XXI

545 14 0
                                        

STARLETS! I can't believe, naka 600 reads/views na ako!🥳 Waah!! I'm so happy. Thank you for being with me since day 1. I love you all so much. Promise gagalingan ko pa. Palangga ta ka,ay-ayaten kayu amin🥺😘


Ligaya

Pagkatapos mag agahan, naiilang paein ako na makiharap sa mga katrabaho ni Marcus. This is dangerous, dapat ay umuwi na ako. Naka upo ako dito sa kama, halos liparin ko na ang daan papunta dito sa kwarto ni Marcus para lang di nila ako mapansin.

Hinalukay ko ang bag ko para makita ang aking cellphone. Pagka kuha ko ay dinial ko agad ng number ni Dolly.

"Hello Mam?" Sagot sa kabilang linya

"Dolly how's office?" Tanong ko agad

"Don't worry mam, wala ka namannpong masyadong gagawin ngayon maliban sa pipirmahan mo lang na nga documents."aniya.

Napabuntong hininga ako. I need to go home.

"Okay thanks dolly, idala mo nalang sakin yan mamaya sa unit ko at dun ko na babasahin" paalam ko sakanya bago ko pinatay ang tawag.

Inaayos ko na ang mga gamit ko, di na bale, at dun nalang ako maliligo sa unit ko at mag uuber nalang ako. Pero teka asan ba ako? Saang lugar to? Lalabas palang sana ako para mag tanong ng biglang pumasok si Marcus. Naka tshirt na siya. Napahinto ako sa paglalakad at napakurap.

"What are you doing? Dapat magpahinga ka muna dahil baka mabinat ka" aniya at umikot siya sa kama papunta sa kaniyang cabinet.

Sinundan ko siya ng tingin habang may hinahanap sa loob ng cabinet niya.

"Ah..hindi na, nakakahiya na masyado at may mga bisita ka pa, tsaka kaya ko naman na ang sarili ko, iinom nalang ako ng gamot ko mamaya. Ah nasaan nga pala ako?" Tanong ko.

Sinara niya ang kanyang cabinet at tumawa ng mahina.

"You're not going anywhere, dito ka lang hangga't di ka pa magaling ng tuluyan" aniya at naglapag ng isang terno na pang bahay. "Eto na gamitin mo, hindi na nagpunta si dolly kahapon sa unit mo dahil natataranta siya, binigay niya nalang yang emergecy bag mo na nasa opisina mo" pahabol niya.

"Pero, baka kung ano pa isipin ng mga katrabaho mo. I am your boss here and I should act professionally. Baka isipin nila na may relasyon tayo , kaya uuwi nalang ako. Thank you sa pag alaga sakin at pag accomodate mo" paalam ko at sabay kuha ng bag sa may table. Di na bale, sabihin ko nalang address ko sa taxi.

Nakahalukipkip lang siya sa tabi ng bigla siyang naalerto ng makita niya akong palabas na ng pinto. Mabilis niyang hinarang ang katawan niya sa pinto.

"Ano ba?! Aalis na ako. Babayadan nalang kita, ok? Kailangan ko ng umuwi. Hindi naman ako baldado para alagaan mo pa. Kaya ko ang sarili ko! So let me go!" Usad ko.

Akmang hahawakan ko na ang pinto ay mas lalo niyang hinarang ang kanyang katawan.

"No!"

I tsk "Ano bang problema mo? Didn't I tell you that-"

Nandilim ang kanyang paningin "Yes you are my boss but that doesn't mean I'll do whatever you want me to do specially when you're in my unit.--"

"But--"

"Ano naman ngayon kung isipin nilang may relasyon tayo? At ano naman ngayon kung --"

Bago pa niya ituloy ang sasabihin ay isang malakas at sunod sunod na kalabog ang naririnig namin mula sa pinto.

Matilda (Montemayor Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon