prologue

259 12 4
                                    

"Uhm. Ian." , lumingon sya saakin pagsambit ko ng kanyang pangalan. Nagtatanong ang kanyang mga mata, kaya hindi ko na hinintay na magsalita pa sya, "u-uhm. Ano. B-Birthday ko kasi. 18Th birthday. Punta ka ha?". May mga lumilipad saaking tyan habang hinihintay ko ang sagot nya. "Kelan?" "A-ah. Mga one  week pa mula ngayon." Sagot ko, kahit na di ako makatingin ng maayos sakanya. "Tss. Antagal pa pala" saba'y talikod at alis nya sa harap ko. "Suplado" bulong ko habang pinagmamasdan syang naglalakad palayo. Pero okay na, di man sya pumayag at di man sya humindi, atleast nakausap ko sya.

"Hahahahahaha" malalakas na tawanan ng mga kaibigan ko ang naririnig ko habang palabas ako ng bahay. Unti unti akong lumapit sakanila, hanggang sa matanaw ko si Ian, ang gwapo nya! Mestiso, mapupula ang labi at halatang mabango kahit na simpleng short at T-shirt lang naman ang kanyang suot. Pasimple akong tumititig sakanya habang papalapit sya saamin. Hanggang sa nakadaan at nakalampas na sya saka lang ako nakahinga, di ko namalayan na pigil ko pala ang hininga ko habang papalapit sya.

Habang naglalakad ako pauwi galing sa skwela ay may narinig akong tumawatag sa pangalan ko. Mali, nang-aasar sa pangalan ko. "Sarah-do". Paglingon ko. Ang gwapong mukha lang naman ni Ian ang naaninag ko.

"Tss. Baliw" sabi ko bago nanunang maglakad sakanya. Pero ng nakalayo na ako , halos maglupasay ako sa kilig. Inasar lang naman ako ni Ian, na mahal ko na mula pagkabata.

Dalawang bahay lang ang pagitan ng tirahan namin ni Ian, may second floor sila, kaya naman sa tuwing tumitingala ako pawang mga bituin lang ang aking natatanaw. Ang bituin na ang lapit kung titingnan, ngunit napakalayo kung hahawakan. Napakaliwanag ngunit nakakasilaw kung malapitan. Anggandang titigan ngunit nakakapasong hawakan. Ang bituin na tanging sa pangarap ay di ko mahahagkan.

Like stars on earthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon