14

66 9 5
                                    

Natigilan kami sa pag-alis dahil sa pinag-gagawa ni Ian. I looked at KrisVi he's looking at me intently, "Ka -  kausapin ko lang." I said and open the door. Naglakad ako papalapit sa sasakyan ni Ian. Binababa nya ang salamin ng Ford ranger nya at kunot noong pinagkatitigan ako.  "Hop in." He said in an authorative tone. I frown, Ano bang pinagsasabi nito? At bakit ako sasama sakanya? "Sumakay ka na." Pag-uulit nya. "Aalis ako. at may kasama ako." Sagot ko at akmang tatalikuran na sya. "Mama told me na, kukunin mo ang check-up result mo. Cancel  your date. Uunahin mo pa bang makipag-date kesa malaman ang resulta ng checkup mo?" Hinarap ko sya, Anong date pinagsasabi nito? Kami ni KrisVi magdadate?  Tss. He must be out of his mind. "Doon na ako papunta ngayon. Kukunin ko yung result. Sasamahan ako ni Kris."  Yes, I already told to KrisVi na pupunta ako ng clinic. I dont need to tell him kung para saan dahil palagay ko ay alam na naman nya. Hindi ko na hinintay si Ian sumagot dahil naiirita lang ako sa pagmumukha nya, hindi ko pa rin nalilimutan yung sinabi nya saakin kagabi. Sumakay na ako sa sasakyan ni KrisVi, he didn't ask me  kung ano bang napag-usapan namin ni Ian pero nagtatanong ang mga tingin nya, I choose to ignore it. Nonsense naman kasi. Pinaandar nya ang sasakyan at habang papalayo kami ay nakita ko si Ian na tulala at nakasandal sa bumper ng kotse nya. Problema non? 

Habang nasa byahe ay nagkkwentuhan lang kami ni KrisVi. I ask him random questions at tuwing mag-tatanong sya saakin ay tanging sagot ko lang ay "Wala kang pake." Natutuwa kasi ako  tuwing sumisimangot sya at nag-po-pout tuwing binabara ko. Hahaha! He's really cute! He  keep on asking at lalo ko lang syang iniinis. Kaya mas lalo syang sumimangot, "Alam mo ang cute - cute mo." Sabi ko sakanya. Nakahinto kami ngayon dahil  red light. Umiwas sya ng tingin at lalong namula ang pisngi nya, hindi na ako nakatiis at pinaggigilan ko na ang pisngi nya. "A - aaray! Aray! Ansakit! Tama na!" He protest, pero mas lalo ko lang syang pinanggigilan. Tumigil lang ako ng nag-green lights na. "Grabe! Ang sakit ng pisngi ko! Namaga na ata!" Sabi nya habang nag-ddrive. "Hindi pa naman. Gusto mo pamagain ko na?" Natatawang tanong ko sakanya. Tiningan nya lang ako ng masama. I laughed on his expression. "Oyy! KrisVi! Gusto ko nung pastillas! Ayun oh!" Turo ko sa mamang nagtitinda sa tabi ng kalsada. "What?" Bingi naman ng lalaking to. "Gusto ko nung pastillas. Itabi mo yung sasakyan, bibili ako." Sagot ko. "No. Not that.  The other one you said." Alin ba yun? Ano ba sinasabi nito? "You call me what?" Sabi nya.napansin nya  siguro na nag-iisip ako. "Ah! KrisVi. Bakit? Ayaw mo? cute nga e."  I said while looking on the glass window. Ugh! Pastillas! "No. nakakatuwa lang. You made a pet name for me." He smiling like an idiot while saying that.  Itinabi nya ang sasakyan. "Para kasing an-chix ng dating pag Kris lang ang itatawag ko sayo." I answered him at dali-daling bumaba sa sasakyan. I bought  5 packs of pastillas. Heaven! Bumalik na ako sa sasakyan at sinubukan kong alukin si KrisVi. Tumanggi sya dahil baka daw kulang pa saakin. "Ang mean mo naman! Marami naman to!" Sagot ko, while pouting. He burstout laughing. Ayan na naman sya! Pinagtatawanan nanaman ako, dineadma ko nalang basta ako kumakain. 

Pagkarating namin sa clinic ay iniabot lang saakin ang check-up result at umalis na rin kami. Hindi na kami nag-tagal dahil pupunta pa kami ng park. Binili ko lang ang mga vitamins na kailangan ko.  We sat on the bench near the trees. Ansarap ng hangin dito! Napaka-fresh. I smile, matagal na rin ng huling nakapunta ako sa ganito.  Sa di kalayuan ay may nakita akong isang buong pamilya. Masaya silang naglalaro kasama ang anak nilang babae. Tumatakbo yung bata habang hinahabol sya ng Daddy nya, pinahinto naman sila nung Mommy dahil pupunasan ng pawis yung bata. Habang pinupunasan nya ang likod ng anak nya, bigla naman syang niyakap ng asawa nya patalikod at ninakawan ng halik sa pisngi. They looked happy and contented. Kami kaya? Magiging ganyan din? Nawala ako sa pag-iisip ng biglang nagsalita si KrisVi, "Kanina lang naka-ngiti ka, ngayon bigla ka nalang naiiyak." Nag-iwas ako ng tingin. "Pag di mo na kaya, andito lang ako. You can tell me everything." Dagdag pa nya. I don't want him to think na masyado akong kawawa, sapat na yung ako mismo kinakaawan ko na ang sarili ko. We stayed a little bit longer namasyal  kami sa buong park. We also found a wishing-well. Inaya ko syang mag-wish pero ayaw nya, pambata lang daw yun. Pero ng pinilit ko sya ay pumayag naman, sabay kaming nagwish at hinulog yung tig-pisong bariya na hawak namin. "Anong winish mo?" Tanong nya. "Wala. Hindi pwedeng sabihin baka di mag-katotoo." Sagot ko sakanya at inaya na syang umuwi. gabi na rin kasi. Habang nasa sasakyan kami, iniisip ko yung hiniling ko sa balon, kahit naman sabihin ko kay KrisVi yung wish ko hindi naman talaga magkakatotoo yun.

Makalipas ang ilang linggo ay nag-aya ang mga kaklase kong lumabas. Nagkaayos na rin kami nila Cza at Jane, hindi pa rin sila sang-ayon sa gusto kong mangyari pero hindi naman daw nila matitiis na tumagal ang tampuhan namin. Nagkita-kita kami sa Tully's , masaya kaming nag-uusap usap nila Shiela at ng iba ko pang kaklase habang padabog na dumadating si Jhoan. We asked her why, sabi nya ay hindi daw sya binati ni Emil -boyfriend nya-  ngayong Monthsarry nila, hindi rin daw ito makakapunta dahil nauna na daw mag-plano ang mga boys na maglalaro sila sa Mineski ngayong araw. Boys and their Heroes. I sighed, Bakit ba kasi hindi maiisp ng mga boys na kahit simpleng pagbati o pag-alala manlang sa ganitong okasyon ay malaki na ang impact saaming mga girls.

Marami kaming sinabi kay jhoan na baka may ihinandang sorpresa lang ang boyfriend nya or mamaya pa sya babatiin, pero alam naming lahat na nakalimutan yun ni Emil. Knowing that guy? Tsk. Hindi pa rin matigil si Jhoan sa kakaemote dahil ngayon daw ika-one year and eight months na monthsarry nila, tapos hindi manlang sya naalala. Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Cza, "Don't count the days,months or years that you are together. Cause maybe one-day it will be vanished. Instead, count the memories. It last forever and that is much better." Nabaling sakanya ang atensyon naming lahat, prenteng-prente syang nakaupo at umiinom ng frappe nya, tumigil sya ng mapansin nyang natahimik kaming lahat. Nag-angat sya ng tingin saamin habang nakakunot ang noo, "What?" Tanong nya, sabay-sabay kaming umiling habang pinipigilang matawa, Ang lakas kasi ng hugot nya. "Tss. natutunan ko lang yun sa baklang ice-cream." Pagpapaliwanag nya. Baklang icecream? meron ba non? Hindi na kami nagtanong pa dahil mamaya mairita nalang yan.

Nag-tagal pa kami ng ilang oras dahil sa  kakatawa at kwentuhan, nag-eemote rin kasi si Jane dahil sa mga kapatid nya. Aniya ay mas paboito daw ang mga kapatid nya kesa sakanya dahil mas malaking pringles daw yung binigay tapos yung sakanya ay maliit. Minsan talaga, baliw to e.  Naiiyak na rin sa kabwisitan si Jhoan dahil hindi pa rin daw nagpaparamdam si Emil, kaya mas minabuti naming wag ng pag-usapan pa ang tungkol sakanila. We decided to go home, around 9pm. Nag-taxi lang ako pag-uwi. Habang binubuksan ko ang gate ay may narinig akon bumuntong-hininga sa bandang likuran ko. Baka magnanakaw, holdaper o kung anong masamang ispirito ito kaya hindi ako lumilingon, napansin ko rin ang pag-galaw ng anino nya, Juice ko! Sisigaw na sana ako ng bigla syang nag-salita. "Sarah, can we talk?"  Pakiramdam ko ay tumigil ang buong paligid. Unti unti akong lumingon at nakita ko ang mga mata ni Ian na tila ba, nag-mamakaawang mag-usap kami.

---

Sabaw? Edi wow. Hahaha! Dejks. Sorry. 

Like stars on earthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon