18

65 5 0
                                    

I’m only human. I got hurt, I got bleed. Yes, I’m bad, I’m a bitch,  you can say I am worst. But, did you ever think that this person whom you think is a bitch,  is the person who can do anything  just for you? I’m not asking a big return, all I wanted is just a little care. I am also a human.

Isang lingo mula nang umalis si Ian. Nag-umpisa na ang pasukan, I am on my fourth year college.  Hindi pa naman masyadong busy sa school dahil first week of classes palang, tanging walang  katapusang introduction at pagpapaliwanag ng grading  system lang ang laman ng klase. Pero kung  titingnan ay parang nasa kalagitnaan na ako ng semester. “Ano ba naman yan! Hindi pa nag-uumpisa ang patayan mukha ka na agad bangkay.”  Ngiwi ni Julie.  Hindi ko nalang siya pinansin.  Pang-ilan na ba sya sa nag-sabi non? Hindi ko na mabilang.  Wala akong gana mag-ayos.Ni kumain ay kinatatamaran ko, hindi ko alam kung dala lang ba ito ng pagbubuntis o dahil sa lubos na pag-iisip ko kay Ian. Magbuhat kasi ng umalis siya ay hindi na siya tumawag ulit. Hindi ko naman hinahangad na minuminuto ay tumawag siya, ang gusto ko lang ay kahit papaano tumawag o magtext siya para mangumusta saamin ng anak niya. Gusto ko lang maramdaman na may halaga ako sakanya, kami ng anak niya. Yun lang naman. 

 Kahit anong pag-pilit ko sa sarili ko na may tiwala ako at babalik siya, hindi ko pa rin maiwasan ang matakot at mangamba. Paano kung tuluyan na silang umalis at lumayo? Paano kung kausapin siya ni Ella at piliting huwag na bumalik? Paano ako? Paano kami? Hindi pwede. Hindi maari. I’m going to die if ever that will  happen. Hindi ko kakayanin, I’m going to destruct myself, hindi ko kaya na mawala pa siya saakin. Natigil ako sa pag-iisip ng ipatawag ako sa office of the CBA. -College of business and accountancy. -  Hindi ko alam kung para saan, kinakabahan man at tila wala sa sarili ay pumunta ako sa 3rd floor, kung saan naroroon ang department namin. Pagpasok ko palang ay nalanghap ko na ang amoy ng strawberry, naduduwal ako sa amoy pero pinigil ko. Hindi pa alam ng dean, na nagdadalang-tao ako. Pinaupo ako sa upuan sa tapat ng lamesa ng Dean, naghintay ako ng ilang sandali. May kausap kasi siya sa telepono at bahagyang nakatalikod saakin.

“Miss Gonzales, How are you?” Ngiti ni Dean Cordovano. “I’m fine sir, I’m doing well po.” Sagot ko, bahagya akong ngumiti sakanya, pilit ko pa ring pinipigilan ang sarili ko na huwag maduwal. “Balita ko ay isa ka daw sa   nakakuha ng mataas na grade, last  semester.  Your on the top 5 sa ranking.”  Hindi ako sumagot, hinayaan ko lang siya magpatuloy sa sinasabi niya. “What I am saying is, isa ka  sa napili para maging isa sa exchange student sa Singapore. “  Ngiti niya. Hindi agad ako nakapagsalita. Oh my God! Hindi ko inaasahan to! Yes, binalak naming mag-kakaibigan na mapasama sa mga magiging exchange students, mas mataas kasi ang tiyansang makakuha kami ng magandang trabaho pag-graduate namin  kapag nagkaroon kami ng experience outside the country but not this early. I mean, kakaumpisa palang na pasukan at kadalasan tuwing end of the first semester nagkakaroon ng palitan ng estudyante sa ibang  eskwelahan. Jane is on the first rank, second is Jhoan, third is Shiela next is Jonalyn and I am on the fifth rank. Kaming lima ang magsasama-sama sa Singapore para maging exchange students. Ibinigay saakin ni Dean ang mga envelope na naglalaman ng imbitasyon mula sa ASEAN Summit dito nakasaad ang mga detalye at mga kakailanganing papeles.

I hurriedly ran down on stairs, pagpasok ko ay hindi ko mapigilang tumili, nagtataka man sila sa inasal ko ay hindi pa rin ako makapagsalita. I am so overwhelmed!  Pinakita ko sa kanila ang envelope at pati sila ay tumili na rin. This is one of our goal! We hugged and congratulate each other.  Napagpasiyahan naming kumain sa Ersao malapit sa school. Puro tawanan at asaran ang naging laman ng mesa, we are all excited. Not until Julie, spoke. “Beng,alam na ba ni Dean ang kalagayan mo?” I got caught by what she said. Bigla ako nanlumo.  Julie, Cza, Joemelyn and the others are going to attend the local ASEAN Summit Convention on Baguio. Natigilan ako sa tanong ni Julie, hindi pa alam ng heads of our department ang tungkol sa pag-bubuntis ko, hindi ko rin alam kung papayagan ba nila ako sumama pag nalaman nila.  Pero sa palagay ko ay hindi. Hindi nila ako pahihintulutan na sumama dahil kasama sa pagiging exchange students ang pagkakaroon ng on the job training, were going to work and experience to manage the real fields of a company or stores. Hindi man masyadong nangangailangan ng pisikal na lakas ay hindi pa rin maiiwasan ito. Bigla akong tinakasan ng saya dahil sa tanong na iyon.  Hindi pa man lumalabas ang batang ito ay masyado na siyang perwisyo.

Matapos kumain ay umuwi na kami. Pakiramdam ko ay mas lalo akong nawalan ng lakas. Pakiramdam ko ay wala pa man wasak na ang buhay ko, paano pa kung hindi ako panagutan ni Ian? Mas lalo akong mawawasak. Mas lalo kong  hindi kakayanin. Hindi ko napansin na umiiyak na ako habang nakahiga sa kama ko.  I feel so worthless. I feel so empty.  Napakarami nang nawawala saakin at mawawala pa. Pero hindi ko kakayanin kung si Ian mismo ang mawawala. I can bear all this pain and miseries but not Ian. Nakatulugan ko na ang pag-iyak, nagising nalang ako sa marahang pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Si manang Lollie iyon, aniya ay may bisita daw ako. Inayos ko muna ang sarili ko saka bumaba.

Pagbaba ko ay ang napaka-gwapong mukha lang naman ni KrisVi ang bumungad saakin. Tila nag-iba agad ang pakiramdam ko, bigla akong napangiti pagkakita ko palang sakanya. I ran near him and hug him. Mukha siyang nagulat pero agad ding nakabawi at niyakap ako pabalik. Ang bango-bango niya! Habang nakayakap ako sakaniya ay tinatapik niya ang likod ko, “Kumusta na? You missed me that much?” Natatawang sabi niya. Lumabi ako at tiningala siya,  “Hindi ah! Kapal mo. Gusto ko lang mangyakap. Bakit? Bawal?”  Hindi pa rin ako bumibitaw sakanya. I feel so comfortable on his arms. “Chill. Magsusungit ka nanaman.” Sagot niya. Lumabi lang ako at lalong yumakap sakanya. Inaya niya akong kumain sa labas, hindi na ako nagdalawang isip pa at sumama na ako sakaniya. Halos ayaw ko pa bumitaw sa pagkakayakap sakanya kung hindi niya lang ako inasar. Tss. I wanna pinch his cheeks para mabura ang boyish grin sa mukha niya.

We ate on the seaside. Naglakad-lakad rin kami, we take pictures on his phone. Hindi ko nadala yung akin, wala rin naman tatawag dun. I already text mama and papa bago ako umalis, sinabi ko rin kila kuya na si KrisVi ang kasama ko. Habang naglalakad ay ikinuwento ko sakanya ang tungkol sa school. Nakatingin lang siya saakin habang patuloy ako sa pagsasalita. Nakarating kami sa  dulong  parte ng seaside, we sat on the bench near the cotton candy vendor. Nakakatawang tingnan yung mga bata na nag-uunahan sa pagbili, nakakatakam din yung iba't ibang kulay na cotton candy ni manong. Sa kakatitig ko sa mga bata at sa cotton candy ay hindi ko na napansin na wala na si KrisVi sa tabi ko. Tumayo ako at luminga-linga sa paligid. Oh myy! Hindi ko alam kung saan nagpunta iyon. Lalakad na sana ako papunta sa kabilang side ng biglang may kumalabit saakin, paglingon ko ay iba ibang kulay ng cotton candy on stick ang tumambad sa mukha ko, it was KV whose holding the sticks. Napangiti ako, he really know how to make me smile. “Nakaka-awa ka e, kanina ka pa naka-tingin.  Nag-lalaway  ka na.” Sabi niya na tila nang-aasar. Imbes mapikon ay mas lalo akong napangiti. Kinuha ko yung cotton candy at pinicture-an. I borrowed his phone and I open my instagram account and posted it. Yes, it’s just a cotton candy but I want to have a remembrance.  Matapos kong i-post ay ibabalik ko na sana ang cellphone niya ng mapansin ko ang isang litratong pinost  7 minutes ago, it was Ella’s face, she was grinning  from ear to ear, the beach and the moonlight is on the background, on the left side of the picture is Ian whose smiling and looking on Ella’s face. They look so happy and inlove

.  I look at KV na nasa tabi ko na at nakatingin din sa picture, tears is starting to fall from my eyes but before they fall KrisVi enveloped me in a warm hug. “Don’t cry. I’m tired seeing you crying.”

Like stars on earthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon