Jenell's POV
Inis akong kumakawala sa mga hina*pak na to!
"Ano ba bitawan mo nga ako! Nakakadiri yang kamay mo! Wala ka pa namang hugas!" Sigaw ko sa nakahawak sa akin.
"Tumahimik ka nga! Naghugas ako ah!" Tanggi pa niya. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
"Pag-ako napikon sayo malilintikan ka sa'kin!" Banta ko.
Nakita ko ang bahagysng paglunok niya. Tsk! Nagtatapangan ka pa ah!.
"Are you ready?" Nakangising tanong ni Stella kay Karlie.
Nakakainis natong impaktang to! Sarap sampalin ng paulit-paulit! Noon pa ako nabubwesit sa kanya!.
Kala mo kung sino! Malandi na despirada pa!
"Pag yang mga itlog binato niyo sa amin, triple pa ang ibabato ko sa inyo!" Galit na sabi ko.
Kung kailan malapit nang matapos ang school year ngayon pa kami mabu-bully!
Tinaasan ako ni Stella ng kilay.
"And who told you na para sayo to? I just want you to see what will happened to your beloved cousin."Kumunot ang noo ko. Kay karlie nila ibabato lahat ng yan?
"Subukan mo lang!" Banta ni Irish.
"Why not?"
Nang tingnan ko si Karlie ay nasa kabilang lamesa ang tingin niya. Kay Zykier. Lahat sila ay nakatingin lang sa amin na parang tumutingin lang ng action movie. Nasipatan ko rin si Greg na nakatingin sa akin. Hindi ko namang siya pinansin. Space ang kailangan niya diba? Hindi naman ako ganon kasama para hindi pagbigyan ang kahilingan niya kahit ang sakit na.
"Insan! Ano na? Hindi ba tayo lalaban?" Sigaw ko kay Karlie.
Nabaling naman sa'kin ang atensiyon niya.
Umiwas siya ng tingin at hindi ako sinagot.
"Mukhang naduduwag ang GQ niyo ah" tumatawang sabi ni Stella.
"Ikaw babae ka namumuro ka na sa'kin ah! Bakit hindi nalang tayo mag-suntukan?"panghahamon ko.
"As if naman papatol ako sa cheap na kagaya mo"
"Ako cheap? Pinaparinggan mo yata ang sarili mo. Sabihin mo naduduwag kalang" pang-iinis ko. Hindi naman ako nabigo dahil inis na in is siyang lumapit sa akin.
Isang mahinang sampal ang dumapo sa pesngi ko. Oo mahina lang para sa akin, pero para sa iba ay malakas nayon.
"Yun lang ba ang kaya mo?" Natatawa Kong sabi.
BINABASA MO ANG
The Nerd is a Gangster Queen
AksiThings about her had changed, and she had altered her life to create something new. However, 'there are some things she doesn't want to remember, but she does.' People think she's disgusting, she's not beautiful, and they despise her appearance, but...