…I don’t want the world to see me, cause I don’t think that they’d understand.
Hindi ko alam kung ilang oras na kaming naka-upo dito. Tumigil na ako sa pag-iyak pero hindi pa rin ako makapag-salita. Pakiramdam ko ay wala naman akong dapat sabihin. Inaaya na ako ni KrisVi na umuwi pero ayoko pa, ayokong makita ng mga magulang ko ang namamagang mata ko at namumutlang labi dala ng sobrang pag-iyak. Kung pupuwede nga lang ay ayoko magpakita sa mga tao, ayokong makita nila kung gaano ako nasasaktan dahil alam kong kahit anong pag-papaliwanag ay hindi nila ako maiintindihan.
“Umuwi na tayo. Masyado ng lumalalim ang gabi, baka mahamugan ka.” Ani ni KrisVi. Tiningnan ko siya sandail at saka naunang tumayo at maglakad papunta sa sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o kung may kailangan ba akong sabihin. Parang nilipad ng hangin ang enerhiyang meron ako kaya kahit mag-salita ay hindi ko kayang gawin.
Pagdating sa bahay ay pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan, tinanguan ko lang siya bilang pag-papaalam pero bago pa ako makapasok sa gate ay tinawag niya ako, “Sarah, lahat ng mabibigat, gumagaan pag binibitawan. Sana alam mo kung kelan kailngan mo na bumitaw.” Tumitig lang ako sakaniya, naglakad siya pabalik sa driver seat, may kinuha siya sa loob at inabot saakin ang isang maliit na kahon. “Goodnight.” Ngiti niya at umalis na.
Pag-pasok ko sa bahay ay patay na ang mga ilaw, malamang tulog na sila dahil dis-oras na ng gabi. Nagtuloy-tuloy ako sa kwarto ko, inilapag ko ang kahon na binigay ni KrisVi saakin. Maghahanda na sana ako para maghilamos ng mapansin ko ang picture frame na nakapatong sa side table ng kama ko, picture namin ito ni Ian nung debut ko. Napatitig lang ako sa frame, sa kuhang ito aypareho kaming naka-ngiti at magkadkit ang aming mga braso. Kung hindi ko siguro ginawa ang planong ito ay hindi ako masasaktan ng ganito. Nang maramdaman kong maiiyak nanaman ako ay dali-dali akong nagbihis at naghanda na sa pag-tulog Hinanap ko ang cellphone ko para sana i-set ang alarm ng mapansin kong may missed call doon galing kay Ian. Bakit kaya? Kung sa ibang pagkakataon siguro ay mag-tatatalon na ako sa tuwa pero dahil sa nakita ko kanina, I don’t know what to feel.
Kinaumagahan ay late akong nakapasok,Hindi na ako nakapag-almusal, hindi ko rin nainom ang vitamins ko. Nagtuturo na ang professor ko pero dirediretso akong pumasok at umupo sa bakanteng upuan sa gitna ni Jane at Cza.
Total Quality Management ang subject namin ngayon at mukhang wala sa mood ang Prof. ko kaya lahat kami ay tahimik. Pilitin ko mang intindihin ang itinuturo niya ay hindi ko pa rin maintindihan, nag-lalakbay ang isip ko, hindi ko alam na natulala na pala ako sa board kung hindi lang ako biglang binulungan ni Cza,.
“Anyare sayo? Magang-maga mata mo.” Yumuko ako bago siya pasimpleng binulungan pabalik, “Wala. Nasobrahan sa tulog.” “Wow naman! Ano ako grade school na maniniwala sa palusot mo? Utot mo blue.” Sagot niya. “Magtatanong ka tapos di ka maniniwala, Gago ka ba?"
Pag-angat ko ng tingin ay nanlilisik na mga mata ng Prof. ko ang sumalubong saakin. Mag-sasalita sana siya pero biglang may kumatok sa pintuan at kinailangan niyang lumabas.
“Ano bang pinagbubulungan nyong dalawa? Konti nalang bubuga ni si Sir ng apoy dahil sa gawa niyo.” Ani ni Jane na pasimpleng kumakain ng biscuit galing sa bag niya. “Wala. Baliw kasi to e. Tinatanong ko kung bakit namamaga mata, ayaw sumagot ng maayos.” Sumbong ni Cza, sabay kuha rin ng biscuit sa bag niya. Yung totoo? Break na ba? Dahil kung maka-kain ang dalawang ito ay akala mo hindi nanaman nag-almusal, sabagay kahit naman mag-almusal to ay ugali na nilang laging may nginunguya.
“Oo nga! Bakit ba kasi namamaga mata mo? Nag-substitute ka ba sa punching bag ni Pacquiao?” Tanong pa ni Jane. “Wala nga! Kulit niyo! Kumain na nga lang kayo.” Sagot ko naman.
Kung maari ay ayokong malaman ng iba ang dahilan ng pag-iyak ko. Naawa na nga ako sa sarili ko ayoko naming pati ibang tao ay kaawaan pa ako. “Si Ian lang naman ang dahilan kung bakit ka umiiyak, ano pa bang bago?” Sabi ni Cza, sabay tayo at pumuntang CR. Oo nga naman, lagi naman ganon. Si Ian lang naman lagi ang dahilan.
Pagbalik ng Prof. ko ay nagbigay lang siya ng handouts at seatwork. Nakailang ulit na ako sa pag-sagot ng case study na to pero hindi ko pa rin masagutan ng maayos. Iniisip ko kung ano na kaya ang ginagawa nila Ian ngayon? Naalala ko rin yung missed call niya kagabi, bakit kaya siya tumatawag? Did he miss me? Did he finally care? Nababaliw na ata ako! Bakit niya naman ako mamimiss? At kelan naman siya nagkaroon ng pakialam saakin? I must be really insane sa mga pinag-iisip ko.
Pinagpatuloy ko ang pag-susulat kahit na hindi ko na alam ang isinasagot ko dahil na rin sa ingay ng mga kaklase ko na ginawa ng Casino Royale ang room. Ika nga ng mga Almnus ay Tatak OM dahil nakaugalian na rin nila noon ang pag-susugal sa room kahit bawal.
Pilit kong tinapos ang case study pinapagawa saamin at nakipag-kulitan na rin ako sa mga kaklase ko. Nasa gitna kami ng tawanan dahil nagkaka-dayaan na sa taya ang mga manlalaro na dinadagdagan pa ng kantyawan ng biglang nag-ring ang telepono ko. Pagtingin ko ay si Ian ang tumatawag, dali-dali akong lumabas para sagutin.
Huminga muna ako ng mamalim bago sinagot, pag-sagot ko palang ay boses agad ni Ian ang narinig ko na mukhang kagagaling lang sa pag-tawa. “Hello, sarah? Are you at school? D—id I disturb you?” Tanong niya na mukhang may tinatawanan. “N-no. it’s okay. Bakit ka napatawag?” There’s a long pause bago siya sumagot ulit.
“Wala, just wanna ask kung kumusta ka? Si baby kumusta?” Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, kinukumusta niya ako? Is it real? Tinatanong niya kung kumusta ako? “I’m fine. I mean, we’re fine.” Sagot ko. Gusto ko rin sang tanungin kung kumusta na siya pero base palang sa boses niya ay halatang masaya sila. “Good. Take care of the baby.”
Maiksing tugon niya, naririnig ko sa kabilang linya ang pangungulit sakanya ni Ella. “Uh? Sige Sarah. Bye. Ingat.” Pagpapaalam niya at ibinaba na agad ang tawag. Yun na yon? Ganon lang iyon?
Lulugo-lugo akong bumalik sa loob ng classroom. My classmates are still laughing and throwing some nasty jokes. Babalik sana ako sa puwesto nila ng bigla akong nahilo, narinig ko pa ang pag-sigaw nila pero hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
BINABASA MO ANG
Like stars on earth
RomansaLove. Desperation. Friendship. Betrayal. Hurt. Sarah Dreigan Gonzales is an 18 year-old girl with simple life. Eversince she know's about the word "crush" there's only one guy that stuck on her mind, which she prefer to call "Star", He's a guy w...
