28

56 2 4
                                        

There are times where we are blinded by the things we want to have yet we dont appreciate those things that we already have.

Natapos ang gabi nang di ko namamalayan. Masyado kasi akong nalibang sa pakikipag-kuwentuhan sa mga kapatid ni KV. They're all accommodating kaya naman pakiramdan ko ay matagal na kaming magkakakilala kahit na sa totoo ay ilang araw palang.

"You know what, Princess Sarah? Pag nanganak ka, kamukha ni KV si baby mo! Hihi." Hagikgik ni Erin, nang minsang nahuli niya akong nakatitig kay KV.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, pero sa tuwing ngumingiti si KV ay napapangiti na rin ako. Dumaan pa ang ilang araw at palagi akong inaasar ni Erin.

"Uy! Matunaw si Krisanty ah! Titig na titig ka e. Hahaha!" Tudyo ni Erin.

"Ewan ko sayo." Sagot ko. Bahagya akong namula at nag-iwas ng tingin. "Diyan ka na nga, kukuha lang ako ng mga baso." Dagdag ko pa.

Kasalukuyan kasing nangunguha ng buko si KV. Narinig niya kasing naiinitan ako, kaya naisip niyang manguha ng buko dahil nakakarefresh daw ang buko juice.

"Yii. Guilty siya! Hahaha!" Sigaw pa niya. Di ko na lang pinansin at tumunit na akong nagpuntang kusina. Naabutan ko doon si Ate Pj na nagpiprito ng saging.

"Oh Sarah! Bakit? Nagugutom ka na ba?" Tanong ni ate Pj nang mapansin nya akong dumating.

"Uh.. Hindi po. Kukuha lang po ako ng mga baso." Ngiti ko. Ilang araw na ako dito pero hindi pa rin ako sanay sa mga tingin niya. Pakiramdam ko kasi ay nababasa niya ang mga naiisip ko. Must be because she's a Psych graduate.

"Ah. Sige. Hintayin mo na ako. Sabay na tayo, patapos na rin itong niluluto ko. " Sabi ni ate.

Naalala ko noong tinanong niya ako kung ano daw ba ang madaling gawin. Ang piliin ang pagkain na paborito mo at komportable kang kainin o piliin ang pagkaing matagal mo nang gustong matikman pero bawal sayo. Nung una hindi ko maitindihan, pero habang nagtatagal ay naiintindihan ko na.

Kahit na gustuhin kong piliin ang una ay hindi na pwede. Nauna ko nang gawin ang pangalawa at hindi ko na ito pwedeng iluwa pa kahit gaano man ito kasama... kamali...

"Sarah.. Sarah! Tara na? Tapos na ako." Tanong niya. Mukhang kanina niya pa ako tinatawag pero di ko napansin agad. Tumango lamang ako at kinuha na ang tray na may mga baso.

Paglingon ko sakaniya ay naabutan ko siyang pinapanood ang aking mga galaw. Di ko nalang pinansin at nauna na akong maglakad.

"Ang mga nagpapakabayani kasi dapat nasa luneta!" Sigaw ni Erin, na nakalagay pa ang mga kamay sa gilid ng bunganga. Mukha siyang tumatakbo ng paatras dahil palayo siya ng palayo habang sumisigaw at nakaharap sa kapatid.

"Bang! Bang! Krissy!" Halakhak pa niya at umaktong babarilin nga ang kapatid.

Sasagot sana si KV at handa ng habulin si Erin pero ng mapansin niya kaming paparating ay di na niya itinuloy.

Lumapit si KV saakin at kinuha ang tray na dala dala ko.

Impit na tumawa naman si ate Jayve at ate Ten sa inakto ng kanilang kapatid. Biglang nag-init ang pisngi ko. Hanggang ngayon kasi ay di pa rin ako sanay sa pang-aasar nila.

"Merienda na tayo. " Anunsiyo ni Ate Pj at nag-umpisa na kaming kumain.

Habang kumakain ay tinatanong ni Ate Pj si KV kung ano daw ba ang pinag-aasaran nila ni Erin. Pero nag-iwas lang ito ng tingin at namumula ang tenga. Ang cute niya!

"Haay! Nako! Binata na kasi si Krisanto, PJ kaya di makasagot." Pang-aasar naman ni Ate Jayve. Napatingin naman ako kay KV at ngayon pati ang pisngi niya ay namumula na. Nagpatuloy lang sila sa asaran ng biglang....

"Uh.. Sarah, anong balak mo ipangalan sa baby mo?" Biglaang tanong ni Ate Ten saakin.

Sa totoo lang, wala pa akong naiisip. Ni minsan nga ay di ko pa ito naiisip. Pakiramdam ko tuloy ay wala akong kwentang ina. Sabagay, wala naman talaga at ayoko pa rin naman sa batang ito. Kung pwede lang tanggalin at itapon ay ginawa ko na.

"Wala pa." Walang ganang sagot ko. Mukhang nalungkot naman siya sa sagot ko, sa pagkakaalam ko kasi ay matagal niya ng gusto mag-kaanak. Wala akong magawa kundi mag-iwas lamang ng tingin. Walang nagsasalita.

There are some people who badly need those thing but they don't get it pero yung mga taong hindi naman nag-hahangad na magkaroon o makakuha nito ay siyang binibigyan.Maybe that's what we call, irony of life.

"I think it's too early pa naman ate." Napalingon kaming lahat ng biglang nagsalita si KV. "I mean, she's just on her first trimester. So.. yea. " KV shrugged.

"Ah. Yea. I-i think it's too early pa." Pag-sang ayon ko. Alam kong naramdaman ni KV ang lungkot ng ate niya sa sinagot ko kaya't sinabi niya iyon.

Nanumbalik ang ingay ng mag-umpisang magkwento si Erin. Thanks to her loud personality at unti unting nawala ang awkward atmosphere.

Nang matapos kumain ay isa-isa na silang nag-alisan, naiwan kami ni KV.

Walang nagsasalita, pareho naming pinapakiramdaman ang bawat isa.

"You wanna go there?" Turo niya sa duyan na nasa dulo ng garden.

Tumayo ako at naunang maglakad. I know, I hurt her sister and I don't know if I feel sorry for that. I mean, I just answer her question with the truth and I don't have any intention to upset her, but I know what I did is so insensitive of me.

Inalalayan ako ni KV na maka-upo sa duyan at pumwesto naman siya sa likod para itambyon ito. Pumikit ako at huminga ng malalim,I don't deserve him. I don't deserve his kindness.  I don't deserve even just to be his friend.

"Kris, I wanna go back to manila." Saad ko makalipas ang ilang minutong katahimikan.

"Are you sure?" Tanong niya, bakas sa mukha niya ang pagkalito at ang mga mata niya ay tinititigan ako na tila ba hinihimay nito ang buong pagkatao ko.

 Hindi ako nakasagot kaagad. I wan't to answer him, yes, but I don't want to lie. Ngayon ay magkaharap na kami at nakatingin parin siya saakin. Nakalipas ang ilang minuto na walang nagsasalita at nakatingin lang kami sa mata ng bawat isa. Tila iniestima ang mga susunod na mangyayari.

Dahan-dahan akong umiling  bilang sagot sakaniyang tanong. 

"Then, we're not going back yet." Sagot niya. Halata ang ginhawang naramdaman niya sa pag-iling ko. Niyakap niya ako at kinintilan ng halik ang aking noo. Nag-iinit ang sulok ng aking mga mata, but I don't want to cry in front of him. Tama na yung sakit na naibibigay ko sakaniya, ayoko ng dagdagan pa.

Yes,KV. We're not going back, yet. Bibigyan ko pa ang sarili ko ng pagkakataon na sumaya kahit na wala ako karapatang sumaya dahil sa mga pagkakamaling nagawa at magagawa ko pa. 



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Sep 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Like stars on earthMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon