VII

588 14 0
                                    

Baby

Pagka dating ko sa bahay ay andun sila tito Andrew at Tita Christina sa salas nagtatawanan sila nila mommy at daddy.

"Oh ang aga naman dumating nitong anak kong ito" sabi ni mommy sakin

Lumapit naman ako sakanila at nagmano kila tito at tita.

"Hi tita , Hi tito" bati ko

"Hello anak, ang aga ata ng dismissal mo?" tanong ni tita

"Ah opo, absent po kasi yung prof namin e" sabi ko sakanya at tumango naman siya

"Mamayang alas tres pa daw ang uwian ni Christian e, de-deretso nalang daw siya dito tutal dito naman kami mag didinner dahil mag uusap pa tayo diba?" sabay lingon niya kila daddy

"Oo nga pa deretsuhin mo na dito si Christian kuya, para naman may lalake pa dito sa bahay" sabi ni daddy.

Tumango ako bago magpaalam na aakyat na para magbihis at pahinga.

Pagkatapos kong magbihis ay nagtungo ako sa aking study table at tinapos na lahat lahat ng gawain. Wearing my eyeglasses and some cute terno pajama I decided to rest for a while.

As I look at the clock nagulat ako at mag a alas singko na pala. Damn that explain why my stomach keeps on creating sounds. Tumayo na ako at tinali ko ang buhok ko na parang messy bun, homework is so stressful , kung sa school nga bawal matulog dapat sa bahay bawal din gumawa ng homeworks.

Nag stretching pa ako ng kaunti dahil nangalay ang likod ko kaka upo , habang nag s-stretching ay tumunoh ang cellphone ko. Pag tingin ko sa screen ay nabuhay ang dugo kong mapayapa na.

"Bakit?" pabalang kong sagot sa kabilang linya

"Ahm...sorry galit ka parin ba?" tanong ng mokong

"Oh e pake mo ba kung galit pa ako?" sabi ko at naglakad papunta sa pintuan

Pero laking gulat ko ng pagbukas ko ay nasa harap ko si Marcus tinignan ko siya pababa sa hawak hawak niyang plastik.

Binaba ko yung tawag at pinanliitan siya ng mata. "Oh anong ginagawa mo dito?" sabi ko sabay halukipkip .

Nagkamot siya ng batok "Eh sumama na ako kay Christian papunta dito tutal sinabi din ni tita na dito nalang din ako mag dinner dahil nalaman niyang sasama ako s--"

"Oh tapos? Galit parin ako---"

Naputol ang mga sinasabi ko ng bigla niyang pinakita sa harap ko dala dala niyang supot, naamoy ko bigla yung laman non at tumunog nanaman ang tiyan ko. Shit don't tell me...

"That's why I brought your favorite hepa foods" aniya at nangingiti pa.

Kinusilapan ko siya at unti-unting kinuha yung supot. Barbecue, isaw, dugo, fishball, kwek kwek, kikiam at mangga with sawsawan. Oh Lordie, naglaway na ako.

Binalingan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay.

"May kulang, wala---" di ko pa natatapos ang sasabihin ko ay bumalandra na sa harap ko ang dalawang coke in can.

Ngumiti na akong ng tuluyan at niyakap siya. He really knows me that much huh.

"Ok forgiven " sabi ko pagka kalas ng yakap.

"Umiiyak ka nanaman eh pangatlong beses na nating napanood yan." sabi niya sakin sabay abot ng tissue. After dinner ay nanuod nalang kami dito sa kwarto ko. Yes he is allowed besides kilala na siya nila mommy at daddy noon pa man and they trust him that much.

"Pake mo ba? Kainis bat kasi kailangan mamatay nung daddy niya. Pwede namang yung nag volunteer nalang yung maiwan e" sabi ko sabay singhot

"Haynako, kapag nangyare yan, hindi mangyayare yung scene na kinaiiyakan mo no yung part na 'I wish I could walk you down the aisle' " sabi niya at ginagaya pa yung pinapanood naming Armagedon. Sinuntok ko na siya sa pang aasar sakin.

"Bahala ka sa buhay mo, wala ka kasing puso." sabi ko naman at nag ayos na.

Tumayo siya at nagpagpag ng damit.

"Osya uuwi na ako, nang aaway ka nanaman e" sabi niya sakin na medyo parang nag tatampo effect.

Tumayo na din ako at sinimangutan siya . Niyakap ko siya at hinilig ko ang ulo ko sa kanyang balikat. Naramdaman kong natigilan siya pero binalewala ko ito. It's normal right?

"Ayokong dumating yung point na, lahat ng pangako mo sakin ay mawawala. Ayokong dumating tayo sa point na kailangan nating pakawalan ang isa't isa" I said out of nowhere na maski ako ay di ko alam kung san nanggaling pero siguro dala na din ng pinapanood ko kanina kaya ako ganito lalo na nung sinabi na ng daddy niya dun sa palabas na 'I guess I have to break that promise'. Everytime na naririnig ko yon ramdam na ramdam ko yung sakit. Ramdam ko yung lungkot and regrets.

Hinagod niya ang buhok ko at huminga ng malalim bago ako niyakap pabalik.
"Sabi ko naman lagi sayo, I will never ever live you. I promise to make you feel enough when you always feel insecure in all your flaws. I will always remind you how worthy you are and how precious you are to the point na ayaw kong magpaligaw ka kung kani-kanino lang. I promise to always reserve a space for you kapag break time at wala yung friends mo. I promise to comb your hair kapag inaantok ka. I promise to buy your favorite kwek kwek kapag may dalaw ka. I promise to do all your assignments kapag di mo talaga kaya. I promise to support you in anything. I promise to protect you at all costs." sabi niya that makes me feel like home.

Kumalas ako sa yakap at pinakita ang ang aking pinky finger.

"Promise?" tanong ko

Ngumiti siya sakin bago nagsalita "Promise" tinitigan niya ako bago tumawa ng malakas

Aba gago natawa bigla?

"Bakit? Ha? Anong nakakatawa?" tanong ko habang naka pamewang ako.

"Wala ang sad girl sad girl mo kasi jan, uuwi na nga ako di mo bagay umiyak. Ano ka baby?" tanong niya at nasa tapat na kami ng pintuan ng kwarto ko .

Di na ako umimik at tawa lang siya ng tawa habang umiiling pababa sa hagdan

"Kita mo? Pati ako nahahawa sa ginagawa mo sa buhay. Nakakabakla" sabi niya at natawa ulit

Suminghot ako dahil sa pag iyak kanina. Nasa tapat na kami ng main door at ihahatid ko na siya sa labas. Wala na kasi si mommy at daddy at sila tito at tita baka nasa office ni daddy.

"Huy tumigil ka na kasi. Singhot singhot. Bakit baby ka?" tanong niya sakin, sinimangutan ko siya at pinunasan yung mga tira tirang luha sa mata ko.

"Oo baby mo ako diba?" sabi ko ng maala yung inaasar niya sakin kagabi sa tawag. Biglang nanlaki ang mata niya at natigil sa pag punas ng luha ko.

Ano ka ngayon animal? Nakaganti din. Tumawa nalang ako at tinulak siya palabas.

"Byeee!!!Goodnight ingat sa pag uwi." sabi ko nang medyo naka bawi na siya sa gulat

"Te-teka---" di na niya natapos dahil sinarado ko na ang pinto at umakyat na.

Pagkahiga ko ay isang message ang natanggap ko mula sa kanya.

Marcus:

Bawi ka sakin bukas, may utang ka pa sakin at wag mo ng uulitin yung 'baby' na yan. Matulog ka na goodnight :))

Umiling nalang ako at nag ayos na para sa pag tulog. Pakiramdam ko ay maayos ang tulog ko ngayon, why kaya?

-----
Trust me, I promise I'll make it worth it.

Matilda (Montemayor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon