Chapter 39 - Double Confession

2.2K 106 1
                                    


Karlie's POV

Dinala niya ako sa dorm nila dahil mas malapit ang building ng Boys kaysa sa Girls. Pagkapasok namin ay dumiretso siya sa counter ng kusina at nagsalin ng alak at sunod-sunod na nilagok yun. Naka-upo lang ako sa sofa habang nakatingin sa kanya. Walang nagsalita maski isa sa amin.

Katahimikan ang namagitan sa'min pero hindi narin siya nakatiis at siya na ang sumira nito.

"Stay away from him" Puno ng awtoridad ang boses niya.

"Hindi mo ako pweding diktahan" sagot ko kaagad. Na kita ko kung paano nag-iba ang mata niya. Kaninang pag-aalala ay biglang naging puno ng galit.

Pabagsak niyang nilagay ang baso at muling nagsalin ng alak.

"I said stay away from him!" Tumaas ang boses niya kaya hindi ko mapigilang makaramdam ng galit.

"Bakit ko siya lalayuan kung wala naman siyang ginagawang masama?"

"F*ck! May gusto siya sayo at balak ka niyang agawin sakin!" Sigaw niya.

"And what's the problem with that?! Hindi mo ako pag-aari at lalong hindi mo ako girlfriend!" Napatayo narin ako sa inis.

Nagliliyab ang matang lumapit siya sakin, hindi ako umatras at nanatili lang sa kinatatayuan ko.

"Your mine, only mine" mayigas niyang saad.

"Your drunk, kung hindi ka lasing ay hindi yan ang lalabas sa bibig mo" iling-iling ko.

Ang sakit na dahil sa lasing siya ay nasasabi niya ang mga salitang gusto kong marinig mula sa kanya. Nasasabi niya lahat ng ito dahil lasing siya. Malapit niya naring maubos ang bote ang matapang na alak kaya hindi malabong lasing na siya.

"I'm not drunk! And I know all what I'm saying!" Nag-igting ang panga niya.

"Magpapahinga na ako" ani ko at tinalikuran na siya.

Napaigtad ako ng yakapin niya ako mula sa likod. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko na dahilan para hindi ako makagalaw.

"Please stay with me, share you life with me. You and I. Together, forever" malambing niyang saad.

Nabigla ako sa sinabi niya. Alam kong lasing na siya pero hindi ko mapigilang umasa na sana totoo ang sinasabi niya.

"Your drunk" paos kong ani.

Pero imbes na bumitaw ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sakin at binaon ang mukhang niya sa leeg ko.

"I'm not drunk baby, I can't lose you again, I will court you no matter what" mahina niyang saad.

"Hindi mo alam ang pinagsasasabi mo" sabi ko.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at pinaharap ako sa kanya.
Namumula ang mukhang niya dahil siguro sa alak na kanyang ininom.

"From now on your not my fake girlfriend" ani niya na nakapagpatigil sakin.

Tapos na ba ang pagkukunwari namin? Dito naba matatapos? Nakaramdam ako ng lungkot.
Sana hindi pa...

The Nerd is a Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon