10

92 10 14
                                    

Nagtagal pa ako ng 2 araw sa ospital. Matinding pagpapahinga kasi ang kinailangan ko, nakapatagal pa ang pagkabit ng swero saakin dahil sa dehydration. I felt so weak, that time. Bukod sa hindi ko pa kayang sabihin sa magulang ko ay hindi pa rin matanggap mg sistema ko na nagdadalang tao na ako.  I swear to all Gods, hindi ito kasama sa plano ko. All I want is to get Ian's attention. Yun lang. Call me childish,  but the hell I care!  Nag-mahal lang ako. Pag nagmahal ka kasama non ang pagiging tanga,  hindi mo masasabi na matalino ka kaya di ka naging tanga. Likas na kasi sa mga tao na, once you get inlove ibibigay mo lahat kahit na wala ng matira para sa sarili mo. Yun ang totoo, Wag na tayong magpaka-impokrito. But i know, it's not an excuse. Hindi ko pupwedeng sabihing dahilan yun sa pamilya ko, lalo na kay Ian. Malamang sa alamang, mas mapapatunayan nya na pnlano ko nga ito. Gaya ng pag-aakusa nya saakin. "Ian, paano kung malaman ng g-girlfriend mo ang nangyari saatin? at iwan ka nya. Anong gagawin mo? " tanong ko sakanya. "Hindi nya malalaman at wala akong balak ipaalam." Sagot nya. "Pero Ian, h-hindi ba may pananagutan ka na saakin mula ng may m-m-mangyari iyo saatin." I looked down. Ayokong makita ang bakas ng pagkainis nya dahil sa paguungkat ko ng issue na ito. Tumawa sya ng pagak at  "Alam mo bang napaka-imposible na nangyari yun saatin ng walang dahilan?" Sinabi nya iyon ng nagkaroon kami ng family gathering ,kung saan dumalo rin ang pamilya nya dahil malapit na magkakaibigan ang aming mga pamilya. "Napaka-imposible kasi na si Ella ang kasama ko tapos biglang tayo ang nagkasama." Mukha syang nahulog sa malalim na pagiisip. Nakamasid lamang ako sakanya. "o baka pnlano mo ang lahat? " I am dumbfounded by what he say. H-hindi ma-a-aring. H-hindi!  Hindi nya pwedeng malaman. Pinilit kong tumingin sakanya ng diretso at patatagin ang boses ko. "A-anong pinagsasabi mo Ian? At bakit ko naman pplanuhin ang ganong bagay?"  Umiwas sya ng tingin saka sumagot. "Malay ko, Sarah. Pero kahit ano pa man yan. Wala akong balak paninidigan ka." Inis na inis syang tumalikod saakin at naglakad palayo. Makailang beses pa naulit ang ganong pangyayari. Makailang beses ako lumapit sakanya at nakiusap na panindigan nya ako,  pero makailang beses rin syang tumanggi. 

 Alam kong kahit saan naman kasi ay may mga pagkakataon talagang nakakapagod at nakakasawa pero sa huli hahanap-hanapin mo  parin. Pero ang pangyayaring ito ay hindi ko  inaasahan. Paano ko sasabihin sakanya? Makakayanan ko kaya na pati ang batang ito ay hindi nya tanggapin? Malamang hindi, kung sarili ko pa nga lang ayaw nya ng tanggapin paano nalang itong isang to? Kaya ng nagkaroon ako ng pagkakataong lumabas ay sinamantala ko ng maghanap ng makakatulong saakin para masolusyonan ang problemang ito. Hindi ko kayang sabihin sa pamilya ko na nagdadalang-tao na ako sa murang edad pa lamang, marami silang pangarap para saakin at hindi ko sila pwedeng biguin, ayoko. Malamang sa gagawin kong ito ay nakasangla na sa kamay ni satanas ang kaluluwa ko,but i don't have any choice. Wala na akong ibang paraan na naiisip kundi ang ipalaglag ang batang ito. 

Buong-buo na ang desisyon ko at wala ng makakapigil pa saakin na gawin ito. Habang nasa taxi ako papunta sa lugar na inirekomenda saakin ng isang kakilala ko ay biglang tumunog ang cellpone ko, ayoko sanang tingnan kung sino ang tumatawag dahil baka sila mama ang tumatawag, hindi kasi ako nagpaalam na aalis ako. Papatayin ko na sana ang cellphone ko na walang tigil sa kakatunong ng mapansin ko na isang uknown number ang tumatawag. Sinagot ko, ngunit hindi agad ako nag-salita hinintay ko na maunang magsalita ang nasa kabilang linya. Isang malalim na paghinga ang narinig ko, paghinga pa lang ay kilala na ng mga kulisap na nasa tiyan ko kung sino ito. Matapos ng mahabang katahimikan ay saka lamang sya nagsalita. "Sarah." Naiiyak ako. Base kasi sa tinig nya ay alam ko na. "Mag-usap tayo." Pinipigil ko ang luhang nagbabadyang umalpas saaking mga mata. "P-para saan, Ian?" Mahabang katahimikan ang namutawi saamin. Isang malalim na paghinga muli ang binitawan nya bago nagsalita, "Alam mo na kung para saan." Hindi ko alam kung itatago ko pa rin ba sakanya ito  o sasabihin ko na. "H-hindi ko alam ang sinasabi m-m-o." pilit kong pinapatibay ang tinig ko. Ayokong malaman nya na nanghihina  ako. "Sarah, wag mo ng itago. I know w-what happened. Please."  Nabasag ang tinig nya pagkasambit ng huling salita. "Ian, sorry." Hinidi ko na napigilang humikbi. "Hindi ko ito ginusto.Hindi." Hikbi ko. "I know. Pareho nating hindi ginusto ang mga nangyari. Kaya please, Asan ka? mag-usap tayo." Sagot nya. "Tatanggapin mo ba ako ian?" Balik na tanong ko sakanya. "Y-yung b-bata. Oo. Papanindigan ko." Sagot nya na parang natataranta. "Hindi lang yung bata, Ian. Ako mismo." Sagot ko. "Sarah, mag-usap nalang tayo ng harapan. Pag-usapan natin to." Hindi nya man diretsong sinabi na, hindi nya parin ako tatanggapin ay alam ko na. Ramdam ko. Mapait akong tumawa at sinagot sya, "S-sorry Ian, Hindi lang yng bata ang k-kailangan mon panindigan kung sakali. Pati ako." Narinig kong nagmura sya sa kabilang linya, "Sarah, Listen! May girlfriend ako. P-please! Mag-usap tayo. Pag-usapan natin ito."  So, kahit magkaka-anak na kami ay yung babaeng yun pa rin ang iniisip nya. Nakakatawa. Ang sakit . "Wala na tayong dapat pag-usapan, Ian. Buo na ang desisyon ko. Ipapalaglag ko ang bata." Sagot ko. Papatayin ko na sana ang tawag ng mabilis syang sumigaw. "Putangina! Walang kinalaman ang bata! Wag mong gawin to! Gagawin ko lahat ng gusto mo. Wag mo lang ituloy ang binabalak mo." Lahat? Gagawin nya ang lahat? "Lahat Ian? Lahat-lahat?" Tanong ko. Huminga sya ng malalim at sumagot sa mababang tinig na oo.  "Marry me, then." Hamon ko sakanya at sinabi sa driver  na ihatid na ako pauwi. 

Like stars on earthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon