15

106 8 14
                                    

Nakakapagod? Yun yung umaasa ka sa wala. Yun yung sinasabi mong ayaw mo ng umasa pero bandang huli umaasa ka pa rin. It's a cycle.  Umasa - maging tanga - umasa ulit - magmukhang tanga ulit. Nakakatawa isipin na,  matapos ko maisip na masyado na akong nasasaktan ni Ian ay heto ulit ako. Umaasa. Nang mga oras na gusto nya akong kausapin biglang sumiklab sa puso ko ang pag-asang, sasabihin nyang willing syang sumubok saamin. Pero isang kahangalan talaga ang umasa sa isang bagay na sa umpisa palang alam mo ng wala kang aasahan. 

"Anong pag-uusapan natin? Pa-para saan?" Tanong ko. Pinipilit kong huwag magpakita ng kahit anong emosyon pero alam kong hindi ko magawa dahil ikaw mismo ang kaharap ko.  Ang lalaking, nagparamdam saakin ng paru-paro sa tiyan,  kung paano kiligin, mag-mahal, sumaya, tumawa at higit sa lahat ikaw rin ang nagparmdam saakin kung paano masaktan at umasa. "I just want to clarify things between us." Napaisip ako, is there a thing between us Ian? Siguro, kung meron man yun yung bagay na matagal ko ng alam, bagay na hindi ko na nanaiisin mo pang malaman , ito yung bagay na nag-pasok saatin sa sitwasyong ito, ang bagay na nagbubuklod saatin yung pagpaplano ko sa nangyari at sa batang dinadala ko. "G-gusto ko lang sana hilingin sayo na give me more time..."  Ano pa bang time ang gusto mo, Ian?  Binigay ko na nga lahat e.  Buong buhay ko ibinigay ko na. Gusto kong sabihin ngunit itinikom ko nalang ang bibig ko. Kaunting oras nalang naman diba?  Ano ba naman yung konting pagtitiis pa kung noon nga e nagawa kong tumingin lang sa malayo.  "Y-you know. It's not easy to let go of the things you hold on for too long.  Cheesy as it may sound,  but leaving the one I love the most seems like it kills me the same day I was born. It's like giving me a chance to breathe in but I can't breathe out cause in the process of breathing out I am killed by my own lungs." Bumagsak ang tingin nya. He was breaking and I am already tored. "Ian.." yun lang ang kaya kong bigkasin.  "Sarah, I love ella. For the long time. It's hard for me to let her go since she finally give me the chance to prove to her my love. But as you see,  nangyari to and I need to choose you and the child and I need to let her go. " nabasag ang boses nya. He's crying,  my Ian is crying. Sorry Ian,  alam kong nasasaktan ka pero huwag kang mag-alala, 

Matutumbasan namin ng anak mo ang pagmamahal na yan. "Please. I know they are asking you about the wedding. Tulungan mo sana ako na magpaliwanag sakanila. Ituituloy naman ang kasal, it's just that idedelay lang ng kaunti." Hindi ako umimik, gustuhin ko man na madaliin na ang kasal hindi maari. "Hanggang kailan?" I ask him, gusto ko ng may deadline para alam ko kung hanggang kailan idedelay ito. "Hanggang sa -- " Nakatungo lang sya habang nagsasalita. There's a long pause before he continue.  "Give me atleast 2 months, please."  He look at me with pleading eyes. "Pa-paano pag nagtanong sila tungkol saatin? " He looked surprised. "Pumapayag ka?" Tumango ako bilang tugon. Do I have a choice? "Thankyou! Thankyou, Sarah." He said, his eyes is shining. Bigla nya akong niyakap habang  paulit-ulit na nagpapasalamat. Nanghina ang mga tuhod ko, nagwawala ang mga kulisap sa tiyan ko. I wish we can stay like this, for forever.  "We will pretend. Para huwag silang magtaka." He said nang bitawan nya ako sa pagkakayakap. Kung gaano ako kasaya kanina dahil sa pagkakayakap nya ay ganoon din kabilis ang paglungkot ko. Yes, pretend. It's all for the show. I nod in agreement. Pero sisiguraduhin ko na after two months ay mapapasaakin ka na ng buo. Sorry if I need to do this, Ian.  Mahal lang talaga kita.

Hanggang sa pag-tulog ay yun lang ang laman ng isipan ko.Ang naging pag-uusap naming ni Ian.  

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa katok saaking pintuan. I lazily get up on  my bed, Gaah!  I hate mornings. I’m really not a morning person. I sat up on my bed, kinondisyon ko muna ang katawan ko bago tuluyang tumayo.I remember na linggo pala ngayon, we we’re going to Church. Kaya dali-dali akong nagbihis at naghanda  ng sarili ko. I hurriedly ran down on stairs, naamoy ko na ang kape at toasted breads. Pagdating ko sa mesa ay sinalubong ako ni papa, “How are you my princess?” He said, while kissing me on my forehead, Pinag-hila ako ni papa ng upuan, umupo muna ako bago sumagot sakanya, “I’m fine papa. I’m doing well po.” I smiled. Tinabihan nya si mama, he held my mother’s hand which is placed on the top of the table. They smiled sweetly to each-other. “and how was our little princess?” Sasagot na sana ako kaso nang maamoy ko ang, omelet na paborito ng mga kapatid ko ay parang naduduwal na ako. “You, okay ate?” Tanong ng kapatid kong bunso. “Yea, yes. I am fne.”  I am in my Trimester. Kaya naman pakiramdam ko ay lagi akong maduduwal. Asaran, lokohan at kwentuhan ang nangyari sa hapag.  The breakfast went well, kaso biglang nagtanong sila mama about the wedding. “I. Uh? Uhm. We decide to delay the wedding ma.” They look at me intently, “Bakit?” Tanong ni kuya Denver. I am  nervous, hindi ako sanay na nagsisinungaling. “Uh. It’s our mutual decision.”  Sagot ko. Hinihiling ko na wag sana ako mautal habang nagsasalita. I ate the last piece of my bread toast, para di nila mahalata ang kaba ko.  “Kasi?” Tanong ni kuya Daryl. I gulped, “Uh? Kasi masyado pang maaga. I mean, ang bi- bilis na-naman kung..”  Papa, cuts in. “Hind ba masyado ng malaki ang tiyan mo non?” I drank the glass of milk, sa ganitong pagkakataon ay mas lalo akong kinakabahan. “Well. It’s our decision pa.” He wanted to protest but mama hold her hand. My brothers too, but mama look at them telling them to stop. Thanks God!

Palabas na kami ng bahay para mag-punta ng simbahan. Ako ang huling lumabas dahil nahirapan ako sa pagpili ng damit, I gain weight and I got conscious on my boobs, they are growing too. Pag-labas ko ay nakasakay na silang lahat sa sasakyan. “Kay Ian ka na sumakay.” Ani ni papa. Tinanguan ko lang sya at nauna na silang umalis, nag-aabang na rin naman sa labas ang sasakyan nya. Nag-park sya sa tapat ko at binuksan ang pintuan. “Uh. Sabi ni papa, sayo na daw ako sumakay.” Pinulahan ako ng pisngi. Oh my! Sumakay? Kay Ian? Shet! “Y-yea. H-hop in.” Sagot nya. I’m wearing a dress which is fitted on my curves at medyo lumalabas  na rin ang cleavage ko, I think kailangan ko na bumili ng mga preggy dress. Nakita kong namumula ang pisngi ni Ian. “Uh. Okay ka lang? May sakit ka ba?” Napansin ko rin kasi na pinagpapawisan sya. “Y-yea. W-wala.” Sagot nya ng di maka-tingin saakin. Lumapit ako ng kaunti sa pwesto nya. He look constipated. “You sure?” Mas lalo akong lumapit.  Huminga sya ng malalim, mas lalo syang pinag-papawisan. Humilig ako  lalo sakanya para maabot ang aircon button, itinapat ko na rin sakanya. Kumuha ako ng panyo sa pouch ko at pinunasan sya nang bigla syang umiwas. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Pati pagpunas sakanya ay hindi pwede? I feel so rejected. Naiiyak na ako. Umayos ako ng upo at sa labas nalang tumingin.  Tss. I’m just concern. Nawala ako sa pagddrama ng bigla nya akong inabutan ng jacket. “Wear it. Cover your… Your..”  Hindi nya maituloy ang sinasabi nya. Anyare dito?  Napansin  kong nakatitig sya sa hinaharap ko. “Oh!” I said he looked at me at agad na nag-iwas ng tingin habang namumula ang pisngi. Dali dali kong isinuot ang jacket. 

Like stars on earthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon