How I wish I could turn back to the time wherein only candies and toys can turn my world upside down. Nais kong bumalik sa panahong napaka simple lang ng buhay na nais ko, yung panahong laruan lang ang gusto ko, kendi lang ang hinihingi ko, pag-kamatay lang ng bida sa paborito kong cartoons ang nag-papaiyak saakin at sa pagtulog ay tanging ang kwentong pampatuog lang ang iniisip ko. Gusto ko yung buhay na magaan at hindi komplikado. Hindi yung ganito, pero may magagawa pa ba ako? Hindi ko naman maaring pakiusapan ang tadhana na ibalik ako sa nakaraan. Tanging ang magagawa ko nalang ay harapin at panindigan. Tama nga na sa buhay bago ka gumawa ng desisyon ay kailangang isipin mo ang mas nakakarami kesa sarili mo lamang, Maari kasi na sa sarili mo iniisip mo na makakabuti iyon pero sa iba ay malaki ang pagkasirang maidudulot nito. Sometimes even the smallest thing can cause an infinite destruction. But for Ian? I do anything. I'd do anything for him. Kill anyone for him, even that anyone is me.
Nakaka-tanga na kahit nalaman ko na ang dahilan kung bakit nawala si Ian ng ilang araw ay hinahangad ko pa rin na dadarating sya dito sa bahay para dalawin ako. Anak nya rin naman ang dinadala ko. Kahit na sabihing pinilano ko nga ito ay dalawa na kaming bumuo nito. Hindi naman pwedeng ako lang ang nasiyahan habang ginagawa namin ito dahil naka-buo nga kami. Nababaliw na ata ako. Kung ano-ano nalang ang naiisip ko. Kaya minabuti kong umalis nalang at magpunta sa bar, 5:30 palang pero andito na ako. This is my first time, maaga pa kaya kaunti palang ang mga tao. Hindi ko alam kung bakit dito ako napadpad tanging ang gusto ko lang ay makalimot at sa palagay ko alak ang makakatulong saakin. I drank 2 shots of vodka, straight. I laughed bitterly, remembering that vodka rin ang ininom ko noong birthday ko kaya ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumapit kay Ian. Tanginang vodka! Uminom lang ako ng uminom hanggang sa mamanhid na ang labi ko sa lasa ng iniinom ko sana pati puso ko mamanhid na rin.
Nakakapagod na. Akala ko pumayag sya mag-pakasal dahil kahit papano ay binigyan nya rin ako, kami ng pag-kakataon. Pero tangina, mali pala ako. Umaasa pala ako sa wala. Nung araw na sinabi ko iyon sakanya pwede naman na nung naka-uwi na ako ay bawiin nya na ang sinabi nya, pero ano? pero anong ginawa nya? Hindi ba sya pa mismo ang nag-sabi sa tatay nya na papaksalan nya ako. Hindi ko namalayan na kanina pa ako umiiyak kung hindi lang sa lalaking lumapit saakin at naglahad ng panyo. I stare at him blankly. Anong magagawa ng panyo nya? Pag pinunasan ko ba ang luha ko ay hindi na ako iiyak ulit? Sa isip-isip ko. Hindi ko nalang sya pinansin at itunuon ko ang atensyon ko sa basong nasa harap ko. Akala ko ay aalis na sya pero mas nilapit nya pa ang panyo sa mukha ko. Yung totoo? Ano bang problema ng lalaking to? De-deadmahin ko na sana sya ulit pero bago ko pa magawa ay nag-salita na sya, " Miss, punasan mo luha mo." Seriously? Ano bang pakialam nito? "Ano bang pake mo? Tss. Umalis ka nga!" Bulyaw ko. "Punasan mo luha mo. Muka kang tanga e." What the fuck? Lalo akong naiyak. Walanghiyang lalaki to! Alam ko na yun e! Alam kong tanga ako. Kailangan nya pa ipamukha? Umiyak lang ako ng umiyak habang nakatingin sakanya. "Miss! Look, Stop crying! Akala nila pinapaiyak kita." Sabi ni kuyang feeling close. "Wala akong pakialam! Naiwan pake ko nung 2014!" Sabi ko at patuloy lang akong umiiyak. "Miss mukha kang tanga! Tumigil ka na nga." He said with an irritated look. Sya pa naiirita, sya na nga tong feeling close. 'Ano ba? Kanina ka pa ha! Oo na, alam ko ng tanga ako! pauit-ulit?" I shout at him. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami dito. Oh e bakit? Kasalanan ng epal na to! Pero mukhang sya yung nahiya dahil bigla nalang nya ako hinila palabas ng bar. Good thing, naka flat shoes and jeggings ako dahil kung hindi kanina pa ako gumulong-gulong dahil sa bilis ng paglalakad ng FC na to. Hingal na hingal ako ng tumigil kami sa paglalakad este sa paghila nya saakin. "Ano bang problema mo?! Maka-hila ka, close tayo?" Sigaw ko. Nawala ata yung tama ko sa ininom ko kanina dahil sa pesteng FC na to. "HAHAHAHAHAHA!" Tawa nya. ahy aba! Maka-tawa to akala mo wala ng bukas. Lalong nangunot ang noo ko. Baliw ata tong FC na to. Aalis na sana ako dahil baka bukas pa sya matapos katatawa pero bago pa ko maka-layo ay hinila nya na ako. Nagulat ako pero mas nagulat ako sa sinabi nya "I can be your shoulder to cry on, I can lend you my ears if you need someone to listen, I can give you my time if others dont." I stare at him with wide eyes. Makalipas ang ilang minuto ay magsasalita na sana ako para sabihin na napaka-FC nya pero bago ko pa masabi ang sasabihin ko ay naduwal na ako. "Oh! shit!" Sabi nya at agad akong dinaluhan.
Matapos ng embarassing moment ko (pag-susuka ko sa harap nya) ay dinala nya ako sa isang coffee shop. Hindi na ako umangal dahil mukhang kailangan ko din ng kape para mahimasmasan. 11 pm na pala. Hindi ko namalayan. Sabagay wala namang maghahanap saakin. I brushed away that thought but there's a part of me na umaasang hahanapin ako ni Ian. Naputol ang pag-da-drama ko ng dumating na si kuyang FC dala ang isang cup ng kape, inaabot nya saakin yun at walang atubiling hinigop ko iyon. Namula ang buong mukha ko. Bigla kong nailuwa ang iniinom ko at pinunasan ng tissue ang bibig ko. Buti nlang may tubig na nakalagay sa mesa. Ininom ko yun ng walang hingahan. Nakalimutan kong kape nga pala ito, mainit. Pag-kaamoy ko palang kasi ay natakam na ako. Halata namang nagulat tong lalaking nasa harapan ko at hindi kaagad nakahuma sa nangyari. Makalipas ang ilang sandali ay bumunghalit sya ng tawa. Hawak-hawak nya pa ang tyan nya habang pinipilit magsalita. "T-tanga" Sabi nya at tumawa ulit ng malakas. Bwisit na to! Kanina pa ako nito pinagtatawanan. Kanina nya pa din sinasabi na tanga ako! Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Para naman syang nagulat ng nakita nyang umiiyak ako. "H-hoy! Halaa! Umiiyak ka nanaman." Sabi nya halatang natataranta. "Kasalanan mo! Kanina mo pa ako sinasabihan na tanga. Alam ko namang tanga ako e. Inuulit-ulit mo pa!" Sisigok sigok na sagot ko. Mukha syang nagulat pero agad din nakabawi. "S-sorry. H-hindi ko sinasadya. Ang bilis mo naman maiyak. P-para yun lang." Sabi nya. Pesteng mga luha to. Nag-uunahan nanaman sa pagbagsak. "Para yun lang?Yun lang? Yun lang, ha? Alam mo ba ang pakiramdam ng mag mukhang-tanga, ha? Ha?" Sagot ko at di ko na mapiglan ang pag-iyak. "S-sorry na! Ang sensitive mo naman! Buntis ka ba? Ganyan ka-sensitive si aling Bebang nung buntis e." Bigla akong natigilan sa tanong nya. Buntis nga pala ako. At dahil sa pesteng batang to kaya mas lalong nagkanda-leche-leche buhay ko. Pero kahit na ganon, kailangan ko ang batang to para maisakatuparan ang plano ko. Ang makuha si Ian at mahalin nya ako.
Nilingon ko ang lalaking kaharap na halatang nag-hihintay ng sagot ko. "May kotse ka ba?" Para naman syang naguluhan pero sumagot din. "Oo. M - meron." Inayos ko ang sarili ko at sinabi sakanya na ihatid ako sa bahay namin. Hindi naman sya nakatanggi dahil sinabi kong kapalit yun ng pagtawag nya saakin ng tanga. Habang nasa byahe kami ay hindi ako nag-sasalita iniisip ko kasi nung nawala si Ian at umalis kasama si Ella, ano kaya ang ginawa nila? Masaya kaya sila? Nakipaghiwalay na ba si Ian? O nagbago na ba ang isip ni Ian at hindi nya na ako papakasalan? Nawala ako sa pag-iisip ng biglang may pumitik sa noo ko. Sino pa nga ba gagawa non? E kaming dalawa lang naman ng lalaking FC na to ang mag-kasama. Nilingon ko sya ng nakakunot ang noo. "Kanina pa kita kinakausap. Tinatanong ko kung taga-saan ka ba?" Sabi nya. Sinabi ko naman sakanya kung taga-saan ako, hindi ko na kailangang ituro ang direksyon dahil may GPS naman itong sasakyan nya. Babalik na sana ako sa pag-iisip ng bigla ulit syang nagsalita. "Hindi pa tayo magka-kilala. I'm Kris. You?" Sasagutin ko na sana nya na wala akong pake kung sino sya pero bigla ako natawa sa pangalan nya. "Pfft~ Kris? As in K-R-I-S? Kris Aquino?" Hindi ko na napigilang tumawa. Sumimangot sya at biglang sinabi ang buong pangalan nya. "My name is Kris Vincent Dela Cruz." Sabi nya ng taas noo. Akala mo naman angganda ng pangalan nya, kung makapag-taas lang ng noo. "Pake ko?" Mataray na sagot ko at tumingin na sa labas ng bintana. Mas mabuti ng tingnan tong mga poste ng city lights kesa tumitig sa mukha nyang napaka-kinis at napaka-pulang mga labi. Baka kasi di ako maka-pagpigil at bigla ko nalang syang panggilan ansarap kasi kurutin ng pisngi nya lalo na pag nag po-pout. Ang cute! Kinukulit nya pa rin ako kung ano pangalan ko pero hindi ko pa rin sya nililingon. Nakuu! Hindi nya alam kung gano kahirap mag-pigil! Naka-iglip ako sa byahe, ginising nya nalang ako ng malapit na kami sa bahay pero bago pa kami tuluyang maka-labas ay naaninag ko na si Ian na nag-aabang sa gate namin, My heart raced. Oh my God! Ian waited for me, under the sky full of stars. Pag-tigil ng sasakyan ay dali-dali ako bumababa. Pero bago ako makapag-salita ay bigla nya nalang akong pinagsalitaan na ikinadurog lalo ng puso ko. "Kababae mong tao, buntis ka pa! Ganitong oras ka kung umuwi?" Hindi agad ako nakapagsalita. Hinwakan ni Ian ang braso ko, mahigpit ang pagkakahawak nya na tila ba magpapasa na iyon. Bumaba si KrisVi sa sasakyan akmang magsasalita pero inunahan sya ni Ian, "At May kasama ka pang lalaki? sa dis-oras ng gabi? Ang landi mo talaga. " Sabi nya binitawan nya ang braso ko at tinalikuran na kami. Hahabulin ko sana sa para mag-paliwanag pero hinila na ako ni KrisVi para yakapin. Hindi ko na napigilan at umiyak na ako sa bisig nya. Ang sakit! Napaka-sakit.
---
May mga typos since first chapters, hindi ko pa naeedit. Sorry. Btw, malapit na i-pa-cut yung wi-fi so yea.
![](https://img.wattpad.com/cover/25986352-288-k102868.jpg)
BINABASA MO ANG
Like stars on earth
RomanceLove. Desperation. Friendship. Betrayal. Hurt. Sarah Dreigan Gonzales is an 18 year-old girl with simple life. Eversince she know's about the word "crush" there's only one guy that stuck on her mind, which she prefer to call "Star", He's a guy w...