Intramurals
Umaga ng lunes ay simula na ng aming Intramurals week. Heto ako ngayon nasa loob ng library at nag sesearch sa aking laptop ng mga products/business na pwedeng simulan.
Kagabi kasi ay nagpag usapan namin ni mommy ito ng mabuti, kailangan ko na daw mag isip ng pagkakakitaan tutal ay malapit na akong magtapos. Naka suot ako ng bf jeans at sleveless na puti at maong na jacket pinaresan ko ito ng sneakers na puti.
"Andito ka lang pala kanina pa kami tatawag sayo" hinihingal na sabi ni Cleah kasama si Christa
Nakasuot sila ng civilian clothes pero Maroon ang kulay dahil yun ang unit color namin, ako kasi ay walang maroon na damit na pwedeng pang lakad kaya puti nalang.
Tinignan ko sila at bumalik din ang paningin ko sa laptop "bakit? Nagstart na ba ang program?" tanong ko
Nakatayo sila sa harap ko at nakapamewang
"Baka tapos na" sarcastic na sagot ni Cleah
Napatingin ako sa sinabi niya. Nanlaki ang mata ko, ibig sabihin ay
"Oo bruha magsisimula na ang basketball game, kanina ka pa daw kasi hinahanap ni Engineering Department friend mo" patawang sabi ni Christa
Walang sabi sabi ay inayos ko na yung gamit ko at dali daling sinuot ang bag. Kinuha ko din yung banner na ginawa ko kagabi, I never thought that making a banner was hard. Damn nagkasugat pa ako sa cutter na ginamit ko pero maliit lang naman na sugat, bearable.
"Let's go" aya ko sa dalawa at walang sabi sabi ay halos takbuhin ko na yung daan papunta gym.
"WAAAAH!!!!" malakas na sigawan ang narinig ko pagkapasok agad ng gym. Pag tingin ko sa taas ng gym ay nakita ko agad ang magkalaban na team na naka flash sa malaking tv.
"Green Team! Green Team! Achuchu! Achuchu!" sigaw ng Green team. Haha
"Maroon! Maroon! Maroon! Forda Win! Forda Good!" sigaw din ng team namin.
Kita ko agad si Marcus sa bleachers ng mga players nakaupo siya don habang nakikinig sa coach nila. I smiled and look at the court. 10-8 na ang score , 10 sa kabilang team at kami ang 8. Not bad for the start.
Napansin kong tumayo si Marcus at nag stretching ng kaunti, hindi kasi siya kabilang sa first 5. Namewang siya bago humarap sa kanyang likod kung asan kami nakaupo. Nahagilap ko ang kanyang paningin at ngumiti ako sakanya. He bit his lower lip and smirk. Pumunta siya sa coach nila at may mukang sinasabi pa nang may sinenyas ito sa referee ay agad tumakbo si Marcus sa court.
"Sub rep!" sigaw ng announcer
"Alejandro out! Antonino coming in!" pumito na ang referee at nagsimula na ang laro.
I can't stop myself from watching, lalo na kapag nakaka shoot siya. Im so proud!
"Huy!" kalabit sakin ni Christa, nilingon ko siya at kumunot ang noo ko ng may tinuturo siya sa kabilang bleachers na malapit lang saamin, mga player din ng kabilang team at nakatingin sakin nagbubulungan pa.
"Bakit?" tanong ko at tinignan ko siya ulit
She roll her eyes on me "kanina pa sila nakatingin sayo,mukang may balak sayo" aniya sakin. Nilingon ko ulit yung mga lalaki na tinuturo niya, kinabahan ako ng sobra lalo na ng may biglang naglakad papalapit samin, medyo namumukaan ko siya, Archi student ata to , matangkad siya at moreno, umiwas ako ng tingin at nanuod nalang sa laro ng bigla kong nakita si Marcus na naglalakad sa may court habang ang sama ng tingin sakin. Pawis na pawis siya at hinihingal.
BINABASA MO ANG
Matilda (Montemayor Series #1)
FanfictionMATILDA Funny how you fell inlove with your bestfriend, like some cliche love stories started, we became lovers we are happy and all. But fate will really play with us sometimes. Can you handle the pain? Can you still love after that heart break? ...