Chapter 55 - Time and Space

2K 76 0
                                    

Jenell's POV

"Greg! Sandali!" Habol ko.

Hindi parin siya lumingon kaya tumakbo ako at humarang sa kanya. Walang
g emosyon siyang nakatingin sa akin.

"G-Greg paki-kiusap, makinig k-ka muna sa akin" pagsusumamo ko. Tuloy tuloy sa pag-agos ang luha sa mga mata ko.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa" malamig niyang sabi at nilampasan ako.

Muli ko siyang hinabol.
"Greg! S-Sorry.. S-Sorry dahil nagsinungaling ako, ginawa lang naman n-namin yun dahil nakatakda n-na kami na manumpa sa organisasyon."

Humarap siya sa akin.
"And you didn't bother telling me?!" Galit niyang sigaw.

"Sorry na,....babe..please listen to me"

Hinawakan ko ang braso niya pero winakli niya.

"You know what.. I love you..." Bigla akong nabuhayan ng loob sa sinabi niya. "But let's give each other time.. Give me time to think"

Biglang nanghina ang tuhod ko. Anong time? Hanggang kailan?

"I d-don't need a time, babe please"

"But I am, I need a space"

"Babe please don't do this, pag-usapan naman nation to oh" pagsusumamo ko.

"Wag ka munang lumapit sa akin, nakikiusap ako" Sabi niya at tuluyan akong nilampasan.

Nag-uunahan sa pagbagsak ang luha ko. Nanghina ang buo Kong katawan kaya napaluhod ako sa sahig. Hindi ko mapigilan humaholgol habang nakahawak sa puso. Hindi ako makahinga na parang unti-unti akong kinakapos sa paghinga.

'Wag ka munang lumapit sa akin

'Wag ka munang lumapit sa akin'

'Wag ka munang lumapit sa akin'

Mas naging double ang pag-iyak. Hindi na halos ako maka-hinga.

Bakit na naman bumalik?.. Wag naman sana ngayon.

Napa-upo ako sa sahig sa sobrang hirap ko nang huminga. Hindi ko na rin halos nakita ang mga nasa paligid dahil sa mga luha ko.

Please wag muna ngayon...

"JENELL!"

Yun nalang ang narinig ko. Until all went black.

Karlie's POV

Pagkalabas ko ng Dean's Office ay maraming studynate ang naghihintay doon. Nang makita ako ng isa ay sunod-sunod silang umayos nang tayo at tumango biglang pagbibigay galang.

The Nerd is a Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon