20

64 6 2
                                    

Nagising ako sa loob ng puting silid na tanging liwanag lamang galing sa lampshade na katabi ng aking hinihigaan ang  matatanaw.

Sinubukan kong iangat ang aking kamay para mahawakan ang mukha ni KrisVi na mahimbing na natutulog sa aking gilid, ngunit hindi ko magalaw ang aking kamay dahil sa mga swerong nakakabit saakin. Hindi ko maalala kung ano ang nangyari kung bakit andito ako.

Pilit kong ibinubuka ang aking bibig ngunit tanging mahihinang ungol lamang ang naisasatinig ko. Nanunuyo ang aking lalamunan at tila hinang-hina ang aking pakiramdam.

Maya-maya ay nagising na si KrisVi, mukha siyang nagulat ngunit agad rin nakabawi at ngumiti saakin. “Thank God! Your awake!” Sabi niya sabay tayo at hinalikan ang aking noo. “What do you want? Water or what? Wait! Tatawagin ko yung Doktor.” Dirediretsong sabi niya at lumabas na.

Pagbalik niya ay may kasama na siyang mga nurse at doctor. Kinuhanan nila ako ng dugo at pinainom ng mga gamot. Sandaling nag-usap ang Doktor at si KrisVi, bago ako kinausap ng Doktor. “You need to regrain your strength hija, iwasan mo ang maistress at kumain ka ng mga masusutansyang pagkain.” Bilin niya saka nag-paalam na upang lumabas.

Nang kami nalang ni KrisVi ang nasa silid ay hindi ko maiwasan maalala ang nangyari kung bakit andito ako. I was at school, pagkatapos ay tumawag si Ian. After how many weeks.  Natumba ako, yun ang huling naalala ko. Dali-dali ko hinawakan ang tiyan ko, yung bata. Unti-unting tumulo ang luha ko.  Nang naramdaman ko na nasa tiyan ko pa siya.  Thank God!

“Ilang araw na ako andito?” Tanong ko kay KV na tahimik na nakamasid saakin.  “Tatlong araw kang tulog.” Sagot niya ng naka-yuko. “I g-got so scared nung tinawagan ako ng mga kaklase mo para dalhin ka sa ospital.” Hirap na pagkakasabi niya.  Tinitigan ko lamang siya. “Would you please take of yourself and the baby? Isipin mo muna yung kapakanan niyo bago siya!” Nagulat ako ng  napataas ang tono ng boses niya ng banggitin niya ang huling salita. “So-sorry! I-I’m sorry.” Sabi niya at lumabas.  

What was that? May nais pa akong itanong sakanya pero lumabas na siya.

Ilang minuto ang nakalipas saka muling nagbukas ang pintuan ng at sabay-sabay pumasok ang mga kaibigan ko.  Maingay silang naglakad papalapit saakin. May dalang prutas si Cza, malaking boquet naman ang dala ni Jane, si Julie naman ay may dalang mga naka-tupperware na pagkain, habang si Jhoan at si Emil ay magka-holding hands at parehong may dalang stufftoy at lobo.

Umupo sa gilid ko si Jane, habang tahimik na nasa gilid si Cza. Busy sa pag-aayos ng pagkain sila Julie at  Jhoan. “Kumusta na pakiramdam mo?” Tanong ni Emil. Ngumiti ako  bago siya sinagot. “I’m okay. I’m fine.” Tumikhim si Jane bago nag-salita, nakita kong pinunasan niya ang mata niya. “Pinag-alala mo kami! Tinakot mo kami. Gaga ka!” Sabi niya habang ngumunguso. Natawa ako sa inasal niya. “Oo na. Sorry na!” Sagot ko naman.

 Paulit-ulit sila sa pangungumusta saakin habang kumakain.  “Damihan mo kain mo, beng! Mag-palakas ka para sainyo ng inaanaak ko!” Sabi ni Julie  sabay  bigay pa saakin ng cupcake. Hindi ko maiwasan tumingin sa pintuan, kada bumubukas ito. Tila naman napansin ni Jhoan ang paglingon ko. “Sino hinihintay mo?” Tanong niya habang naka-ngiti. “Si Kris ba?” Dagdag niya pa. Tinanguan ko lang siya bilang pag sagot. “Nag-paalam na uuwi muna siya para maligo.” Sagot niya.

Tinanong ko  sila kung asaan sila mama, at bakit si KV ang nagbabantay saakin sabi nila ay paalis-alis sila mama at papa dahil may mga kinailangan silang ayusin sa kanilang trabaho. “Pero si Kris, mula ata ng naospital ka ay hindi na umalis dito sa ospital.”  Sabi ni Jane, habang kumakain. Nagkuwentuhan pa kami ng matagal, tungkol sa school at kung ano-ano pa. Sabi nila ay bumisita daw sila ditto kahapon kasama ang iba pa naming mga kaklase.

 Naunang umuwi si Jhoan at si Emil, isinabay na rin nila si Julie dahil may mga kailangan pa daw silang gawin. Naiwan kaming tatlo nila Jane at Cza. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi nila na halos hindi daw umalis si KV dito. “Girls, can you tell me. What really happened ng mawalan ako ng malay?” Tanong ko. Nag-iwas ng tingin si Jane, si Cza naman ay kanina pa tahimik. “Please.” Sabi ko pa.  Tumikhim si Cza bago sumagot. Tila naman nag-aalangan si Jane kung sasabihin ba niya o ano.

“You passed out. Malakas yung pagkakabagsak mo.” Mahinahon na pag-sagot ni Cza. Nilingon siya ni Jane. “Cza.” May pagbabanta sa boses ni Jane. Tila hindi naman siya pinansin ni Cza kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Dinugo ka. Muntik ka ng makunan.” Nanlamig ang buong pagkatao ko sa narinig ko. “Wh-what?” Maiyak-iyak na sambit ko. Oh my God! Hindi pwede. Hindi pwede mawala ang batang ito. Hindi ko namalayan na natulala na ako, kung hindi lang pumitik si jane sa harapan ko.

“Si Ian. Does he know?” Tanong ko pa. Nilingon ko si Jane pero nag-iwas lang siya ng tingin. Nilingon ko si Cza at tanging pagkuyom ng panga lamang ang  natanggap ko. Does he know? Does he care? Ano kayang iniisip niya? Galit ba siya saakin? Iniisip ba niyang hindi ko  inaalagaan ang batang to? Anon alang ang sasabihin niya? Na hindi ako karapat-dapat maging ina ng anak niya? Andaming gumugulo sa isip ko. Hindi ko maiwasan matakot. “Bumisita bas i Ian?” Tanong ko pa. Kailangan ko ng sagot, maluha-luha  kong tiningnan si Jane at Cza, nag babaka-sakaling sagutin nila ako.

“Stop looking at us, like that. Kung ayaw mong mas masaktan pa.” Sagot ni Cza. “Sarah, don’t stress yourself. Stop thinking about him. Mag-pa----.” Agad kong pinutol ang sinasabi ni Jane. “Answer me!” Sigaw ko. Nagugluhan na ako. I’m hurting. Kaya wala naman pinagkaiba kung di pa nila sasabihin. “Mag-palakas ka muna. Sasabihin namin lahat sayo pag tuluyan ka nang malakas.” Sabi ni Jane. “No. You tell me now! Alam ko naman e. Pero gusto ko malinawan!” Sigaw ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. “Sarah.” Umiiyak na sabi ni Jane. I look at Cza. Mabigat ang pag-hinga niya at alam kong pinipigilan niyang maiyak.

“Tell me.” Iyak ko. Niyakap ako ni Jane. Nanginginig ang katawan ko dala ng pag-iyak. “Ssh. Ssh. Stop crying. We’re here.” Pag-aalo niya. “N-noo.” Pilit akong kumakawala sa pagyakap ni Jane. Naguguluhan na ako. Gusto ko malaman kung alam ba nya at kung galit ba siya kaya hindi siya bumisita saakin. Dugo na rin ang lumalabas sa swero nan aka-kabit saakin. “Oh my God! Sarah! Your bleeding!” Sigaw ni jane at dali-daling bumitaw saakin at tumawag ng Doktor. Nanghihina na ako pero di ako matigil sa pag-iyak. “Cza.. Please!” Hikbi ko.

“You really wanna know the answer?” Tanong ni Cza, gamit ang nanghahamon na tinig.. Namumula na rin ang mata niya. “Yes..” Sagot ko. Huminga siya ng malalim bago nag-salita. “Yes, he know. Pero di siya bumisita.” Tuluyan na akong nanghina. “Why?” Tanong ko pa. Masokista na nga siguro ako. But I do, wanna know. Everything. Even it turns me into ashes.  Cza look at me intently, before she speak “Cause……..Ian is….”

Like stars on earthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon