26

39 1 0
                                    

Saktong alas dose nang gabi kami nakarating sa Tarlac. Pawang ilaw sa labas ng rest house nalang nila KV ang nakabukas, malamig na simoy na hangin ang bumungad saakin pagababa ko ng sasakyan. Harapan palang ng kanilang bahay bakasyunan ay magaan na ang pakiramdam ko, tila ba naapakagaan ng aura ng bahay nila.

Naunang bumaba sa sasakyan si KV at agad akong pinagbuksan ng pintuan. "Maybe they are all asleep. Hindi na nila tayo napagbukan ng gate."

"It's okay. Uhm. Sure ka ba talaga na okay lang?" Tanong ko.

"I told you many times, It's okay. Really. They will be happy if they met you." Paninigurado niya.

Habang nasa byahe kasi kami ay di ko maiwasan na magtanong kung ayos lang ba talaga sa pamilya niya na makikituloy ako, kaya't paulit-ulit din siya sa pagsagot.

Kinuha ko ang bag pack ko sa passenger seat habang si KV ay abala sa pagtipa ng kaniyang telepono. Maya maya lang ay naglakad na kami papalapit sa entrada ng kanilang bahay. Mayroong mahabang pasilyo na napapalibutan ng ibat't ibang mga halaman na namumulaklak bago makarating sa pintuan ng kanilang bahay, ng akmang bubuksan niya na ang pintuan ay bigla itong bumukas at malalaking ngiti ng apat na kababaihan ang bumungad saamin.

"OH MY GGGGGGGGGGGG!"

"Welcome home. Aheehehehe!"

"Oyy! Bebe"

"Bro!"

Sabay-sabay na pagbati nila. Pagtapos ay bigla nalamang nila ako hinila papasok. Nag-aalangan na tumingin naman ako kay KV pero tanging maliit na ngiti at pagtango lamang ang binigay niya.

"Ikaw si Sarah, diba? Ang munting prinsesa?" Sabi nung babaeng may matinis na boses, siya din ata iyong sumigaw ng OMG kanina. "Ako si Erin." Dagdag pa niya. Tila tuwang tuwa naman siya sa biro niya. Bago pa ako makasagot ay may nagasalita na "Baliw talaga to! Hehehe. Ako si ate Ten." Siya naman yung nagwelcome home kanina dahil sa tawa niya pa lang ay malalaman mo na. "Ten siya ha? Hindi nine." Sabat naman nung Erin. "Hehehe. Baliw! Last mo na yan, Joshua. Ha?" Balik asar naman nung Ten.

Sasagot pa sana ulit yung Erin pero pinigil na sila nung babaeng blonde ang buhok, Siya yung bumati ng bro kanina, mukha kase siyang astigin pero anliit ng mukha niya. "Napakadaldal ng mga to." Saway niya."Ako si Jayve." Baling nya saakin habang ngumingiti na tila nang-aasar. "Hi bebe." Bati naman nung babeng may salamin. Kung titingnan ay mukha siyang mataray dahil sa nanliit niyang mga mata at sa boses niya pero kabaliktaran naman ng pakikitungo niya. Bigla kasi siyang kumapit sa braso ko, "Ako si ate PJ." Pakgpapakilala niya. Naalala ko ang pangalan niya, siya iyong ate na kinukwento ni KV. Tanging ngiti lamang ang naisasagot ko sakanila. Andadaldal kasi nila pero nakakatuwa sila pakinggan. Marami pa silang itinanong saakin habang nag-kakape sila at ako naman ay gatas, ayaw kasi nila ako painumin ng kape dahil mas mabuti daw sa buntis ang gatas.

Hindi ko na namalayan ang oras dahil nag-eenjoy ako sa pakikipag-kwentuhan sakanila. Ngunit nagpumilt na si KV na patulugin ako at pwede pa naman daw kami mag kuwentuhan sa susunod na mga araw.

"Ang KJ naman nito! Hmp!" Pagtatampo ni Erin.

"Madaling araw na. Pwede naman kayo magkuwentuhan ulit mamaya. Ano ba yung—" Naputol na yung sasabihin ni KV dahil hinila na ako ni Erin papunta ata sa kwarto niya?

"Dyan ka na nga, Krisanto!" Asar ni Erin sabay dila. Di ko naman mapgilang matawa sa tinawag sakaniya. Krisanto? Pfft.. Namula naman ang pisngi ni KV.

"Ate! Si erin oh!" Sumbong niya sa mga ate niya. Pang-apat si KV sa kanila sumunod si Erin.

"Naku! Magtigil nga kayong dalawa!" Saway ni Ate PJ. Pearl Joy talaga ang pangalan niya.

"Mga baliw." Sabat naman ni Ate Ten.

"Haay, nako! Magsitulog na nga tayo." Sabin ni Ate Jayve. "Saan nga pala matutulog si Sarah?" Dagdag pa niya.

"Heheehe. Sa kwarto ni Kris!" Bulong ni Ate Ten pero narinig ko naman dahil malapit lang siya saakin.

"Walang bakanteng kwarto dahil yung kwarto ni FL ay napakaraming libro at mga papel na gabundok sa dami." Tukoy ni ate Pj sa bunso nilang kapatid na ayon sa kwento nila ay nagpapaka-dalubhasa daw sa medisina kaya di sumama sa pag-uwi.

"Tabi kami! Sa kwarto ko!" Sigaw naman ni Erin.

"Hindi pwede. Magulo ka matulog, baka madaganan mo si Baby!" Sagot naman ni KV. Hindi ko maintindihan pero namula ako sa sinabi niya para kasing talagang iniingatan niya kami. Buti at kami nalang ang naiwan sa sala dahil naglliligpit sa kusina si ate Ten at kumukuha naman ng mga kumot sila Ate Jayve at Pj.

"Oh? Edi sige, saan?" Tanong ni Erin. Sa totoo ay nahihiya na ako dahil nagtatalo sila dahil saakin, sasagot na sana ako pero bigla naman lumapit saakin si KV at hinila na ako papunta sa silid.

"Sa kwarto ko siya, matutulog. Dun ako sa kwarto ni Kuya Vin, matutulog." Sagot niya kay Erin habang patuloy kami sa paglalakad.

"Argh! Ang daya! Pwede naman sa kwarto ko e! Sige, dun ka sa kwarto ni Kuya, amoy alak dun!" Sigaw pa ni Erin.

"Wag mo na pansinin yun. Baliw yun." Baling ni KV saakin. Nasa ikalawang palapag ang kwarto niya. Pagbukas niya ng pinto ay nakita ko na agad ang mga gamit ko. "Dito ko na talaga nilagay yung mga gamit mo dahil dito na talaga kita balak patulugin." Paliwanag niya.

"Uhm.. Thankyou KV. Nakakahiya sainyo pero salamat talaga." Sagot ko habang tinititigan siya.

"Kanina ka pa nagpapasalamat ha?" Ngiti niya sabay kurot sa pisngi ko. "Matulog ka na, andyan lang ako sa kabilang kwarto, hindi koi lo-lock yung pinto ko para pag may kailangan ka madali ka makapasok o kaya sumigaw ka nalang." Sabi niya pa.

Nakaupo ako sa kama niya na napakalambot habang siya ay sinisiguradong nakalock na ang mga bintana. Pinagmamasdan ko lang siya. Hindi ko mahanap ang mga salitang dapat sabihin ko sakaniya, pakiramdam ko ay kulang ang salamat para maipaliwanag ang galak na nararamdaman ko. Nang napansin niyang tinitingnan ko lang siya ay lumapit agad siya saakin, bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Okay ka lang ba? May masakit ba?" Tanong niya nang nakalapit na siya saakin. Naiiyak ako kaya natatakot ako na mag-salita, kaya sa halip na sagutin siya ay tumayo ako at niyakap ko na lang siya. I don't know but I just have the feeling na kailangan ko siyang yakapin. Mukhang nagulat siya pero nang nakabawi ay yinakap niya naman ako pabalik. "Hey, okay ka lang ba talaga?" Tumango ako habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Hinahaplos niya ang buhok ko, at sa ginagawa niya ay lalong akong naiiyak. Kaya mas isiniksik ko pa ang sarili ko sakaniya.

Hindi ko alam kung gano na kami katagal na magkayakap, inaantok na rin ako pero ayokong bitawan siya. Patuloy lang siya sa paghaplos sa buhok ko. Malapit na akong makatulog kung di lang sa may tumikhim. Dali dali kong tinulak si KV at nahihiya naman akong lumingon sa kung sino man ang dumating.

"Ah. Ano. I-Ah. Uhm.. Eherm. Ihahatid ko lang tong mga kumot at unan." Sabi ni Ate Jayve Nahihiyang lumapit naman ako sakaniya at kinuha ang mga dala niya. "S-salamat po." Sagot ko. Nangingiti naman siya at nagpaalam na "Sige, alis na ko. Patuloy niyo na yun." Sabi niya at patakbong umalis. Pakiramdam ko ay mas lalo akong nahiya. Paglingon ko kay KV ay nakapikit siya at halatang nagpipigil ng ngiti. Sa inis ko ay binato ko sakaniya yung unan at tuluyan na siyang humalakhak.

"Sorry, Can't help it. Ang cute mo kasi lalo kapag nahihiya." Sabi niya habang tumatawa pa din.

"Ewan ko sayo!" Irap ko. Lalo lang siya natawa sa sagot ko. "Argh! Isa, KV! Pag di ka talaga tumigil ibabato ko pa sayo tong kumot." Banta ko. Nahihirapan man ay tumigil na siya sa pagtawa at pinulot ang unan na binato ko sakaniya.

"Sige na. Pfft.. Di na ko tatawa. Mahiga ka na." Sabi niya pero bakas sa mukha niya na natatawa pa rin siya. Hinablot ko sakaniya ang unan at humiga na ako patalikod sa puwesto niya at nagtakip ng kumot sa buong katawan. Inayos ni KV ang kumot at pinatay niya na ang ilaw at binuksan ang lampshade sa gilid ng kama.

"Goodnight." Bulong niya bago lumabas sa silid.

Like stars on earthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon