27

61 1 0
                                    

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising kaya naligo muna ako, nagsuot lang ako ng simpleng loose –shirt at leggings, naglagay din ako ng lip balm dahil pakiramdam ko ay natutuyo ang labi ko dahil sa hangin. Nang makontento na ako sa itsura ko ay bumaba na ako. Nadatnan ko sila sa kusina, mukhang mag-uumpisa palang silang kumain Pinagmasdan ko muna sila, nagkukulitan at tawanan silang lahat, makikita mo na sakanila isa silang napakasayang pamilya. I wonder, if I can give that to this child in me.

Bago pa kung ano ano ang maisip ko ay lumapit na ako sakanila. "Uy! Si Princess Sarah!" Bati ni Erin.

Tumayo naman si KV at ipinaghila ako ng upuan. Bago pa man tuloy ako makaupo ay asaran na agad.

"Morning." Bulong ni KV saakin.    Nginitian ko naman siya.

"Ayiiee! Hehehe. Bulungan pa!" Asar ni Ate Ten. Nag-asaran pa sila hanggang sa dumating na si Ate PJ dala ang sinigang na baboy na ayon sakaniya ay secret recipe daw ng pamilya nila. Pagtapos magdasal ay nagsimula na kaming kumain at nag-asaran nanaman sila pero ngayon ay si Erin na ang inaasar nila. Kinukwento nya kasi yung crush niya daw na magaling kumanta at nagsusulat din ng mga kwento sa isang site sa internet.

"Totoo naman e! Binati niya talaga ako! Waah." Sagot niya na halatang kilig na kilig matapos siyang asarin ni KV na nag-iilusyon lang.

"Sige nga, bakit ka naman niya babatiin?" Tanong ni Ate Jayve.

"Kasi nga, Friendsarry namin nung 24!" Sagot naman ni Erin at ipinakita pa saamin ang mga screenshots ng mga bumati daw sakaniya.

Hanggang sa matapos kami kumain ay nag-aasaran pa rin sila, paminsan minsan ay tinatanong nila ako kung naniniwala daw ba ako kay Erin, nang di ako makasagot ay lalo siyang inasar pero nakakatuwa dahil mababasa mo sa mga chat nila na pala-kaibigan at mabait nga iyong "Ubeng" niya. Yun kasi ang tawagan nila.

Nagpresinta akong maghugas ng mga pinagkainan, nung una ay ayaw pa nila pumayag, anila ay bisita daw ako at mapapagod lang ako, pero nagpumilit ako at sinabing mas mapapagod ako kung walang gagawin.

Habang naghuhugas ako ay nagpupunas naman si KV ng lamesa. Sinabi ko na sakaniya na ako na ang gagawa at makipagkwentuhan na siya sa mga kapatid niya na ngayon ay kumakain ng salad sa kanilang hardin, pero ayaw niya tutulungan daw niya ako at sabay na kaming pupunta doon. Pinagbigyan ko na dahil di rin naman siya papayag na maiwan ako mag-isa sa kusina. Nang matapos siya maghugas ay tinanong niya ako kung saan ko daw ba gustong pumunta.

"Kahit saan, ngayon pa lang naman ako nakarating dito sa Tarlac." Sagot ko.

"Any particular place? Beach? Or anything?" Pangungulit pa niya.

"Basta kahit ano. Okay lang saakin." Nang napansin niyang wala naman talaga akong gustong puntahan ay sinabi niyang siya na daw ang bahala.

Matapos kong maghugaus ng mga pinggan ay pumunta na kami sa hardin. Kung maganda na yung mini-garden nila sa harap ay mas maganda yung nandito sa likod dahil mayroon silang green house at kubo, may duyan din sila na nasa ilalim ng malaking puno na nagsisilibing lilim dito. Gusto ko sana sa duyan pero nasa kubo sila kaya't dun ako pumunta.

Nagkuwentuhan lang kaming apat tungkol sa kung saan-saan. Nagpaalam kasi si KV na may pupuntahan. Napag-alaman ko na si Ate PJ lang pala ang nag-sstay dito sa Tarlac bilang worker sa DSWD, siya lang din ang tunay na kapatid ni KV sa ina. Si ate Ten at Ate Jayve ay sa Manila nag-tatrabaho, accountant at internet manager sa magkaibang kompanya. Si Erin at Franchette Louisse (FL) ay parehong estudyante sa mga prestisyosong paaralan sa manila. Umuwi sila dito nang mabalitaan daw nila na uuwi si KV at may kasamang babae. May kuya sila na nagtatrabaho sa Farm ng Uncle nila, siya yung tinutukoy ni Erin na amoy alak ang kwarto dahil libangan daw nito ang pag-inom ng alak. Di ko inaakalang sa Ama lang sila magkakapatid dahil kung titingnan ay para silang magkakasama lumaki.

"We grow up separately pero di naman kami gaya ng ibang pamilya na magkakagalit dahil sa mga may anak sa labas." Pagpapaliwanag ni ate Jayve.

"Nung una may ilangan pa pero nung nagtagal na, na nagkaka-kilala kami mas naging close pa kami." Ani ni ate Pj.

"Masyadong gwapo si Daddy e. Hahaha."Sabi ni Erin na umarteng nasusuka pa.

"Saka, The more, the merrier. Hehehehe" Dagdag pa ni Ate Ten.

Nagkwentuhan pa kami nang nagpaalam si Ate Pj na pupunta daw siya sa opisina dahil mayroong biglaang field case daw sila. Si ate Jayve at ate Ten naman ay may mga e-mails daw na kailangang sagutin. On leave sila pero kailangan pa rin sila sa trabaho. Si Erin naman ay lowbat na at abala sa ka-chat niya kaya nagpaalam na pupunta muna sa kwarto. May pasok siya pero katatapos palang din daw ng exams nila kaya unwind daw muna siya.

Umupo ako sa duyan at pinagmasdan ang mga bulaklak na nakapaligid dito. Naisip ko yung pamilya nila KV, iba-iba man sila ng ina pero yung closeness nila at pagmamahal sa bawat isa ay napakatatag. Paano kaya itong bata sa loob ko, paano kung mawala ako? Matatanggap kaya siya ng magiging pamilya ng ama niya? Mamahalin din kaya siya ng mga magiging kapatid niya? Bago pa ako mastress sa mga iniisip ko ay napag-pasiyahan kong mag-facebook muna. Eksaktong pagbukas ko ay nabasa ko na agad ang chat nila Jane at Cza.

Cza: Babae, kumusta ka diyan?

Me : Okay naman ako. Mababait yung mga kapatid ni KV.

Jane : Kelan ka babalik?

Me : Not sure. Give me 1 week or 2.

Nagtanong pa sila ng kung ano ano tungkol saakin, pinagkwento ko din sila sa mga lectures na na-missed ko sa school. They ask me to send a picture ng view, so I did. Hanggang sa malihis ang usapan dahil sa tanong ni Jane.

Jane: Maganda ba yung katawan ni KV?

Naalala ko tuloy kanina nung may nakita akong puno ng mangga at bigla akong nangasim, hinubad ni KV yung damit niya at ipinahawak saakin bago niya inakyat yung puno at ipinitas ako ng bunga.

Cza: Oh? Nawala ka na dyan.

Jane: Iniisip nya pa kasi yung isasagot niya. :D

Me: Mabagal kasi yung net. Sige na. Out na ko. Ingat kayo diyan.

I said, bago pa man sila makapagreply ay inoff ko na yung chat ko at nagscroll sa newsfeed. I saw Jhoan's post, picture nila ni Emil. I bet, they're back to each others arm, again. Bago kasi ako umalis ay nag-break sila. Then, I saw Julie's post, mukhang inlove nanaman ang loka. Habang libang na libang ako sa pagsscroll ay bigla nalang may umuga sa duyan na ikinagulat ko. I saw KV's grinning face.

"Mukhang masaya ka, ha?" Tanong niya.

Di ko siya sinagot. Di nagtagal ay tinabihan niya ako sa duyan. We sat in silence. Comfortable silence. I know, he wanted to ask about my decision, tungkol sa sitwasyon namin ni Ian but as long as I can avoid it, I will. Mas okay na yun, cause for now I want to breathe. Gusto kong kahit ngayon lang makalimot ako. Kahit na alam kong hindi pwedeng tumakas ako palagi.

Like stars on earthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon