What if things had been different? What if I didn't met Ian? What if I didn't fall inlove with him? What if I didn't made that desperate move? Do I still feel like this? Do I still see myself as a shit? Do I still get hurt by him? I think I'm not, I think it's not. I think it's the other way around. But I can undo what I haved done and I wish I could. But now? All i can do is to stick with my plan and bear this pain, cause all along this what if's will remain what if's.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong umiyak at nanaitiling nakayakap sa estrangherong ito. Ang tanging alam ko lang ay nasasaktan ako dahil kay Ian. Palagi naman ganon. Palagi naman akong nasasaktan dahil sakanya, mula pa noon hanggang ngayon.
17th Birthday ni Ian, everybody is busy but Ian seems don't care at all. Nakatayo sya sa terrace nila. Holding his phone in his right hand while his other hand is touching his lips. Para syang may hinihintay na kung ano. Sisilip sya sa terrace at dudukwangin ang cellphone nya. May party sya mamayang 6pm at 4pm na ng hapon ngayon. Hindi pa sya nakabihis para sa okasyon na gaganapin mamaya. I prepare a song for him, which I practiced for almost 3 weeks. Mahiyain ako pagdating sa ganitong mga bagay, ang pag-kanta sa harap ng nakakarami pero para kay Ian ay pipilitin kong huwag mahiya. I am excited, I even wear a dress and a 3 inches high heels. Hindi rin ako sanay mag-suot ng mga ganitong kasuotan pero para kay Ian ay mag-susuot ako. All for him. Everything is well prepared, nag-umpisa ang party nya ng maayos, all smile ang lahat ng mga bisita pero si Ian ay matipd lang na ngiti ang binibigay sa mga bumabati sakanya.Napaka-suplado talaga,I thought. Kinantahan namin sya ng Happy birthday at nagkaroon ng kaunting speech sesson galing sa mga magulang nya pagtapos ay kainan na. Pumwesto si Ian sa lamesa kasama ng mga kaibigan nya. Nakita kong masaya silang nagbibiruan at nag-tatawanan. Kaunti lang ang kinain ko dahil sa sobrang pagkalabog ng puso ko sa kaba, hindi ko pa kasi nababati si Ian dahil sa dami ng mga bumabati sakanya kaya napag-pasyahan ko na batiin nalang sya pag-kakanta na ako. Hinintay ko lang ang pag-senyas saakin ng coordinator at nag-handa na ako para sa pagkanta. I am so nervous, pakiramdam ko ay anlamig-lamig na ng mukha ko. I glanced at Ian which is still busy talking with his friends, mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila pero hindi ko na masyadong inintindi kung ano man iyon dahil lumapit na ako sa Dj at ibinigay ang CD ng minus-one na kakantahin ko. Pumwesto na ako sa stage, hindi pa nakikita ng mga bisita na may kakanta dahil dim pa ang lights dito banda. Nang binuksan ang ilaw hudyat na mag-uumpisa na ako sa pagkanta ay nakita ko rin si Ian na palabas ng venue. Hindi nya narinig ang pag-kanta ko. Hindi nya manlang nahintay ang pag-kanta ko na pinaghirapan kong praktisin. Hindi nya manlang ako binigyan ng pagkakataon na batiin sya.
"Hindi ko alam kung dapat ko ba tong sabihin sayo pero base sa nakita ko kanina at sa pakikitungo ng lalaking iyon ay naiisip ko na dahil sakanya kaya ka umiiyak sa bar." Hindi ako nagsasalita patuloy lang ako sa pag-iyak. "Kanina ka pa umiiyak. Hindi ka ba napapagod?" pag-papatuloy nya. Kung alam nya lang, matagal ko na rin itinatanong yan sasarili ko. Gustuhin ko man sumuko ay huli na. Gustuhin ko man mapagod ay sayang lang. I stayed in his arms for I dont know how long, he's saying many soothing words but I didn't stop crying. Damn tears! Kailan kaya mauubos to? Masyadong marami akong naiisip at gulong-gulo na ang isip ko. Nasasaktan ako sa sinabi ni Ian at higit sa lahat hindi maatim ng sikmura ko na iniisip nyang malandi ako. How could he say that? I mean, bakas naman sa kama nya na sya ang nakauna saakin pero pinag-iisipan nyang malandi ako dahil lang sa dis-oras na ako umuwi at nagpahatid lang ako sa lalaki? Seriously? Since when he start caring for me? Dahil kung makapagsalita sya ay parang ilang beses ko na itong ginawa
Nang mapagod na ako sa pag-iyak ay nag-paalam na ako kay KrisVi. Alam kong malaki ang utang na loob ko sakanya pero hindi na ako nakapag-pasalamat pa ng maayos dahil ramdam kong pagod na pagod na ako at kailangan ko ng magpahinga. I owe that guy. and I promised na babawi ako sa susunod na magkita kami.
Kinaumagahan ay magang-maga ang mata ko at napakasakit ng ulo ko. I immediately ask my Ob kung ano ang pwede kong inumin na gamot. Pagbaba ko ay nadatnan ko ang mga kapatid ko na naglalaro ng Xbox. Hindi ko nalang sila pinansin at nagtungo na ako sa kusina. Gutom na gutom ako, pagka-amoy ko palang ng bacon at kape ay tila nagwawala na ang tiyan ko. I sat at the last part of the table. Mag-isa nalang naman ako kakain dahil paniguradong kumain na ang mga kapatid ko. Habang nagdidiwang ako sa pagkain ng bacon na ipinangbalot ko sa cheese ay bigla nalang ako tinawag ng kuya ko at sinabing may naghahanap saakin sa labas.
Wala akong ideya kung sino iyon dahil wala naman akong inaasahan na bisita. Pagbukas ko ng gate ay ang mukha lang naman ni KrisVi ang nabungaran ko, I didn't expect him to come. Laglag panga akong nakatingin sa mukha nyang matambok ang pisngi at labi nyang tila naka-pout na talaga. I suddenly want to pinch his cheeks hanggang sa mamaga iyon. He's so cute and adorable, ang bango nya pa! He's wearing a white v-neck shirt, colored-fitted short and top-sider, nagpatingkad pa sa kanyang hitsura ay ang buhok nya na tila ba sadyang magulo na ang pagkakaayos. Naputol ang pagtitig ko sakanya dahil sa pag-bati nya "G-good morning! Kagigising mo lang?" para naman akong nahiya sa hitsura ko dahil i'm still wearing my jammies and a baggy shirt with bunny slippers at alam kong magulo pa ang buhok ko. "Y - yea, What are you doing here?" Tanong ko. "I - - I ju-just wondering if we can talk? I - i mean, lumabas." Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Mukha namang napansin nya iyon kaya agad nyang dinutungan. "U- uh. N-ot a date. I mean, it's not a date. I just wanted to go to the park and I think na baka gusto mo sumama, Y-you know, to unwind?" Pinapasok ko sya loob ng bahay at dali-dali akong tumakbo sa kwarto ko para maligo. Gaahd! Nakakahiya ang itsura ko! I take a bath for almost 30 minutes, Matapos kong maligo ay nag-suot lang ako ng above the knee length dress and a white-laced sandals. pagtapos ay bumaba na ako.
Nadatnan ko si KrisVi na prenteng nakaupo habang pinapanuod ang bunso kong kapatid na mag-isang naglalaro sa Xbox. "Asan na sila kuya?" I asked my younger brother. Para naman syang walang naririnig dahil patuloy lang sya sa pag-lalaro. "They go to the gym." Sagot ni KrisVi saakin. Oh! I forgot to introduced him kila kuya. "Ah. Okay. I'm sorry hindi kita napakilala sakanila. By the way, this is Daye, bunso namin." Sabay hila ko sa kapatid ko na busy pa rin. Tinanguan ny lang si Krisvi at bumalik na ulit sa paglalaro. Sumimangot ako sa inasta ng kapatid ko. "I know your kuya's. Member din ako sa gym na pinupuntahan nila." He said. "Oh! What a small world!" I laughed, awkwardly. Nalala ko yung nangyari kahapon, did he tell to my brothers? Oh! Damn! Pag-nalaman iyon nila kuya ay paniguradong hahadlang na sila sa kasal, kung may kasal pang magaganap! Fuck! Naguumpisa nanaman ako mag-isip ng kung ano-ano! "I didn't tell them anything, dont worry." Sabi nya, siguro ay napansin nya ang pagkakabalisa ko. I felt relieved! Thanks God! Nagpaalam na ako kay Daye at sinabing pupunta kami ng park, baka kasi hanapin ako nila mama. Habang palabas kami ng gate ay, nagkkwentuhan kami ni Krisvi tungkol sa kapatid kong bunso. Natawa ako ng sinabi nyang ang taba ng kapatid ko, samantalang ang payat ko daw. Inaasar nya na baka daw ampon ako. Kaya pinagsasasapak ko sya sa braso. Tawa lang sya ng tawa habang sinasangga ang mga sapak ko. Pagkalabas namin ay pinatunog nya na ang sasakyan nya at pinagbuksan nya ako ng pintuan. Gentleman, huh? Umikot sya sa drivers seat at sinumulan ng paandarin ang sasakyan. Aatras sana nya para imaniobra ang sasakyan pero natigil kami ng biglang may bumisina sa likod. Si Ian, na parang ngayon lang nakapindot ng busina dahil sa sunod-sunod na pag-tunog nito.
BINABASA MO ANG
Like stars on earth
RomansaLove. Desperation. Friendship. Betrayal. Hurt. Sarah Dreigan Gonzales is an 18 year-old girl with simple life. Eversince she know's about the word "crush" there's only one guy that stuck on her mind, which she prefer to call "Star", He's a guy w...