25

63 3 2
                                    

I packed my things which I think will be enough for me. Gusto kong lumayo at makalimot kahit paano,  kaya napagdesisyonan ko na umalis muna. But that doesn't mean I give up. I just want to have a time,  alone. Nasa kalagitnaan pa lamang ng semester pero nagbakasyon na ako,  buti nalamang ay tapos na ang midterm exams namin. I need to have space, I need to breathe. Sa tuwing naalala ko ang tagpo sa ospital ay lalo akong nanghihina.


Matapos sabihin saakin ng aking Ina, na gising na si Ian at walang maalala ay nagpunta agad ako sa ospital.  Pagbaba ko pa lang sa saksakyan ay patakbo kong tinungo ang silid ni Ian, pagpasok ko  ay nakaupo sia sa kaniyang kama, nagkasalubong agad kami ng tingin at bakas sa kaniyang mukha ang pagtataka. Agad akong lumapit sakaniya at akmang yayakapin siya ng bigla siyang magsalita. "Sino ka?"

 

Tila ba nawala ang lahat ng lakas ko at tinangay ng hangin ang boses ko. Lalo nang nagsalita siya ulit. "P-pasensya ka na Miss, wala kasi ako masyadong maalala. Kaibigan ba kita?" Kasabay non ang pagbukas ng pinto at ng CR sa kwarto niya, lumbas si Ella at bakas sa mukha niya ang pagkadismaya ng makita niya ako. Agad siyang lumapit kay Ian, tila naman sawa ang kamay ni Ian at agad ipinulupot ang bisig niya sa beywang ni Ella. Iniwas ko ang aking tingin.  

 

"Miss? Okay ka lang?" Tanong ni Ian. Nag-uulap na ang paningin ko. Hinapit niya pa lalo si Ella  at tiningnan na tila ba naghihintay siya ng paliwanag. "I-an, Babe.A-ano.. Si Sarah—.Sya yung..."

 

 "Hindi mo ko natatandaan, Ian?" Putol ko sa kung ano mang pagpapaliwanag ni Ella.

 

"Ah. Miss? Kaunti lang kasi ang naalala ko. Si Ella siya yung Girlfriend ko. Uhm. Ikaw ba? Kaibigan ba kita?"  ipinilig niya ang kaniyang ulo na tila ba naiinip na siya sa pagtatanong kung sino ako.

 

"Si Ella, naalala mo siya?" Turo ko kay Ella na, hindi ko matukoy ang ekspresyon ng mukha.

 

"Y-yea?  She's my Girlfriend. Ipinakilala siya saakin ng mga Magulang ko kanina, sabi nila Girlfriend ko siya at nararamdaman ko naman." Pagpapaliwanag niya pero bakas sa mukha niya ang pagtataka.Marahil dahil sa pagtatanong ko "Ikaw ba? Kaano ano ba kita?" Dugtong pa niya.

 

Tiningnan ko ulit ang mga braso ni Ian na nakayakap kay Ella, Isang napakasakit na tanawin. Bago pa man tumulo ang luha ko ay pinahid ko na ito. "I...Am the.... Mother of your child." Pagtapos ko magsalita ay lumabas na ako. Natatakot ako sa maaring magiging reaksyon ni Ian sa sinabi ko.

 

After I finish packing my things ay tinawagan ko si KV.  Nang naikwento ko  kasi sakaniya ang pangyayari sa ospital ay saka nabuo ang plano ko na lumayo muna, and he volunteered na sa rest house nila sa Tarlac ako manatili. I agree since wala rin naman ako ibang mapuputahan. Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na siya at bumyahe na kami papuntang Tarlac.




Habang nasa biyahe ay tinawagan ko ang mga kaibigan ko, via conference call. Sabay lang naman nilang sinagot but Jane spoke first.


"Sarah! Asan ka? You haven't talk  to us, since  pagtapos ng exam, bigla ka nalang nawala!" Bago pa man ako makasagot ay nagsalita na si Cza.


"Hey! I'm playing Coc. Wait lang!" Bago pa namin siya mabungangaan ay nagsalita na ulit siya.  "Aattack lang ako! Promise!" Then, she hold the call.

 

"Adik." Sabay na sabi namin ni Jane. Na nagpatawa saamin. "Baliw talaga." Sabay ulit kami nagsalita kaya natawa ulit kami. Napatingin ako kay KV na natatawa din, and I mouthed why? But he just shrugged.


Tawa lang kami ng tawa ni Jane dahil sa mga isinagot niya nung exam then after 5 minutes ay bumalik na ulit si Cza, "Victory! 3 star! So? Ano na?" Natatawang sabi niya.


"OH? Anong gagawin namin kung 3 star ka? Mabubusog ba kami niyan?" Pambabara ni Jane.


"Heh! Epal!Puro ka kasi pagkain!" Sagot ni Cza. "Pero maiba tayo," Dugtong niya pa.


"Paano tayo maiiba? Ikaw lang naman ang kakaiba satin. Dapat sinabi mo, Maiba ako. Ganon, dapat!" Pambabasag ulit ni Jane.


"Ewan ko sayo! Baliw!" Ganti ni Cza. Di ko maiwasang di matawa  sa kabaliwan nilang dalawa. Nagulat ako sa biglang pag-busina ni KV dahil sa asong biglang tumawid sa kalsada. Mukhang narinig naman nung dalawa yung busina kaya nagtanong sila kung sino ang nasa byahe.


"Ako.. I, Uhm.. Actually.. On the way to Tarlac." Sagot ko. I braced myself dahil alam kong sisisgawan nila ako at bombombahin ng tanong pero nagulat ako dahil tinanong lang nila kung saan ako tutuloy doon at sino ang kasama ko.


"Si Kris. Sa rest house nila sa Tarlac ako pupunta but babalik din siya ng Manila. Inihatid niya lang ako. " Pagpapaliwanag ko.


"Can you give the phone to Kris?" Tanong ni Cza. Nagdalawang isip pa ako kung ibibgay ko ba o tatanungin ko muna siya kung bakit but ibinigay ko nalang kay KV. Isang kamay lang niya ngayon ang gamit niya sa pagddrive at yung kabila naman ay nakahawak sa cellphone. I just stare at hm habang kausap niya ang mga kaibigan ko.


"Yes. No. Mga ate ko at mga pinsan ko. Yea, I'll give you later. Okay, thanks." Yun  lang ang narinig ko at ibinaba niya na yung tawag bago ibinalik saakin. I don't want to be nosy pero gusto kong malaman ang pinag-usapan nila. Knowing that two, may mga sapak iyon.Kaya tinanong ko nalang si KV.


"Nothing. They're just concerned about you." Sagot niya


"Yun lang?" Tanong ko naman. Aba himala kung hindi siya kinulit nung dalawa.


"Yep! Kaya matulog ka muna. Pag-gising mo, andun na tayo." Sabi niya then he winked at me. Napanga-nga ako sa ginawa niya. "Baliw." Bulong ko.


"Narinig ko yun!" Sagot ni KV.


Napalingon naman ako sakaniya. "Talaga narinig mo?"


He nodded. "Edi congrats! Hindi ka bingi!" Napahalakhak ako ng nakita kong napalabi siya. Tawa ako ng tawa dahil namumula siya, kaya inasar  ko pa siya ng inasar, Sakto naman na red lights kaya huminto kami. Sinusundot sundot ko pa ang tagiliran niya.


"I like you." Bulong niya.


"Ha? Ano? Anong sabi mo?" Tanong ko, hindi ko naintindohan yung sinabi niya dahil ang lakas ng tawa ko.


"Wala. Sabi ko,  I'm glad to see you smiling, it suits you."  Sagot niya na ikinapula ng mukha ko.



Like stars on earthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon