17

73 4 4
                                    

Ang makontento at maging masaya sa isang bagay ay hindi madali, dahil kung kasing dali lang ito ng paglipas ng panahon ay maaring wala tayo  sa sitwasyong pinagsisisihan natin sa huli.

KrisVi volunteered to drive me home, ayoko sana dahil nakaka-hiya at maaring makaistorbo pa ako sa mga lakad nya pero ang mga walang hiya kong kaklase ay nauna nang maglakad papunta sa parking lot. Sa unahan ako nakaupo at sa likod naman sila Julie, Cza and Jane. Tahimik lang kaming nakikinig sa mga kanta ng Boyce Avenue.  Panaka-naka kong tinitingnan si KV habang nagddrive. He’s so cute, lalo na pag seryoso ang mukha. I wanted to pinch his cheeks pero pinigilan ko, nakakahiya kasi. Una naming hinatid si Julie,sumunod si Jane at Cza.  Halata sa mga mukha nila ang antok at pagod kaya  di  na rin kami bumaba pa at tumuloy sa mga bahay nila.

Nagising ako sa marahang tapik sa pisngi  ko, di ko namalayan na nakatulog na ako at andito na kami sa bahay.  “Thankyou. Gu-gusto mo pumasok? Coffee or something?”  Tanong ko ng pagbuksan nya ako ng pinto. “Hindi na. Matulog ka na. You need to rest, it’s late.” Sagot nya. Hindi na ako nagpumilit pa dahil totoong antok na ako at hindi ko alam kung makakaya ko pang ientertain sya. I bid my goodbye at hinintay nya munang makapasok ako ng bahay bago sya umalis.

Kinabukasan ay si mama at papa nalang ang kasabay kong kumain. “Anak, aalis daw si Ian? Hindi ka kasama? Ibig kong sabihin--.” Agad kong pinutol ang pagsasalita ni mama, “No, ma. Magpapasukan na din  po kasi at marami pa akong kailangan ayusin.” “Sino kasama nya? Saan sya pupunta?” Tanong ni papa. “Uh? Para po ata sa school iyon. Requirements. Hindi ko po alam masyado yung detalye, ayoko rin po kasi masyadong  magtanong sakanya.” Sagot ko at dali-dali kong tinapos ang pagkain ko. Hindi ako sanay mag-sinungaling pero para kay Ian ay kinakaya ko. Everything for him, always for him.

Pilit ko man iwasan ang usapan tungkol sa pagalis ni Ian na hindi ako kasama ay hindi ko pa rin ito tuluyang matakbuhan. Pagdating kasi ng mga kuya ko ay tianong ulit nila ako tungkol doon. Kahit ilang beses kong sabihin na hindi ko alam at requirements nya lang iyon sa school ay hindi pa rin sila tumitigil kakatanong. Naiirita lang ako lalo kaya umalis nalang ako ng bahay. Napagpasyahan kong pumunta na sa tailoring shop sa school  para kunin yung uniform na pinatahi ko, pagkatapos ay pumunta ako sa mall malapit sa school. Una kong pnuntahan ang grocery, fruit section. Sabi kasi ng doctor ay kailangan ko rin kumain ng mga prutas. Pagkatapos ko mag-grocery ay naisipan kong maglakad-lakad sa department stores. Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa infant section, may nakita akong mag-asawa na namimili ng gamit para sa anak nila, malamang nasa kabuwanan na yung babae base sa tyan nya. They look happy and excited. Lumapit ako sa bandang likuran nila para mas makita silang mabuti, nakakatuwa kasi dahil pareho silang namimili ng  disenyo at kulay ng mga damit pambata. Ako kaya? Sasamahan rin kaya ako ni Ian sa pamimili ng gamit para sa magiging anak namin. Magiging aktibo rin kaya siya sa pagpili ng mga kulay at disenyo ng damit at bottle feeds ng anak namin? Sana ay oo. Sana gaya ng mag-asawang nasa harap ko ay maging masaya rin kami.

Bakit kaya ganon? Kung sino pa yung taong ayaw satin ay dun pa tayo nag-kakagusto. Is it the thrill? The chase? Or the kilig factor na nararamdaman natin kahit sa simpleng bagay lang. Gaya ng pag-ngiti, pagsulyap o kahit nga pag-like lang ng status sa facebook ay milyong-milyon boltahe nang kilig na  ang hatid saatin. I like Ian for I don’t know how long. Scratch that, I love Ian for so long.  Yes, I did have flings when I was in high school but it was just for fun. Si Ian pa rin ang gusto ko, si Ian pa rin ang inaabot ko. Si  Ian pa rin ang kahit anong pilit kong abutin ay hndi ko mahawakan manlang. Pero noon yun, noon lang yun. Dahil ngayon ay abot kamay ko na sya. Kung dati ay nakokontento na ako sa pagsulyap nya lang ay iba na ngayon. Maaring pumayag ako sa hinihiling nya na umalis sya pero hindi ibig sabihin non ay papayag  rin ako kung hihilingin nyang huwag ituloy ang kasal.

Pagkauwi ko sa bahay ay nakatanggap ako ng fresh fruits na nakalagay sa malaking basket, napakarami non at iba-ibang klase ng prutas, halatang fresh pa ito dahil sa balat palang ay makikita mo na. Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa ako, iniisip ko kasi na galing kay Ian ang mga iyon, marahil bago sya umalis ay iniisip nya pa rin ang magiging kalagayan namin ng anak nya. Malaki ang ngiti ko pababa ng hagdan,matapos kong magpalit ng damit pantulog, gusto ko kasi kumain ng mangga kaya bumaba ulit ako, nakasalubong ko ang katulong at pinakiusapan na ipagbalat ako ng mangga, pero bago sya pumunta sa kusina ay tinanong nya muna ako kung anong mangga ba ang gusto kong kainin, akala ko ang ibig niyang sabihin ay kung yung hinog ba o hilaw pero nagkamali ako, “Hindi ho ma’am Sarah. Ang tinutukoy ko po  ay kung aling mangga ang gusto ninyong kainin. Yun po bang binili nyo sa mall o yung ibinigay ni Sir Kris?” Natigilan ako ng ilang sandali bago nakasagot sa tanong nya. So ibigsabihin ay hindi si Ian ang nagbigay ng mga iyon? Akala ko pa naman ay… Haay! Nawalan na ako ng gana kumain kaya umakyat na ulit ako sa kwarto at pinilit na matulog nalang.

Nagising ako kinabukasan dahil sa pagtunong ng cellphone ko.  Ian called me bago sila umalis papuntang Batanggas. Nagpaalam sya at nag-pasalamat. Narinig ko sa kabilang linya ang boses ni Ella, halata sa boses nya na excited sya sa kanilang pag-alis. Hindi ko alam kung ano ang alam nya sa namamagitan saamin ni Ian pero nung huling nagkasalubong kami ay tanging malulungkot na tingin lang ang ibinigay nya saakin. Hindi ko sya masisisi kung magagalit sya saakin dahil karapatan naman nya iyon pero hindi ako makakapayag na aagawin nya pa si Ian saakin. Oo, nalulungkot din ako para sakanya pero iniisip ko nalang na  matagal akong naghintay at ngayong nasa akin na ang pagkakataon ay hindi ko na ito kayang palagpasin pa. Alam kong mahal nya si Ian pero alam ko rin na makakahanap pa sya ng ibang lalakeng mamahalin, hindi gaya ko na halos buong buhay ko ay tanging si Ian lang gusto ko. Habang kausap ko si Ian sa telepono ay di ko maiwasang malungkot, iniisip ko palang na aalis sya ay nasasaktan na ako dumagdag pa sa kalungkutan ko ang isiping ang babaengmahal nya ang kasama nya. Alam kong mali pero di ko maiwasang hindi ipaalala  kay Ian ang usapan namin. Sinabi ko na sa oras na hindi sya bumalik at tumupad sa usapan ay wala na syang babalikang anak.  Maaring isipin nya na napakasama kong tao dahil kahit sarili kong anak ay kaya kong patayin ngunit ginagawa ko lang naman ito dahil sa pagmamahal ko sakanya.

--

Here it is! Hahaha. Sorry na. Btw, Thank-you! Thank-you sa mga nagbabasa nito sa mga classmates ko (nakakahiya) , mga kaibigan ko (nakakahiya ulit) at kung sino pa man na nauutong magbasa nito. Hahaha!  Thank-you! Kyoot nyo! xx

Like stars on earthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon