at kami naman ay nakapalibot sa baba ng ring.
"This activity equivalent a high grade, kung sino ang mananalo ay may malaking puntos so do your best to this activity."
"Two pair only for today, who wants to volunteer? "
Walang sumagot kay sir, maski ako ay walang gana.
"Me sir." nagtaas ng kamay si Stella.
"Come here iha." saad ni Sir Jacob.
Agad na ang sumunod si Stella. Well good luck to her.
"Who do you want to match?" Tanong ni Sir Jacob.
Umarti pa siyang nag-iisip. Ngumisi siya ba parang nay napili na.
"Karlie Fwentavilla." sagot niya.
Gulat akong napatingin sa kanya. Maski sila Jenell ay gulat din sa sinabi niya.
"Talo na yan panigurado."
"Mabuti nalang hindi tayo ang napili."
"Lagot siya kay Stella."
"Kawawa naman siya kung ganon."
"I think this will be so exciting."
Bulingan ng iba naming kaklase.
Ano bang pumasok sa utak ng isang bakit ako ang pinili?! Tsk I think because of what happened in the cafeteria.
"Paktay..." bulong ni Greg sa gilid ko.
Nilingon ko naman ito at pinangunutan ng noo.
"Bakit?" Baling ko kay Greg.
"Magaling yan si Stella, wala pang nakakatalo sa kanyang babae." saad nito.
Napabuntong hininga naman ako. Hindi ko pwedeng ipakita ang totoo kong lakas. Ano pa ang saysay ng pagpapangap ko kung hindi ako mag-iingat?! Bahala na!.
"Miss Fwentavilla, Miss Feller want you to be her match." tawag ni Sir Jacob.
Nang tingnan ko si Jenell at Irish ay bakas sa kanila ang hindi sila sang-ayon sa nangyayari. Wala na akong nagawa kundi pumasok narin sa ring. Ngising ngisi ang bruha! Pasalamat ka kaylangan kong magpigil kun'di sa hospital ang bagsak mo!
"Wag niyo masyadong seryusuhin ang laban, ang unang matumba ang talo" paalala ni Sir Jacob.
"Ok start!"
★ENS OD CHAPTER TEN★
BINABASA MO ANG
The Nerd is a Gangster Queen
AksiyonThings about her had changed, and she had altered her life to create something new. However, 'there are some things she doesn't want to remember, but she does.' People think she's disgusting, she's not beautiful, and they despise her appearance, but...