1

181 12 7
                                    

Nang mga nakaraang araw masyado kaming naging busy sa school, dahil sa darating na final exams. 2 weeks nalang at debut ko na rin. Masaydong mabilis ang mga araw na nagdaan. Tulad ngayon, andito kami sa sakayan ng jeep, nakapila at naghihintay na makasakay na para makauwi. Grabe!  Damang dama ko ang pagod.

Kinabukasan ay maaga akong gumising, marami pa kasing kailangan ayusin para sa debut ko. Sa katunayan, hindi ko pa alam kung sino magiging escort ko. Di pa naman kase pumapayag si Ian, pero di pa rin naman sya tumatanggi. Kaya nung nakita ko sya na naglalakad pauwi sa bahay nila ay halos kainin na ako ng lupa sa sobrang kaba!  Pano ko sya tatanungin?  Ngingiti ba muna ako?  Tatawagin ko ba sya?  O tatanungin ko nalang sya agad?  Haay! Nako!  Bahala na nga! 
Pero bago pa ako makapagsalita ay naunahan nya na ako. "Anong oras nga yung debut mo? formal ba?" Halos di ko makahinga habang pinagmamasdan sya na nakatingin sakin gamit ang kanyang malalalim na mata at hinihintay ang sagot ko. "Hoy!" Saka lang ako nakabalik sa ulirat ko ng nagsalita ulit  sya. "A-ah. Ano. Ah. 7:30 ng gabi, uhm!  Semi lang. Semi formal."
"Ah. Sige" sabi nya sabay ngiti at talikod na para umalis.

Jusko! Gusto ko ng sumigaw!  Kaya ng makalayo sya ay di ko na mapigilan na magsisisgaw at magtata-talon!  Grabe!  Anggawapo nya talaga!  Angbango bango pa!  Anlapad ng likod nya! Masarap kaya sya kayakap?  Ang pula ng labi nya! Malambot kaya yun pag hinalikan? Haay!

Isang linggo na ang nakalipas at tapos na ang final exam namin kaya naman, naging abala na ako sa pagaayos ng party ko. Nang nakita ko na umiilaw ang cellphone ko, nakatanggap ako ng mensahe mula sa kaibigan ko na si Cza  at Jane , pinapapunta nila ko sa D'cream at tutulungan daw nila ako sa pag-aayos ng mga kailangan ko. Naligo lang ako at umalis na rin para puntahan sila. Pero bago pa ako tuluyan makalabas ay natanaw ko si Ian na parating, hinintay ko muna na makadaan sya bago ako lumabas. Nakakahiya kase, baka isipin nya gala ako.

Pagkarating ko sa D'cream ay halos di ako mapansin nung dalawa, masyado silang tutok sa laptop na nasa harap nila. Kaya naman nilapitan ko na sila at pabirong isinara ko ang screen ng laptop nila. Gusot na gusot naman yung mukha nung dalawa ng bumaling saakin. Pero mabilis rin iyon napalitan ng pag-ngiti at makabasag pinggan nulang sigaw na "Pots! andito ka  na pala, order ka na!  Gutom na kami e, hinintay ka pa namin bago kumain." Wala na akong nagawa kundi tumayo at pumunta sa counter, kung di ko lang kilala yung dalawang yun iisipin ko na kaya lang nila ko hinintay bago umorder ay dahil magpapalibre sila!  Hahaha. pero pagbalik ko, tulala pa rin sila sa screen at sabay na bumuntong hininga.  "Ang lalim non ah? Anyare?" Lumingon sakin si Jane  at nginuso ang screen, nakita ko na binabasa nila yung status ni Ian na ang nakalagay ay "Finally! my chance! #May7."

--
December 18, today!  Happy

Like stars on earthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon