Home
"Ang takaw mo masyado" napahinto ako sa pagkain ko ng biglang nagsalita si Marcus, andito kami sa soccer field kumakain, mas mahangin daw kasi at di gaanong pinupuntanan ng tao.
Tinignan ko siya ng masama, nanliit ang mata ko "Oh tignan mo, sungit ha? Binibiro lang e" depensa niya sa sarili
"Pero ang takaw talaga" pabulong niyang sabi bago uminom ng coke
Sinapak ko ang braso niya dahilan kung bakit natapunan ang kanyang damit at halos mabilaukan siya sa iniinom niya.
"Masama parin ba loob mo dahil inubos ko yung kwekwek mo? Ha?!" pagalit kong sabi ng tignan niya ako at di na nakapag salita sa gulat sa ginawa ko sakanya.
Ubo siya ng ubo pero dahil nakonsensya naman ako ay inabutan ko siya ng tubig para mainom niya. Binuksan niya ito agad uminom.
"Ayos ka na?" sabi ko at hinahagod ang kanyang likod.
"Ang swapang mo talaga , di bagay sayo ang tawag na baby dapat sayo burdagol" sabi niya at tumawa pa, hahampasin ko na sana siya pero tumayo na siya at lumipat ng upuan sa harap ko. Di ko tuloy siya maabot dahil pabilog ang lamesa pero tinatamad din akong tumayo kaya kinusilapan ko nalang siya.
"Alam mo? Ang--"
"Isang salita mo pa talaga ihahambalos ko sayo tong banner na ginawa ko para sayo at talagang iiwan kita dito" giit ko at tinignan siya ng masama , halos mamutla siya sa sinabi ko muka siyang natatae. I smirk.
Tumahimik siya habang patuloy naman ako sa pagkain ko.
"Ang ganda mo talaga"
Tinignan ko siya at nakatitig lang siya sakin habang nakapatong ang baba niya sa kanyang palad.
Naramdaman ko ang pag init ng akong pisngi sa kanyang ginagawa. Kinusilapan ko siya at nagpatuloy sa pagkain.
"Samahan mo nga ako mamaya" aya ko nang matapos ko kumain.
"Saan?"
Inayos ko yung pinagkainan ko at bag "sa palengke, bibili ng bulaklak" sabi ko at isnuot na ang aking bag.
Tumayo na siya kaya nilingon ko siya, tumayo na rin ako at uminom ng tubig
"Grabe matilda, ganyan ka na ba kabaliw sakin? Bibilhan mo pa ako ng bulaklak, wag ---"
Naibuga ko yung iniinom kong tubig sa kanya sa gulat, napaubo pa ako.
"Huy ang kadiri mo naman" singhal niya at nagpunas ng medyo nabasang damit .
"Ang kapal talaga ng muka mo " giit ko at pinunanasan ko ang aking bibig "bibili ako ng bulaklak na pang patay, bakit gusto mo? Sige ibibili na-"
"Joke lang naman yun uy ikaw talaga halika na nga" sabi niya sabay akbay sakin at naglakad na palabas ng gate.
"Papasyal ka ulit ng sementeryo?" tanong niya ng makasakay kami ng palengke
nakatingin lang ako sa labas "Oo" simpleng tugon ko
"Miss mo nanaman lolo mo" aniya at inakbayan ako, sumandal ako sa kaniyang balikat at huminga ng malalim.
The first man who show me what true love is, my lolo.
Bata palang ako ramdam ko na ang pagmamahal saakin ni lolo. Lahat ng luho binibigay niya saakin, di ko man hilingin ibibigay niya parin. Naalala ko tuloy nung na stroke si lola, medyo matanda na sila noon. Yung ibang lalake pag nagkaproblema sa misis iiwan nila agad pero si lolo pinatunayan niya na totoong may 'for sickness or in health' sa bawat mag asawa. Their love story was not perfect, but I love the flow of their story, nang matay si lola ay talagang makikita mo kung gaano nasaktan si lolo pero di niya ito pinakita, makalipas ng isang buwan ay sumunod na namatay si lolo. And that day, changed my whole life. Kasi wala na yung taong iintindi saakin kapag nagkaproblema sa bahay, wala na yung taong kukumutan ako sa gabi kapag nakatulog ako habang nanunuod, wala na yung mag titira ng meryenda sa hapon kapag di pa ako umuuwi galing sa school, wala na yung palaging nag aappreciate ng mga ginagawa kong valentine cards kapag pebrero. He showed me what true really is.
"Lolo" bulong ko nang naibaba ko na ang biniling bulaklak sa kanyang puntod.
"I really wish you're still here, I really miss you so much" nanginig na ang aking boses sa huli kong sinabi. Unti unting pumatak ang luha sa aking mata.
"It's been 4 years, pero parang kahapon lang ang lahat" bulong ko, naramdaman ko ang isang mainit na yakap mula sa aking likuran at nilagay niya ang kanyang baba sa aking balikat.
"Stop crying, andito naman na ako" aniya bago ako hinarap sa kanya, pinunasan niya ang aking luha "there are reasons why people left us why they always leave us, hindi tayo mag gro grow kung di natin to nararanasan"
Tumango ako. He's right, lolo's love for me makes me stronger.
"Lo" bulong niya ng niyakap ako "kamusta na po kayo jan? Wag po kayong mag alala kay Matilda, ako naman po ang bahala sakanya. Aalagaan ko siya at di ko siya sasaktan. Pangako ko po yan sainyo" aniya at nilingon ako. Nginitian ko siya at ganon din siya.
Pagkatapos naming bisitahin si lolo at lola ay dumaan muna kami sa isang kainan bago umuwi, habang nag oorder si Marcus ay may napansin akong isang lugar na mukang sugalan. Kumunot ang noo ko namg may nakitang isang pamilyar na bag sa isang upuan.
Para kasi itong bahay kubo na may konting harang pero kita parin ang loob nito.
"Teka lang ha" sabi ko kay Marcus na mukang di ako narinig dahil kausap niya parin ang cashier
"Veronica?" nagtatakang tanong ko ng nakalapit ako sa pintuan.
Lumingom siya saakin at may hawak hawak pang sigarilyo nanlaki ang mata niya pero di nagtagal ay nanliit din ito napara bang di natatakot sa ginagawa niya.
"Ate!!" rinig kong sigaw
Pagtingin ko sa isang table ay nandoon si Maria , may mga lalake siyang kasama pero halatang hindi niya ito nagugustuhan na para bang napipiliyan lang na sumama doon.
"Veronica let's go" sabi ko at pumasok na sa loob
"Psh! Ano bang ginagawa mo dito ha? Spy ka na ba ngayon?" pabalang niyang tanong.
"Ate? Uuwi ka na ba? Sasama na akong uuwi" sabi ni Maria. Hinawakan ko ang pulsuan niya at pinunta ko sa aking likuran.
"Dinamay mo pa si Maria dito, kung mag bubulakbol ka wag mong isasama ang kapatid natin dito. At isa pa, oras ng klase Veronica ano bang ginagawa mo sa buhay mo? Hindi ba nagkaliwanagan na kayo ni Daddy? Ano nanaman ba to ha?" singhal ko
Lahat na ng mata ay nakatingin saamin
"Tapos ka na?" tanong niya na para bang di manlang natinag sa sinabi ko
"Andito ka lang pala" biglang may sumulpot sa likod ko, natigilan si Marcus sa nakita niya. "Ahm, matilda tara na" aniya sakin.
Hinawakan niya ang braso ko pero binawi ko yon at nilingon si Veronica
"NUWEBE!!!" sigaw niya "Akin na mga pusta niya, mga baog!!" kantyaw pa niya.
"Hindi ako uuwi ng di kasama si Veronica" sabi ko
"Then stay if you want, be my guest. Dahil hindi ako sasama sayo" aniya at tinalikuran ako bago pumunta sa mga table table para makipag laro pa.
"Let's go ate" yaya ni Maria sakin.
Umalis na ako don at bumuntong hinga. This is frustrating me so bad.
"Shh. Hayaan mo na siya malaki na siya kaya na niya sarili niya" sabi ni Marcus sakin habang kumakain kami nila Maria dito sa kainan na malapit sa sugalan ni Veronica
"She'll learn in no time. Matanda na siya"
I sigh and calm my nerves. He's right. Matanda na siya, she'll come her senses and realize things soon.
"Ate I want to go home na" sabi ni Maria saktong pagkatapos naming kumain.
I smiled and hugged her.
"We will" sabi ko "We'll go home"
--------Trust me, I promise I'll make it worth it.
HI STARLETS!!! I just want you to know how Happy I am whenever you vote or comment on any chapters. I love you with all my heart. Please keep on sharing and supporting my story ❤️ u have no idea how you can make my dream come true little by little.
#STARLETS
#HappyHeart❤️
BINABASA MO ANG
Matilda (Montemayor Series #1)
FanfictionMATILDA Funny how you fell inlove with your bestfriend, like some cliche love stories started, we became lovers we are happy and all. But fate will really play with us sometimes. Can you handle the pain? Can you still love after that heart break? ...