X

499 13 0
                                    

Mine

"How's your day?" Mommy ask during our dinner

As planned, umuwi nga kami at inaantay sila mommy at daddy para magsabay sabay sa dinner.

"We're good mommy" sabi ko at sumubo ng pagkain.

"Nak, kelan pupunta ang mama mo dito? Paki sabi I miss her, lalo na yung luto niya" sabi ni mommy kay Marcus

Tumawa naman si Marcus bago nagsalita "Nako tita, sige po, nag tratrabaho po kasi sila sa bukid ng mga Benedicto kaya medyo busy siya pero wag po kayong mag alala at sasabihin ko po yan"

"Benedicto? Isn't that your friend's name? Sophia? Am I right?" tanong ni Daddy

"Ah yes po, baka po yung sa lolo niya" sabi ko

Tumango naman si daddy at nagpatuloy na sa pagkain.

"Ate, pa abot ako ng ulam" sabi ni Maria kaya naman ay inabot ko ito.

"So.." panimula ni mommy dahilan kung bakit napunta sakanya ang atensyon naming lahat.

"I bet you want to say something kaya inantay niyo pa kami ng daddy niyo para ma dinner?" sabi niya sabay inom ng tubig.

I cleared my throat, gumapang ang kaba sa akong katawan pataas, ganto ba talaga to kapag magpapaalam jusko.

Hinawakan ni marcus ang aking kamay na nakapailalim sa mesa.

"Ahm tita" panimula niya din "Gusto ko sanang humingi ng permiso para po sana ligawan ang inyong panganay" sabi niya. How can he say it so calmly. Sana all.

Napaubo silang lahat mukang nabigla sa narinig.

"Did I heard you right?" tanong ni mommy na halatamg natutuwa pero gulat.

Tumango ako.

"Oh" sabi ni mommy at hinawakan niya ang kamay ni dadd na hanggang ngayon ay wala paring imik.

"You see Marcus" ani ni daddy "Matilda is my first born child. And I already see this coming pero iba parin pala talaga kapag totoo na." umiling si daddy at tumingin kay mommy at tinapik ang kamay nito bago ngumiti.

"Mahal na mahal ko ang mga anak ko Marcus, they are all my treasures. Their happiness is my first priority and if Matilda is happy with this then I'll give you my blessing for it."

Nagtilian ang mga kapatid ko at si mommy naman ay para bang kinikilig. Nagtinginan kami ni Marcus at ngumiti.

"May tiwala akong aalagaan at di mo sasaktan ang anak ko, ipangako mo saakin Marcus na di mo gagawin yon sa anak ko"

Ngumiti siya kay daddy "Pangako po tito"

"Oh well, who wants dessert?" ani ni mommy at tinawag ang isang kasambahay para  kunin ang mga dessert.


"Daddy really likes you, huh" sabi ko sakanya ngayong andito kami sa garden nakaupo sa mga bench habang nakatingin sa ulap.

"Ako pa ba? Gwapo ko kasi e" sabi niya. Tumawa naman ako sa pinagsasabi niya

"Yabang a,bustedin kaya kita" sabi ko naman.

"Yan ang di ko naman matatanggap" aniya at nagseryoso.

"Let's make this work ok?" sabi niya sabay halik sa mga kamay ko.

Ngumiti ako. Marcus is the son of our one house help, tita romina. Tita Romina is my Mommy's bff since birth, yun nga lang sa murang edad ay maagang natigil sa pag aaral si tita Romina para magtrabaho dahil sa kahirapan. Nang magkita ulit sila ni Mommy ay nag offer si mommy ng trabaho sakanya kaya dun ko nakilala si Marcus, I was 13? 14? when I first saw him.

"Yes, we'll make it work. " sabi ko humilig sakanya.

Hinalika niya ang aking buhok at inakbayan ako.

"I love you" aniya. My heart is pounding so loud.

I chuckle.

"Don't worry, no pressure, I just want you to know that I love you" aniya "Di mo naman kailangang sagutin iyon agad"

"Mhm?" sabi ko

"Yes, so from now on, hatid sundo na kita ha?" aniya.


"Baka pag kumalat tong balita na to dumami na ang haters ko ha, andami pa namang nagkaka crush sayo" sabi ko sakanya na ikinatawa lang niya.

"If they really are my fans, then they should accept you too. I promise I'll protect you. And alam mo ako, I don't break promises" sabi niya habang sinusuklay ang buhok ko.

"And I trust you and your promises" sabi ko

"I think that's a great start for us, trusting each other" aniya.

Ngumiti ako at sinusulit ang oras na ganito. I know it will never be easy, but am I being selfish if I want it always this way? Agh! This man is mine.

-------
Trust me, I promise I'll make it worth it.

#Share
#Spread
#Support

Matilda (Montemayor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon