23

51 3 0
                                    

"Kung ayaw na. Ayaw na. Wag mo nang pilitin pa. Pagod ka na, pero gusto mo pa?  Sino tanga?"  Yan ang sigaw saakin ni Cza matapos kong sabihin sakanila ang nangyari. Pagod na rin ako pero ayokong tuluyan mawala saakin si Ian. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagsagot sa case study ko.

Pumasok na kasi ako ulit sa school, at pag - uwian naman ay sa ospital na ako dumidiretso. Minsan ay naabutan ko doon si Ella pero umaalis din siya pag andun na ako. Hindi kami nag-uusap tanging masasamang tingin lang ipinupukol niya saakin. Hindi ko rin alam kung payag na nga ba siya na nasa tabi lang ako ni Ian, pero kahit hindi naman siya pumayag ay hindi pa rin ako aalis sa tabi ni Ian. We’re getting married, right? Kaya may karapatan ako.

“Sarah, pano pag nagising na si Ian. Ano nang gagawin mo? I mean, ano ang plano mo?” Tanong saakin ni Jane. Napaisip ako sa tanong niya, dahil kahit ako, hindi ko alam kung ano nga ba. Tanging ang naiisip ko lang ay sana magkamalay na siya. Tumingin ako kay Jane naghihintay siya ng sagot ko, “Wala. Wala pa. Basta ang gusto ko lang ay gumising na siya.”

Months had passed. Ganoon pa rin.  Hindi pa rin nagkakamalay si Ian. Tuwing tatanungin naman namin ang Doktor ay lagi niya lang sinasabi na maghintay lang daw kami.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Ian, unti-unti na itong bumabalik sa dati. Nawawala na ang mga pasa niya. Napangiti ako, hinihiling ko na sana sakaniya mag-mana ang magiging anak namin. Mapupulang labi, matangos na ilong, at  mahahabang pilikmata. Hinaplos ko ang aking tiyan, iniisip ko kung ano na ang magiging buhay namin paglabas niya. Mabibigyan ko kaya siya ng kumpletong pamilya? Magiging matiwasay kaya ang pamumuhay namin?  Magkakaroon kaya siya ng masaya at nagmamahalang mga magulang? Alam kong sa ngayon ay hndi ko pa masasagot ang mga iyan ngunit kailangan ko ng paghandaan.Natatakot man ako sa kahihinatnan nang magiging buhay namin, kailangan ko parin harapin iyon.

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako habang pinagmamasdan si Ian, nagising nalang ako dahil sa mga taong nasa paligid ko. Pagmulat ko ay nakita ko si Mama na kinakausap ang mga magulang ni Ian, mukhang seryoso ang pinaguusapan nila at mukhang may pinagtataluhan sila nang napansin nilang gising na ako ay nanahimik sila.

“Iha, sorry. Nagising ka ba namin?” Tanong ng mama ni Ian saakin.

Hindi ko inaasahan na magkikita kami ngayon ng mga magulang ni Ian, sa tinagal tagal kasi ng pagsstay ko dito ay hindi naman kami nagpapang-abot. Sa tuwing darating ako at nandito sila ay bigla nalamang sila aalis o di kaya naman ay pag-andito na ako at darating sila ay di sila nagtatagal at umaalis din agad. Kaya’t hindi pa kami nakakapag-usap.

“Hindi po tita. Hindi ko rin naman po namalayan nakatulog na pala ako. Kanina pa po ba kayo?” Sagot ko. Gusto ko sanang itanong kung ano ang pinagtataluhan nila kanina ngunit di ko na ginawa.

“Hindi anak, halos kakarating lang din namin.” Sabi ni mama, at pasimpleng sinulyapan ang mga magulang ni Ian. “Gutom ka na ba?” Dagdag pa ni mama.

“No, ma. Okay  lang  po ako. Where’s papa?”  Tumayo ako para  magmano sa mga magulang  ni Ian. Ngunit bago pa ako  makalapit sa papa ni Ian ay lumabas na siya ng pinto.

Tumikhim si mama bago sinabing nasa trabaho pa si papa. Nagtatakang lumingon naman ako sa mama ni Ian. “Pasensya na Hija, stress lang ang tito mo.”  Ngumiti ako sakaniya at sinabing ayos lang at naiintindihan ko. Pero sa loob loob ko ay hindi ko naiintindihan kung bakit ganon nalang ang inasta niya saakin . May naiisip akong maaring dahilan ngunit ayokong kumpirmahin iyon.

Like stars on earthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon