11

83 9 10
                                    

 Hindi ko alam kung ano ang nagtulak saakin na hamunin sya ng ganon. Alam kong mali pero pareho naman saamin makakatulong iyon. Lalaki ang bata na may kinikilalang ama at kompleto ang pamilya, sa parte ko naman ay hindi na ako mahihirapan magpaliwanag sa pamilya ko. Yun ang laman ng isipan ko habang binabaybay ang daan patungo sa bahay namin kung saan naghihintay si Ian.


Pagbaba ko palang ng taxi ay ang mukhang pinagsakluban na ng langit at lupa  na mukha ni Ian ang sumalubong saakin. I avoid his gaze, trying not to look helpless. "Pumasok na tayo. Hinihintay na tayo sa loob." Ani nya at pinauna na akong pumasok sa loob. Di ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Halong kaba, at takot. Kinakabahan ako sa maaring mangyari at natatakot ako na hindi matanggap ng pamilya ko. Tila naman napansin ni Ian na hindi ako komportable kaya hinawakan nya ang balikat ko at bumulong "They know. They will accept it. They are happy. Don't worry, Im here." and he smiled genuinely. Hindi ko alam pero nung sinabi nya na andyan sya at kasama ko sya ay bigla ako nagkaroon ng lakas ng loob na harapin at kausapin sila. Alam kong andyan si Ian dahil sa bata pero nangako sya saakin na papakasalan nya ako at ala kong tutuparin nya iyon. Dapat pa nga  ay magalit sya saakin dahil sa binalak kong gawin kanina pero hindi nya iyon pinakita. 

"Ma, andito na si Sarah." Anunsyo nya ng makapasok kami sa bahay. Nasa sala sila mama at papa, kausap ang mga magulang ni Ian. Mukhang kanina pa sila nag-uusap at nag-hihintay sa pagdating ko. Kinakabahang tinungo ko ang pwesto ni mama at nag-mano. Ang buong akala ko ay hindi nya tatanggapin ang kamay ko ngunit bago pa ako maka-lapit ay hinila nya na ako upang balutin ng yakap. I suddenly feel the urge to cry. "M-ma." Anas kot mas hinigpitan ang yakap sa aking ina. "M-ma, I - I'm sorry." Hindi ko na napigilan ang pag-alpas ng mga luha ko na nag-uunahan sa pagbasak. "Ssh! Don't worry. We understand."  Pag-aalo ni mama. Hindi pa rin tumitigil ang mga luha ko sa pagbasgsak, cause I feel like,  I was a big disappointment to our family. Ni hindi pa ako tapos sa pag-aaral at wala pa akong napapatunayan ay nabuntis na ako. I know, I was the one did this kaya wala akong karapatang mag-reklamo pero hindi ko maaalis sa sarili ko na mag-isip ng ganito. Ilang sandali pa ay tumigilna ako sa pag-iyak, tinatanong ng magulang ni Ian kung ano ang balak namin gawin. Hindi ako sumasagot dahil gusto kong si Ian ang mag-salita para saamin. Tumitig saakin ng ilang sandali  si Ian bago sumagot sa mga magulang nya, "Papakasalan ko po si Sarah." I know, I am a hypocrite kapag sinabi kong hindi ako nakaramdam ng tuwa dahil sa sagot nya. "Nakakasigurado ka ba dyan, anak? H - hindi ka ba nabibigla? I - i m-mean, Wala naman kayong relasyon at pupwede namang ang bata nalang a --" Agad pinutol ni Ian ang sinasabi ng papa nya, "Yes, pa. I'm sure." Walang emosyong sagot ni Ian. Biglang tumunog ang kanyang telpono kaya nag-paalam sya na sasagutin lamang ito. Pag-alis nya ay nagpaalam ako kila mama na mag-babanyo ngunit ang totoo ay sinundan ko si Ian. "Sorry Ella. Y-you know I love you. Matagal akong naghintay na maging tayo p-pero yung bata. Kailangan kong pakasalan si Sarah. I'm sorry." Nanlamig ako sa narinig ko, Is it true? Ian chooses me than Ella? Hindi ko na pinansin ang pagsabi nya kung gaano nya kamahal si Ella, dahil alam na alam ko na iyon at alam kong mapapalitan namin ng anak nya ang pag-mamahal na iyon. Aalis na sana ako para wag akong makita ni Ian na sinusundan ko sya ngunit mas nanlamig ako ng makita ko na umiiyak si Ian at halatang nasasaktan. Alam kong basag ang puso nya ngunit mas nababasag ang puso ko ng nakikita syang ganyan. Pinapangako ko Ian, mas papaligayahin kita, kami ng anak mo.

Kinaumagahan ay tinawagan ko ang mga kaibigan ko para sabihin sakanila ang nangyari. Hindi sila sang-ayon sa ideya na kaya lang mag-papakasal kami ay tinakot ko si Ian na ipapalaglag ko ang bata. "Nahihibang ka na! Don't you think it's unfair? At binalak mong ipalaglag ang bata? For god's sake! Tao yan! May buhay yan!" -Jane. She look so annoyed. I told her to toned down her voice, dahil nakaka-agaw na kami ng atensyon dito sa Infinitea. Pero hindi nya ako pinansin, nag-patuloy lang sya sa pag-sasalita. Yea, I know. Mali iyon pero itinatak ko na sa isipan ko na para sa ikakabuti iyon ng bata. "You are selfish. You are bitch. Hindi na healthy ang pag-mamahal mo na yan, uniti- unti ka ng binabago nyan. It's not love, It's being irrational and selfish bitch." -Cza. Tanggap ko na sa sarili ko ang mga bagay na yan, pero mas masakit pa rin pala kapag sa iba nanggaling. Though, I didn't expect them to fully understand pero hindi nyo ako masisisi kung kahit papaano ay hinangad ko na maiintindihan nila ako, dahil higit kanino man sila ang nakakaalam kung gaano ko kamahal si Ian. 

Since my parents know about my condition, sila na ang nag-aayos ng lahat. Gaya ngayon, Naka-schedule ako mag-pacheck-up sa obygene para malaman ang  eksaktong bilang ng araw ng pag-bubuntis ko.  Gustuhin ko man na mag-pasama sa mga kaibigan ko ay hindi ko nalang tinuloy, hindi kasi naging maganda ang huling ag-uusap namin at nag-tatampo pa rin ako sakanila. So I decided to go alone, mag-co-commute nalang ako since gamit ni papa ang sasakyan,he offered to  take me to the clinic but i refuse, gusto rin  sana akong samahan ni mama pero tinanggihan ko na, ayoko ng maka-abala pa sakanila  kahit na pinipilit nila na hindi naman ako makaka-abala. Kung ang mga kapatid ko naman ang isasama ko, mas gugustuhin ko nalang mag-isa. Wala silang ibang gagawin kundi asarin at pahirapan lang ako. Boys thing. I am wishing na sana samahan ako ni Ian pero alam kong malabong mangyari iyon, mula kasi noong nag-usap kami dito sa bahay ay hindi na ulit sya nag-pakita. Tinanong ko sila tita kung asan si Ian ngunit kahit sila ay walang alam. It sadden me pero wala akong karapatang mag-reklamo ako ang nagpilit sakanya sa kasalang ito at ako lang din ang may kagustuhan nito kaya kahit na ikakasal na kami ay alam kong wala pa rin akong karapatan sa kung ano man ang gusto nyang gawin.  I went to  the clinic 30 minutes earlier on my sheduled time, hindi dahil sa excited ako malaman kung ilang linggo na tong bagay na to sa tiyan ko, wala lang kasi akong magawa sa bahay kaya umalis na ako. Napag-pasyahan kong maglakad-lakad habang naghihintay, sa di kalayuan ay may mga nakita akong mag-asawa, mukha silang parehong excited at nag-mamahalan, hindi ko tuloy maiwasang isipin kung magiging ganyan din ba kami ni Ian. I smiled bitterly, Asa naman ako. Kahit kailan ay hindi kami magiging ganyan pero hindi ako susuko,gagawin ko ang lahat para mahalin nya ako at ggamitin ko ang batang ito para magawa iyon.

Like stars on earthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon