Chapter 41 - Only treasure

2.2K 103 1
                                    

Karlie's POV

Nagpaalam muna ako kila Jenell na mag c-cr. Nauna na silang pumunta sa Cafeteria. Nang makarating na ako sa cr ay agad akong pumasok sa isang cubicle. Mabuti nalang ay walang tao. Pagkatapos ko ay lumabas na ako at naghugas ng kamay sa sink. Napatingin ako sa mukha ko sa salamin. Malaki nga ang ipinagbago ko. Wala na akong thick eyeglasses na suot-suot. Ang ganda rin ng pagkakaform ng kilay ko. Haaayy. But it's still me. Lumabas na ako sa Cr. Nagulat ako ng may nabunggo ako ng hindi paglabas ko ng Cr. Nahulog ang ilang gamit na bitbit niya kaya tinolungan ko siyang pulutin.

"I'm sorry" paumanhin ko.

Pupulutin ko sana ang litrato pero naunahan niya ako. Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla. Binigay ko sa kanya ang natitirang libro.

"Sorry hindi ko sinasadya" paumanhin ko ulit. Lalaking may katandaan na ang kaharap ko ngayon. Siguro magka-edad lang sila ni Daddy. His wearing a hat so I can't see his face.

"Anak ka nga ni  Fajardo"

Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. Bago pa ako makapagtanong ay agad na siyang tumalikod at mabilis tumakbo paalis.

"Teka lang!" Tawag ko pero hindi niya ako nilingon at lumiko sa hallway.

Paano niya nakilaka si Daddy? Paano niya nalaman na anak ako ni Daddy Fajardo kung walang nakakaalam nito?

Kahit na nagtataka naglakad nalang ako papunta sa cafeteria. Pero may natapakan akong nakatalikod na litrato sa sahig. Nahulog siguro ito ng mama. Pinulot ko ito at tiningnan kung bumalik ba ang mama pero wala.

Tiningnan ko nalang ang litrato. Nagulat ako ng makilala ang nasa litrato. Si mommy to ah! Paano siya nagkaroon ng litaro ni mommy?

Agad akong kinabahan kaya dali-dali kong kinapa ang phone ko sa bulsa ng skirt ko pero naiwan ko pala ito sa dorm kaya wala akong choice kun'di manghiram. Pinasok ko ang litrato sa bulsa ng skirt ko at nagmadali akong tumungo sa cafeteria. Nang nasa pintuan ba ako ay nakasalubong ko si Zykier na papalabas ng cafeteria.

"Pahiram muna ng phone" sabi ko dito.

"Wait, why? Are you ok?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Basra pahiram muna"

Kahit nagtataka ay binigay nalang niya sa akin ang phone niya. Pumunta ako sa gilid at ramdam kong sumunod din siya.

Agad kong  tinawagan any number ni mommy. Mabuti nalang ay memories ko lang number niya. Hindi naman nagtagal ay sumagot din ang kabilang linya.

["Hello?"] Sagot ng kabilang linya.

["Mom?"]

["Karlie? Anak?"]

[Yeah it's me"]

["Oh ba't napatawag ka? Is there any problem?"]

["Nothing, hmm.. Are you okay? What about Dad? "]

" Yeah I'm okay, also your Dad, why?"]

Nakahinga ako ng maluwag. Normal lang naman ang boses niya at walang bakas na nasa panganib siya.

["Just call me if there's any problem, bye mom"] saad ko at binaba ang tawag.

Mas makakahinga na ako ngayon ng maliwag dahil nasiguro kong nasa mabuting kalagayan sila mommy.

The Nerd is a Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon