Unwanted
Hinalikan ko sa pisngi si mommy pag pasok ko ng sasakyan. Naka dress siya ng Black at naka suot ng stilleto na black din. I smiled at her and she smiled back
"How's my darling?" sabi niya habang nagtitipa ng kung ano ano sa cellphone niya.
"I'm okay mommy, nakaka iyak yung quiz namin sa Stat kanina 15 lang nakuha ko out of 40" sabi ko sakanya.
Tumawa naman siya at bumaling sakin. "Where's Alpha and Veronica?" tanong niya sakin.
Nanlaki ang mata ko, di ko alam kung bat tinatanong sakin ni mommy ang mga kapatid ko gayong sa ibang paaralan sila pumapasok. Oo, sa pampublikong paaralan ako pumapasok dahil mas gusto kong mag aral sa ganto, mas madaming activities at social life. Saming apat ako lang naiiba ng paaralan kaya di ko alam kung bakit tinatanong sakin ito ngayon ni mommy.
"Ah, mommy hindi ko alam, sa ibang school sila remember?" tanong ko dahil baka nakalimutan niya.
"Yes sweetie I know, but they told me na aalis sila at gigimik at isasama ka nila" kumunot ang noo ko don.
"Ahm, wala naman silang sinabi sakin mom" sabi ko at sakto naman ang pagdating namin sa bahay.
"Oh those girls, sinama pa nila si Maria alam naman nilang sakitin ang ading nilang yon. Haynako!" sqbi niya as we walk inside the house.
"Aling Ester!" tawag ni mommy habang ako naman ay paakyat na ng kwarto.
"Yes mam?" tanong naman ni Aling Ester
"Paki tawagan nga si Alpha or Veronica or mas better kung si Maria nalang, paki sabi umuwi na sila dito ngayon din or I'll tell this to their daddy. Madami pa akong aasikasuhin." sabi ni mommy at umakyat na din sa hagdan.
Tumango naman ang katulong at sinarado ko na din ang kwarto ko. Nagbihis na ako at nagpahinga muna ako saglit.
Nagising nalang ako ng may kumatok sa kwarto ko, pagtingin ko sa orasan ay alas syete na pala ng gabi.
"Mam? Gising na po, kakain na po ng hapunan" tawag sakin.
Bumangon ako at nagsuklay muna. Pagbukas ko ng pintuan ay rinig na rinig ko ang isa malakas na tunog ng sampal. Dali dali akong pumunta sa may hagdan at nagulat ako ng makita si Veronica at ang iba ko pang kapatid na nasa likod niya ay umiiyak habang si mommy naman ay nasa likod ni daddy.
"HOW MANY TIMES SHOULD I TELL YOU ABOUT THIS VERONICA?! YOU NEVER LISTEN TO ME! I TOLD YOU TO STOP RUINING YOUR LIFE AT DINADAMAY MO PA NGAYON ANG MGA KAPATID MO!" sigaw ni daddy.
Dali dali akong bumaba at agad agad namang lumapit sakin si Maria at yumakap sakin.
"What happened?" I ask her habang umiiyak parin siya. Hindi siya umimik, inaalo ko siya habang tinitignan ang nasa harap, nakayakap si Alpha kay Veronica habang si Veronica ay nakayuko.
"WALA KA NG GINAWANG MABUTI! MABUTI PA YANG ATE MO ---"
"Ano? Si Matilda nanaman? Siya nalang palagi! Ako dad, kelan ba na magiging ako naman? I tried so hard to make it up to you and for you to see na kahit papaano may maganda parin akong ginagawa sa buhay but you always see me as a failure!" pasigaw na sagot ni veronica.
Lumapit na ako sakanila habang akap akap si Maria.
Hinawakan ko ang braso ni veronica para sana pigilan siya pero tinignan niya lang ako ng masama. "Veronica please stop this, hayaan mo na si dad--"
"NO! NASASABI MO LANG YAN KASI YOU NEVER EXPERIENCED BEING THE UNWANTED CHILD!" sabi niya at umakyat na sa taas.
Tinignan ko si Mommy at Daddy , yinakap na din ako ni Alpha.
BINABASA MO ANG
Matilda (Montemayor Series #1)
FanficMATILDA Funny how you fell inlove with your bestfriend, like some cliche love stories started, we became lovers we are happy and all. But fate will really play with us sometimes. Can you handle the pain? Can you still love after that heart break? ...