"Lahat ng sobra ay masama." Yan ang naging homiliya ng Pari ng nagsimba kami. Masama? Ang sobra? Ibig sabihin ba nito ay masama ang sobrang pagmamahal na nararamdaman ko kay Ian? Siguro nga, dahil minsan sa sobrang pagmamahal umaabot sa punto na pati sarili natin ay nawawala na.
Dalawang linggo nalang at magpapasukan na. Kailangan kong magpatahi ng bagong uniporme dahil hindi na kasya saakin ang dati kong isinusuot. Napagpasyahan kong pumunta sa tailoring shop malapit sa school pero iniisip ko palang ang traffic at layo ay hinihila na ako pabalik ng aking higaan. I'm so lazy this past few days, kahit pagbangon sa higaan ay kinatatamaran ko pa. All I want is to lay here in my bed and sleep. Ganito pala ang pakiramdam ng buntis. Kung alam ko lang ay hindi ko na ginawa ang planong iyon. Nakakainis kasi! Nag-ayang lumabas ang mga kaklase ko nung isang gabi, balak nilang pumunta sa Valkyrie pero hindi ako nakasama dahil hindi ako pinayagan nila mama. Sabi nila ay mausok daw doon at bawal akong mapagod. Nakakairita dahil kung kelan naman nasa wastong edad na ako ay hindi ko pa rin magawang mag-bar manlang. Lintik na bata to! Hindi pa man lumalabas ay perwisyo na.
Napilitan akong bumangon dahil sa katok ng katulong namin, aniya ay nasa baba daw si Ian. Dali dali akong nag-ayos ng aking sarili, tila nagising ang dugo ko ng marinig na nasa baba sya at naghihintay saakin. I ran down the stairs pero ng malapit na ako sa kinaroroonan nya ay binagalan ko ang paglakad, baka kasi isipin nya na hindi ako nag-iingat.
Dahan dahan akong lumapit sakanya, nakatitig sya saakin. I blushed, sa simpleng pagtitig nya palang ay ang lakas na ng kabog ng puso ko. "You want juice or coffee?" Tanong ko. Umupo ako sa kabilang couch ng inuupuan nya. Hindi ko inaasahan ang pagbisita nya. "Hindi na. Hindi naman ako magtatagal." Kumunot ang noo ko. Bakit pa sya pumunta dito? Akala ko pa naman ay pumunta sya dahil gusto nya akong kumustahin ng personal. "Pumunta ako dito para sana magpaaalam." Naguguluhan ako. Bakit sya magpapaalam saakin? At saan sya pupunta? "Ba-balak ko sanang umalis. Magbabakasyon kami ni Ella sa batangas. Babalik din naman kami agad." I looked down. Akala ko pa naman. "Yea. N-no problem. Babalik naman kayo diba? Babalikan mo naman kami ng anak mo?" Tanong ko. "Of course. O-of course babalik ako. Babalikan ko ang anak natin." Nag-iwas sya ng tingin. Oo. Babalik ka dahil lang sa bata. Kailan kaya mangyayari na babalik ka para saakin. "Mabuti naman. Mabuti ng malinaw." Sabi ko. Sana makuha nya ang ibig kong sabihin. Hiniling ni Ian na pagtakpan ko sila. Mahirap pero inisip ko nalang na ngayon nalang naman ito. May tiwala ako kay Ian. Pero hindi maalis sa sistema ko na aalis sya kasama ang babaeng iyon.
Dalawang araw pa mula ngayon ang alis nila. Pero sabi nya ay kailangan nya ng umalis dahil may aasikasuhin pa sya para sa pag-alis nila. "You okay?" Tanong nya. "Nahihilo ako." Ipinikit ko ang mga mata ko at nagpanggap na matutumba. Dali-dali syang lumapit saakin at inalalayan akong maka-upo. Tumayo kasi ako kanina ng magpaalam sya. "A-anong gusto mo? Anong nararamdaman mo?" Sunod sunod na tanong nya. "No. No. I'm okay. Dont worry. Y-you can go now. Ugh!" Pumikit - pikit pa ako para mas kapanipaniwala. "You sure? Dalhin na ba kita sa ospital?" I want to smile, concern ka din pala saakin? "Okay lang ako. Ganito talaga palagi nararamdaman ko. You can go." I look at you, hindi ka makaalis sa pwesto mo. Why Ian? Your worried? "Palagi ba ganyan ang nararamdaman mo?" Pilit kong tinatago ang ngiti ko pero di ko maiwasan. So you are concern? I knew it! May pag-asa talaga na magustuhan mo ako. May pakinabang din pala ang batang to. I can use this child to have your attention Ian.
Ian stayed for almost two hours. Kanina pa may tumatawag sakanya pero tuwing sasagutin nya iyon ay umaarte ako na nahihilo o nasusuka. Yes, you can call me a bitch or attention seeker but the hell I care. Lahat naman ng nag-mamahal ay nagiging makasarili. Pag-alis nya ay tinawagan ko ang mga kaklase ko. I ask them na samahan ako mamili. Kung kanina ay wala akong gana lumabas, iba na ngayon. Nakausap ko kasi si Ian at nakasama ko pa sya ng matagal.
Pagdating sa mall ay naisipan naming kumain muna. We choose to eat sa ManHann. I ordered spicy spare ribs, na pag-lapag palang sa lamesa ay nilantakan ko na. "Oh beng! Dahan dahan. Wala kang kaagaw." It was Julie. Maarte nyang ibinaba ang iPhone nya sa mesa bago ako inabutan ng tissue. Julie is one of my classmates na malapit din saakin. Sumama sya saamin dahil gusto nya daw mag-unwine. Aniya ay naiinis daw sya sa ka-fling nya dahil masyadong bina-baby ng magulang. Julie is a reckless heartbreaker, she throw his flings like a hot potato. And we wish, that someday there will be a guy who can make her back to the old her.
Matapos namin kumain ay nag-ikot kami sa mga boutique. Naghahanap ako ng mga dress na komportable isuot pero di naman ako mag-mumukhang manang. Paulit - ulit si Julie ng kakasabi na Hindi daw sya makapaniwala na buntis ako. Ilang beses naman sya binabara ni Cza at Jane. "Ano ba beng. Buntis na nga e! Sinabi na ngang buntis diba? Kailangan paulit - ulit?" It was Jane. I sighed. Pinabayaan ko nalang sila. I'm busy looking for that preggy stylish dress. "Hindi ko naman kasi alam! Di ako makapaniwala. I mean. Pano?" Si Julie iyon. Sa arte palang ng salita ay alam ko na. "Anong pano? Gusto mo pa bang malaman kung pano nila ginawa? Pano pinasok yung ano--." Biglang naputol ang sasabihin ni Cza ng bigla syang sapukin ni Jane. Minsan talaga itong babae to walang filter bunganga e.
Matapos ng mahabang pag-iikot ay nakapili na rin ako. I bought 3 dress and cotton pants. Nag-aaya na akong umuwi dahil pagod na rin ako pero nag-alok pa si Jane na mag Starbucks, aniya ay gutom daw sya. Kelan ba sya nabusog? Pinagbigyan ko na dahil baka di pa sya makatulog dahil sa kape. We sat on the couch near the entrance door. I'm browsing on Facebook news feed, when someone calls my name. It's KrisVi. He is waving his hand and he smiled sweetly. Oh myy! KrisVi is so cute! He's wearing khaki short and a black hoodie, paired with a vanz rubber shoes.
Naglakad sya papalapit sa pwesto namin. Sakto naman na dumating na si Julie dala ang mga order namin. "Sino yan?" Siko ni Jane saakin. Tumayo ako at ipinakilala si KrisVi sakanila. Madali naman sya nakasundo ng mga kaibigan ko. Meron kasing aura si KrisVi na para bang ang gaan gaan nya lang kasama. Malakas ang tawanan namin dahil sa pangungulit ni Jane at Julie tungkol sa mga kaibigang gwapo ni KrisVi. Yes, hayok sa gwapo ang mga kaibigan ko.
Tawa lang ako ng tawa sa kulitan nila hanggang sa "Bagay kayo." Out of the blue, Cza speak out what's on her mind. Tila naman hindi nya napansin na napalakas ang boses nya. An awkard silence engulfed our table. Katabi ko si KrisVi sa upuan at hindi kami makatingin sa isa't isa. Nakita kong sinipa ni Jane si Cza sa ilalim ng lamesa. Nag-angat sya ng tingin galing sa cellphone nya. Napansin nya ata ang awkward atmosphere kaya natatawang nagsalita sya "Oops! Did I say it aloud? Totoo naman kasi." Sabay pakita ng cellphone nya na puno ng candid shot namin ni KrisVi. There are shots na nakangiti ako habang nakatingin saakin si KrisVi and vice versa. I looked really happy on that pictures. Nagkatinginan kami ni Krisvi at sabay nag-iwas ng tingin. Juice ko! Kainin na sana ako ng lupa. Nakakahiya!
BINABASA MO ANG
Like stars on earth
RomansaLove. Desperation. Friendship. Betrayal. Hurt. Sarah Dreigan Gonzales is an 18 year-old girl with simple life. Eversince she know's about the word "crush" there's only one guy that stuck on her mind, which she prefer to call "Star", He's a guy w...
