Maraming Salamat sa pagsubaybay sa kwento ni Matilda. Nawa'y nagustuhan at nasiyahan kayo. Suportahan niyo din ako sa kwento ko kay VERONICA : ) Enjoy Reading!
VERONICA IS UP ON MY ACCOUNT. see u there.
*****
(his side)
I do...
"Anak, halika na at maglalaba pa ako kila Matilda" tawag ni mama sakin habang naglalaro ako kasama ang kapatid ko.
Pagpunta namin sa loob ng bahay nila ay nakita ko ang isang batang babae na naglalaro sa garden. Mag isa niya.
"Dito ka muna ha? Kalaruin mo si Matilda, ang kuya mo kasi ay sumama kay tita mo Hilary." sabi ni nanay at ipinunta ako sa garden. Natigilan si Matilda ng makitang papunta ako don, ito kasi ang unang beses na makapunta ako dito sa bahay nila, lagi nalang kaming nagkikita kapag may birthday o oksayon sila sa labas.
"Makus!!" Tili ni Matilda ng makita ako, medyo bulol pa siya. Isa o dalawang taon lang ang pagitan namin. Kulot kulot ang buhok niya na may ribbon at naka bistida.
Yinakap niya ako agad at napahiga kami sa damuhan. "Naku kayong mga bata kayo ha, dali na tayo na diyan" inalalayan kami ni nanay tumayo.
Hinawakan ni Matilda ang palapulsuan ko at dinala ako sa maliit niyang bahay bahayan. Humarap siya sakin at ngumiti, kita ang bungal niyang ipin kaya napangiti na din ako.
"Lawo tayo house house, ako mommy tapos ikaw yung anak, ayaw kasi ako kalawo ni Vewonica, niaaway ako" pagmamaktol niya.
"Ayaw ko, gusto ko maging daddy din" sabi ko naman at namewang.
Nanlaki ang mata niya at namewang din "mag asawa tayo? Pewo sabi ni mommy ko, pag mag asawa nagki-kiss...Haa" suminghap siya at nilagay ang palad sa bibig tila ba tinatakpan ito. "Nooo...dapat ang mag ki-kiss lang sakin e yung cwash ko. Hmp!" Pinag cross niya ang kanyang kamay sa dibdib niya.
Ginulo ko ang buhok niya at natawa. "Matilda, bakit tayo ki-kiss? Bawal yun. Di pa tayo pwede don, gagalit din sakin si Nanay. Laro nalang tayo ng iba" pagsusuhestyon ko.
Umayos siya. Bigla niyang tinaas ang hintuturo niya sa hangin at ngumiti "Alam ko na!" Masayang aniya. "Lawo tayo taguan" agad naman akong pumayag. "Pewo ako tago ikaw maghanap ha" nagpacute pa ng muka. Tumango ako at agad na nagpunta sa puno at nagbilang doon.
"Game?!" Sigaw ko
"Game!hihihi" hagikhik ang narinig ko mula sa likod ng puno, at tama nga ako, dun siya nagtago.
"Boo!" Gulat ko sakanya. "Waah!!! Help! Help" tumakbo siya at hinahabol ko siya. Tumatawa ako ako dahil ang galing niya sa pagtakbo ng bigla siyang natalisod at nadapa.
Isang malakas na iyak ang umalingawngaw sa garden. "Mommy!!! It hults!hults!" agad ko siyang nilapitan at pinaupo sa mga upuan, may gasgas ang tuhod. "Tahan na, kukuha ako ng gamot" sabi ko pero humihikbi parin siya, "don't tell this d-dun sa mga yaya sa lo-loob ha? Magagalit sila s-saakin" tumango at pumasok ako sa loob, nagtanong kung may bulak ba sila at alcohol, agad naman nila akong binigyan tinanong nila ako kung para saan sabi ko naman ay naglalaro kami ng doctor-doctor ni Matilda.
"Awts...masakit makus! Huhu!" iyak niya. Nilingon ko siya at nginitian "wag na ikaw iyak, promise, ok na ito pagkatapos." paninigurado ko.
Bigla siyang tumigil at nagpunas ng luha. "Pwomise?" tanong niya.
Tumango ako at inilahad ang aking maliit na daliri. "Promise" ganon din ang ginawa niya. "Yey! Pinky pwomise. Si Vewoica kasi ataw ako kausap minsan, gagalit siya sakin kasi daw ako may toys tapos siya wala" pagsusumamo niya.
BINABASA MO ANG
Matilda (Montemayor Series #1)
FanfictionMATILDA Funny how you fell inlove with your bestfriend, like some cliche love stories started, we became lovers we are happy and all. But fate will really play with us sometimes. Can you handle the pain? Can you still love after that heart break? ...