Away
Kinabukasan ay maaga akong hinatid sa school. 8:30 ang simula ng unang klase ko, 7:30 ay nasa school na ako. Sinadya ko tapagang maagang pumasok dahil mag rereview pa ako para mamaya, may summative test kasi kami mamaya sa first subject ko kaya napagdesisyunan kong mag punta nalang sa Library.
Pagpasok ko sa library ay kaunti palang ang mga estudyante. Nag sulat ako sa log book at nginitian ang librarian. Naupo ako sa isang sulok medyo malayo sa pintuan para mas payapa makapag review. Binaba ko ang aking bag at binuklat na ang aking libro.
Matapos ang halos kalahatinv oras ay rinig sa buong library ang ingay ng mga estudyante na pumasok dito. Sinilip ko kung sino iyon ngunit di ko masyadong makita dahil may mga bookshelves na naka harang.
Nagulat ako ng may biglang nagtakip ng aking mata. Hinawakan ko ang kamay niya ngunit di ko talaga makilala kung sino ito.
"Sino ka?" tanong ko na medyo naiinis at nag pa panick.
Hagikhik ang narinig ko sa aking likuran at di kalaunan ay binaba niya ang kanyang kamay.
Laking gulat ko ng makita si Rojan pala iyon,nginitian ko naman siya "U-uy andito ka pala" sabi ko ng medyo awkward.
"Yap tapos na ang first class namin, vacant na e, ikaw ano oras klase mo?" tanong niya tinignan ko ang aking relo at eksaktonv 8:10 na , kailangan ko ng umalis dahil medyo malayo pa building namin.
"Ahm aalis na ako malayo layo pa lalakarin ko e" sabi ko at inayos na mga gamit ko
"Hatid na kita" sabi niya at tumutulong na din sa pag aayos ng gamit ko
Umiling ako at ngumiti "Huwag na di---"
"Sige na ihahatid lang naman kahit hanggang hagdan lang" sabi niya.
"Ah ok sige" sabi ko at naglakad na papalabas
Ngunit bago pa ako makalabas mismo ay pumunta muna si Rojan sa mga barkada niya at may sinabi sakanila bago ito lumapit sakin at kita ko ang mga titig ng mga kasama niya tila ba nanunukso.
"Ah di ba ako nakaka istorbo niyan?" tanong ko sakanya habang naglalakad kami sa may soccer field
"Wala naman na din kaming klase e" sabi niya sakin habang dala dala ang ibang libro ko "Eh ikaw asan mga kaibigan mo?" tanong niya
"Ah baka andun na sa classroom, di kasi nila alam na maaga akong pumasok ngayon dahil nagreview pa ako" sabi ko naman at ngayon ay naglalakad na kami malapit sa Engineering Department. Tinignan ko ang bawat klase nagbabaka sakaling andito si Marcus para sana makaiwas dito kay Rojan,ayoko kasing bigyang kahulugan pa ang pagsama niya sakin.
"Ganon ba,ay siya nga pala ito yung libro mo,ibabalik ko na" sabi niya ngunit di ko pinansin dahil busy ako sa paghahanap kay Marcus, at ng makita ko siya ay kinawayan ko siya, siguro naman ay maisasalba niya ako sa gantong sitwasyon.
Ngunit laking gulat ko ng di manlang ako nginitian pabalik at umakbay siya sa ibang babae at di na ako pinansin. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya kaya naman sa inis ko ay nagmadali na akong pumasok sa classroom.
Halos habulin na din ako ni Rojan pero di ko siya pinapansin. Nang nasa tapat na kami ng classroom ay nagpasalamat nalag ako kay Rojan at pumasok na.
Tama ako, nasa loob na ng classroom sila Cleah at Christa pero wala pa si Sophia.
"Oh umagang ka'y badtrip?" natatawang tanong ni Cleah
"Hoy! Ano yon ha? Bakit may pahatid hatid? " panunuksong tanong ni Christa.
"Wala,nagkita lang kami sa library tapos nagprisintang ihatid ako, mapilit e kaya pumayag nalang ako" sabi ko at inayos ang gamit ko
BINABASA MO ANG
Matilda (Montemayor Series #1)
FanfictionMATILDA Funny how you fell inlove with your bestfriend, like some cliche love stories started, we became lovers we are happy and all. But fate will really play with us sometimes. Can you handle the pain? Can you still love after that heart break? ...