Sa mga nakaraang araw ay para lang akong isang robot. Laging matamlay at palaging antok kaya naman lagi lang ako nakakulong sa kwarto kung kakain naman ay madalas wala akong gana, isa hanggang dalawang subo lang ang kaya kong kainin pag pinilit ko pa ay maduduwal lang ako. Nahihirapan ako sa ganitong pakiramdam ngunit mas mabuti na rin siguro ito para may dahilan ako upang wag lumabas, nahihiya pa rin kasi ako kay Ian. Pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap sakanya. Pero ngayon ay wala na akong choice, kailangan ko ng lumabas at pumunta ng school. Enrollment day. It's been what? 2 months mula ng magbakasyon. Hindi ko alam kung ilang beses ko ipinagpilitan kay Ian na panagutan ako dahil sa nangyari. Oo. Alam kong nasa 21st century na tayo pero hindi lang matanggap ng sistema ko na matapos ng nangyari ng gabing iyon ay kakalimutan ko na lamang. Nung huling pag-uusap namin ni Ian ay pumayag ako sa kagustuhan nya ngunit ng nakita ko na ang saya-saya nila ng babaeng iyon ay sumiklab sa puso ko ang inggit at pagnanasa na sana ako ang kasama nya , Na sana kami ang masaya.
"Ian, hindi madali ang nangyari! hindi ko kayang kalimutan na lamang iyon. " sabi ko, isang araw ng nagpunta sila dito sa bahay at nag-inuman kasama ang mga pinsan ko. "Sarah, ano ba?! May girlfriend ako. Ano ba gusto mong gawin ko? Iwan sya? para sayo?" Sagot nya, na mukhang iritang irita na dahil sa pinaguusapan namin. "Oo! Hindi ba, iyon naman ang tama? May nangyari na saatin. " naaiyak na sagot ko. "What the fuck? nasa anong dekada na tayo. Pero ganyan pa rin ang pagiisip mo? It's not like I get you pregnant or something. Kaya hindi ko naman kailangan panagutan ka." Gusto kong isipin na dala laman ng kalasingan kaya ganyan ang mga sagot nya saakin. Pero hindi. Kahit anong sitwasyon. Ganon pa rin naman ang isasagot nya.
Palabas na ako ng bahay ng makasalubong ko si Ella. Mikaella Grace Ramos, 5'6 , 17 years old, morena at balingkinitan ang pangagatawan. Sa batang edad nya ay nagmomodelo na sya, umeextra na rin sya sa pag-aartista. I looked at her from head to toe, kasabay non ang pagtunghay nya at pagbati saakin. "Hello, sarah. " She smiled innocently. Tumango lang ako at bahagyang ngumiti sakanya at nagpatuloy na sa paglalakad. If you only knew ella.
Pagdating ko sa school ay masyado mg mahaba ang pila. I already texted cza and jane, First time to na nauna ako sakanila. pagdating nila ay pareho silang nagrereklamo na gutom na sila at di sila nakapag-almusal. I sigh, palagi naman ganito yang dalawang yan. Palaging gutom. Di naman kami nahirapan sa pagbayad ng tuition -perks of being a university ambassadres- pagdating naman namin sa enrollment booth ay kaunti na rin lang ang pila, last day na kasi ng enrollment. I am the one who causes delay kaya inabot kami ng last day, kung maari kasi ay ayaw ko talaga lumabas ng bahay. "Sarah Dreigan Gonzales " the lady in registration, called my name. Pagtayo ko ay bahagya akong nahilo, kaya napaupo ulit ako. Oh my! my vision is blurry. Agad namang dumalo saakin ang mga kaibigan ko, "anong nangyare? Namumutla ka." Cza said. "Baka sa init lang." Sagot ko. "Ahy! Tanga! Fully airconditioned tayo tapos naiinitan ka pa?" Sabi ni jane. Sinamaan ko lang sya ng tingin. "Ahy sorry na. Baka gutom lang yan. May biscuit ako dito." Naririnig kong binubuksan nya na yung biscuit, at pag bukas nya ay naduduwal na ako sa amoy. "Ano ba yan! Ilayo mo nga yan sakin." I shouted at her. "Ahy! G na G lang teh? Kailangang sumigaw?" Cza, butt in. I just covered my nose, dahil kung hindi ay baka maduwal ako ng tuluyan. After few minutes ay lumapit na ako sa registration at nag-enroll habang hinihintay ko ang schedule ko ay nagdidilim na ang paningin ko. Pag-abot ng schedule ko ay tumayo na ako, ngunit di pa ako nakakatayo ng tuwid ay bigla nalang ako bumagsak. And everything went black.
--
Yuhoo! Hahaha. Nakapagupdate ako dahil sa pagpipigil ko ng antok sa cost accounting namin kanina. Hahaha! To sarah's (sarah payat at sarah taba. Saya kanina noh? Haha. Such a bad day.

BINABASA MO ANG
Like stars on earth
RomanceLove. Desperation. Friendship. Betrayal. Hurt. Sarah Dreigan Gonzales is an 18 year-old girl with simple life. Eversince she know's about the word "crush" there's only one guy that stuck on her mind, which she prefer to call "Star", He's a guy w...